Deniece Cornejo claims Vhong Navarro raped her not once, but twice

Sinuportahan nina Cedric Lee (likurang bahagi), Zimmer Raz (kanan), at Bernice Lee (pangalawa mula sa kaliwa) ang akusasyon ni Deniece Cornejo (kaliwa) na ginahasa raw ni Vhong Navarro ang modelo, hindi lamang noong January 22, 2014 kundi maging noong January 17.


Hindi lang isa, kundi dalawang beses daw ginahasa ni Vhong Navarro si Deniece Cornejo.

Ito ang laman ng counter-affidavit ni Deniece na isinumite sa Department of Justice (DOJ) prosecution panel noong Biyernes, February 21, 2014, sa ginawang second preliminary investigation ng mga reklamong isinampa ni Vhong laban kay Deniece, sa magkapatid na Cedric at Bernice Lee, at iba pang mga akusado.

Ito ay taliwas sa naunang pahayag ni Deniece na “oral sex” lamang ang nangyari sa kanila ni Vhong noong unang nagpunta ang aktor sa kanyang condo unit sa Forbeswood Heights, Bonifacio Global City, Taguig, noong January 17, 2014.

Sabi ni Deniece noon, nangyari ang panggagahasa diumano sa kanya sa pangalawang pagbisita ni Vhong sa condo unit niya noong January 22, 2014.

Read: Deniece Cornejo files rape case against Vhong Navarro

Read: Vhong Navarro reveals alleged sexual encounter with Deniece Cornejo; Deniece claims she was raped

Noong January 22 rin binugbog si Vhong ng grupo ni Cedric dahil ipinagtanggol daw nila si Deniece sa panggagahasa ng aktor.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

Sa pagdinig noong Biyernes, nagsumite sina Cedric, Berniece, at ang isa pang akusado na si Simeon “Zimmer” Palma Raz, Jr. ng kani-kanilang counter-affidavits.

Lahat ng kanilang sinumpaang salaysay ay sumusuporta sa akusasyon ni Deniece na ginahasa siya ni Vhong noong January 17 at 22.

Bago pa nito, naghain ng omnibus motion ang kampo ni Cedric upang hindi muna sila magsumite ng kani-kanilang counter-affidavits, ngunit ibinasura ito ng DOJ prosecution panel.

Read: DOJ panel junks omnibus motion of Deniece Cornejo, Cedric Lee; lawyer denies delaying tactics



DENIECE CORNEJO’S STORY. Kahapon, February 24, naiulat sa ABS-CBN News online ang bahagi ng counter-affidavit ni Deniece na isinumite sa DOJ.

Ayon kay Deniece, una siyang pinagsamantalahan ni Vhong noong January 17.

Agresibo raw noong gabing yun ang actor/TV host.

Kuwento nito sa kanyang sinumpaang salaysay, "He lunged at me and managed to raise my shirt exposing my breasts, and he started touching my private parts."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanlaban daw siya ngunit hindi siya nanaig kay Vhong.

"As I was struggling to stop his advances, he managed to force his penis into my mouth. I tried my best to free myself from his clutches to no avail.

"He then removed his pants and inserted his penis inside my vagina. I was pleading ’No,’ struggling and crying, begging him to stop and pushing him as best as I could.

"Eventually he stopped and left my unit."

Sinabi rin niyang in-offer-an daw siya ng kaibigang si Cedric na i-report ang nangyari sa awtoridad.

"Cedric offered to help me to report what happened but I still didn’t feel very well."



CEDRIC LEE’S COUNTER-AFFIDAVIT. Ayon naman sa ulat ng 24 Oras ng GMA kagabi, February 24, sinuportahan din ng counter-affidavit ni Cedric ang mga salaysay ni Deniece.

Ayon sa bahagi ng salaysay ni Cedric: “On 18 January 2014, between 1:30 – 2:00 A.M., I noticed a text message from my friend Ms. Deniece Cornejo (“Deniece”) asking for help. Deniece’s text message was, “Help Ced I’m being harassed.”

Dagdag pa niya, “I told my friends about Deniece’s call for help and said I will go to her condominium unit at Forbeswood Heights… as soon as my friends left the unit, Deniece cried and disclosed to me that she was sexually harassed, and raped by Vhong Navarro just minutes before we arrived.”

Tinanong din daw niya ang kaibigan kung ano ang maitutulong niya rito noong mga panahong yun.

Saad pa ni Cedric sa kanyang affidavit, “I asked Deniece if there was anything I can do for her at that time, such as reporting the matter to the proper authorities, but at that point she was very confused and still did not know what to do.

"Not wanting to stress her further, I left her unit after she assured me that she will be alright on her own.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



BERNICE LEE’S VERSION. Ang laman naman ng affidavit ni Bernice ay ang mga pangyayari noong January 22.

Isa na rito ang dahilan kung bakit siya napadako sa condo unit ni Deniece.

Saad niya, “On 22 January 2014, I had plans to go out with my brother Cedric Lee (“Cedric”) and other friends… At around 9:00 P.M., I arrived at Forbeswood. While waiting at Deniece’s unit, I felt hungry so I went out.”

Pagbalik daw niya, ikinuwento ni Deniece na ginahasa na naman daw siya ni Vhong.

Kuwento pa nito, nasa fire exit lang ang kaibigang si Zimmer kaya nasaklolohan daw siya nito.

Ani Bernice, “On my way back after eating, I saw Deniece and she told me that Vhong raped her… Denice however said that fortunately Zimmer came back to the unit and saw what Vhong was doing to her and was able to pull Vhong off her.”

Sa puntong ito, sinabi na raw ni Bernice sa kapatid na si Cedric ang nangyari kaya sinugod nito si Vhong.

Dagdag pa ni Bernice sa kanyang sinumpaang salaysay, “I told Cedric that Vhong arrived earlier and raped Deniece in her unit again. Upon hearing this, Cedric rushed in to confront Vhong. Meanwhile, I brought Deniece to the pool area to console her.”



VERSION OF SIMEON “ZIMMER” PALMA RAZ, JR. Magkatugma naman ang kuwento ni Bernice at ni Zimmer.

Ayon kay Zimmer, katatapos lang niyang manigarilyo noon sa may fire exit. Pagbalik niya sa unit, narinig daw niya ang pagsigaw mula sa loob ng unit ni Deniece.

Dito na raw niya nakita ang isang lalaking nakapatong kay Deniece, kaya hinatak niya ito habang nagpupumiglas na sinusuntok siya upang makatakas.

Bahagi ng salaysay ni Zimmer, “…I stepped out of the condo unit to smoke in the fire exit. After a while, I went back to Deniece’s unit and as I opened the door, I heard shouts coming from Deniece’s room which prompted me to immediately proceed inward.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At that moment, I saw a man on top of Deniece with his pants and underwear by his ankles. I rushed to Deniece who was shouting for help and forcefully pulled the man away from her.

“The man meanwhile was pulling his shorts up and attempting to escape and throwing punches at me while I merely tried to contain him by pushing him to the ground.

“A few minutes later, Cedric came inside the unit and saw that Vhong was still trying to attack me and escape.”

Dito na raw nila ginawa ang “citizen arrest” kay Vhong.

Saad pa ni Zimmer sa kanyang affidavit, “As Vhong became more violent with his punches, kicks and blatant attempts to escape, a scuffle ensued.

“With his hands tied behind him, we sat Vhong down on the sofa and told him we are arresting him for raping Deniece.”

Sa affidavit ng tatlo, hindi nila binanggit ang mga pangalan ng iba pang mga lalaki na kasama nila noong gabi ng January 22, 2014.



WHY ONLY NOW? Sa ulat naman ng DDMM, ipinaliwanag ng abugado ni Denice na si Atty. Howard Calleja kung bakit ngayon lang nila isiniwalat ang panghahalay diumano ni Vhong sa kanyang kliyente noong January 17.

Aniya, "We have to give leeway and understanding to the rape victim.

"It is hard enough to relive one experience again and again. And it is harder to relive one or two experience."

Patuloy ring umaapela ang kampo nilang ilabas ng National Bureau of Investigation ang buong kopya ng closed-circuit television (CCTV) na kuha sa condo dahil edited na diumano ang mga inilabas ng ahensiya.



FAVORABLE FOR VHONG? Sa kabilang banda, nagtataka naman ang kampo ni Vhong kung bakit ngayon lang lumabas ang anggulong dalawang beses ginahasa ng aktor si Deniece.

Naniniwala si Atty. Alma Mallonga, ang legal counsel ng aktor, na magiging pabor para kay Vhong ang pabagu-bagong testimonya ni Deniece.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala naman daw problema sa kanila ang hiling ng kampo ng kalaban na ilabas ng NBI ang buong kopya ng CCTV.

Sabi pa ni Atty. Mallonga sa panayama sa kanya ng 24 Oras, “Nag-a-adjust sila ng kanilang kuwento, para naman matugunan yung hindi mo maikailang ebidensiya—yung CCTV footage nga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN