Deniece Cornejo celebrates 23rd birthday behind bars; gets surprise visit from Roxanne Cabañero

by Arniel C. Serato
Jun 2, 2014
Kahit nakapiit, masaya pa ring ipinagdiwang ni Deniece Cornejo ang kanyang ika-23 na kaarawan. Aniya, “Life is still beautiful inspite of trials so everything, kahit na may mga pagsubok kayo, life has to go on, feel beautiful and feel positive.”

Hindi hadlang ang pagkakakulong sa pagkakaroon ng isang masayang birthday celebration.

Ito ang ipinakita ni Deniece Cornejo sa News5 kahapon, June 1, kung saan nagdiwang siya ng kanyang ika-23 kaarawan.

Maliban sa kanyang ama na nasa ibang bansa, kumpleto ang pamilya ni Deniece na nakisaya sa kanya sa loob ng detention center ng CIDG compound ng Camp Crame.

Dito kasalukuyang nakapiit si Deniece dahil sa serious illegal detention case na isinampa ng aktor na si Vhong Navarro laban sa kanya.

Non-bailable ang kasong ito.

Hindi nakitaan ng kalungkutan ang dating modelo sa padiriwang ng kanyang kaarawan, na sinimulan sa pamamagitan ng isang dasal.

Pahayag ni Deniece, “Life is still beautiful inspite of trials so everything, kahit na may mga pagsubok kayo, life has to go on, feel beautiful and feel positive.”

Simple lang ang mga handa sa kanyang birthday, kabilang na ang kaldereta na si Deniece pa raw mismo ang nagluto.

Continue reading below ↓



FIRST MEETING WITH ROXANNE CABAÑERO. Sa gitna ng kasiyahan ay sorpresa namang dumalaw kay Deniece sa piitan ang isa pang nag-aakusa ng panggagahasa kay Vhong—si Roxanne Cabañero.

Mahigpit na nagyakapan ang dalawa sa una nilang pagkikita.

Matapos magkuwentuhan, sinabi ni Roxanne sa panayam na, “We share the same trauma.

“Sorry, it happened to you.

Continue reading below ↓

“Be strong, kaya mo ‘to. Kaya natin ‘to.”

Sabi naman ni Deniece, “Nahawakan ko at nayakap ko siya, parang ano… I feel complete... yun, yun, e.”

Pangako pa niya sa kapwa niya diumano rape victim, “And andito ako, kahit ano, kahit mahirap at masakit.

“Hinding-hindi ako bibitaw. Hindi ako bibitaw.

“Idi-devote ko ang buong buhay ko sa laban na ‘to.”

Matapos nito, ipinag-prayover pa ang dalawa ng kaibigang pastor ni Deniece.

Continue reading below ↓


COMMON CAUSE. Si Deniece ang unang nag-akusa kay Vhong ng panggagahasa ng hindi lamang isang beses, kundi dalawang beses, na nangyari diumano sa kanyang tinutuluyang condo unit sa Forbeswood Heights Condominium, Bonifacio Global City, Taguig.

Nangyari diumano ito Enero ng taong ito.

Read: Deniece Cornejo claims Vhong Navarro raped her not once, but twice

Sumunod namang lumutang si Roxanne at nagsabi ring biktima diumano siya ng panggagahasa ni Vhong.

Nangyari diumano ito noong April 2010, sa kalagitnaan ng kanyang pagsali sa Miss Bikini Philippines.

Diumano, ginahasa siya ng actor-dancer sa loob ng sasakyan nito sa 'di pa rin matukoy na araw.

Pero ayon sa kanyang abugadong si Atty. Virgillo Batalla, nangyari diumano ito sa pagitan ng Abril 24 hanggang 27 ng taong yun.

Read: Roxanne Cabañero camp denies saying Vhong Navarro raped aspiring beauty queen on April 24, 2010; explains mix-up over name of hotel

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit nakapiit, masaya pa ring ipinagdiwang ni Deniece Cornejo ang kanyang ika-23 na kaarawan. Aniya, “Life is still beautiful inspite of trials so everything, kahit na may mga pagsubok kayo, life has to go on, feel beautiful and feel positive.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results