Paulo Avelino dismisses pregnancy rumor about KC Concepcion

Paulo Avelino pointed out the distance between him and KC Concepcion as one of the reasons why their blossoming relationship did not flourish. He said, "Minsan it looks easy kung malayo, pero it is really different. Iyon lang talaga, it’s the distance."


Mariing itinanggi ni Paulo Avelino ang balitang buntis diumano ang nali-link sa kanyang aktres na si KC Concepcion.

"I think it’s not true. Hindi naman, it’s not true. Kumbaga, nagpo-post naman siya ng kung anu-ano [sa social media].

"She’s also been seeing a lot of Filipinos, too."

Kasalukuyang nasa U.S. si KC bilang bahagi ng kanyang plano na kumuha ng short acting courses.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment media si Paulo sa press conference ng bagong teleserye nila ni Bea Alonzo, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon kagabi, May 29.

IS IT OVER? Sa panayam kay Paulo, hindi naiwasan na matanong siya tungkol sa estado ng relasyon nila ni KC, na inamin niyang niligawan niya.

Marami ang nagtaka sa naging post noon ni KC nang dalawin siya ni Paulo sa Amerika.

May ilan pang nagsasabi na marahil ay tapos na ang ‘di pa man ding nagbubungang relasyon nilang dalawa.

Read: Paulo Avelino visits KC Concepcion in New York

Sabi ni Paulo, "To be honest, we had something special. We were special friends.

"Siguro we tried din to take it to the next level, pero madaming...

"First of all, siguro yung pinakamalaking nangyari is yung distance."

STILL FRIENDS. Sa hiwalay na panayam kay Paulo pagkatapos ng presscon, sinabi niyang muli ang naging epekto ng pagiging magkalayo nila ni KC.

Aniya, "Minsan it looks easy kung malayo, pero it is really different. Iyon lang talaga, it’s the distance."

May panghihinayang ba si Paulo sa nangyari sa kanila ni KC?

Sagot niya, "Kapag ganun kasi, tinutuldukan na. But everything in my life, I want to keep it open, ayaw ko talagang tapusin."

Nabanggit din niya, "There’s communication and we are still friends pa naman. Wala namang pain. Happy heart."

Sa ngayon, masasabi ni Paulo na single pa rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin pa niya, "I’ve always been single."

Dagdag pa niya sa huli, "Ngayon, parang gusto ko munang mag-concentrate sa aking career kasi napakarami ko ring ginagawa bukod dito [sa teleserye]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN