Manila Mayor Joseph Estrada personally asks nephew ER Ejercito to step down as Laguna governor

Maluha-luhang bumaba sa kanyang puwesto bilang Laguna Governor si ER Ejercito, sa pakiusap na rin ng kanyang tiyuhin na si Manila City Mayor Joseph “Erap” Estrada.


Personal na pumunta ngayong araw, May 30, alas-10 ng umaga, sa Laguna Provincial Capitol building si former President at Manila City Mayor Joseph “Erap” Estrada para sunduin ang kanyang pamangkin, ang ousted Laguna governor na si ER Ejercito na pinatalsik sa puwesto ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa diumano’y overspending sa kampanya niya noong nakaraang eleksyon.

Read: Comelec orders Laguna Governor ER Ejercito to vacate his post

Ayon sa mga source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sta. Cruz, Laguna, nagsalita muna si Erap sa harap ng mga supporter ni ER bago niya pinakiusapan ang pamangkin na bumaba mula sa puwesto at iwanan na ang old capitol building.

Halos maluha si Erap nang sabihin nito na pinakikusapan niya si ER na bumaba sa puwesto para matigil na ang kaguluhan at maiwasan ang pagdanak ng dugo.

Iginalang at pinagbigyan naman ni ER ang pakiusap ng Ejercito patriarch at naluluha rin na sinabi niya sa kanyang mga nag-iiyakang supporters na pansamantala lamang ang pag-alis niya sa puwesto at siya ang tunay na gobernador ng Laguna, ngayon at magpakailanman.

Sumakay sina Erap at ER sa isang SUV na naghatid sa kanila sa isang helicopter na nakaparada sa likod ng old capitol building.

Isinakay ni ER ang kanyang tiyo sa helicopter bago siya umalis patungo sa isang hindi pa malamang lokasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN