Lance Raymundo on his new face: “I’m more than happy!”

BEFORE AND AFTER PHOTOS OF LANCE RAYMUNDO. Ang kaliwang larawan ay kuha bago maganap ang aksidente sa isang gym, habang ang kanang larawan naman ay kuha pagkatapos niyang sumailalim sa reconstructive surgeries.


Unang beses na nakalabas ng bahay ng singer-actor na si Lance Raymundo noong Huwebes, May 29, pagkatapos ng kanyang aksidente, para sa live interview niya sa Aquino & Abunda Tonight ng ABS-CBN.

Matatandaang sumailalim sa dalawang reconstructive surgeries si Lance nang aksidenteng mabagsakan ng 95 pounds na barbell ang kanyang mukha sa isang gym noong March 19.

Read: Lance Raymundo “feeling a little better” after gym freak accident

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lance noong May 30, Biyernes, sa pamamagitan ng Facebook.

Una naming inusisa kung ano ang komento niya sa sinabi ni Kris Aquino sa Aquino & Abunda Tonight na mas pogi siya ngayon.

Sagot niya, “I’m very happy because it came from Kris, no less.”

Marami ang nagsasabi na nagbago ang hitsura ni Lance, ano kanyang ang nararamdaman kapag naririnig niya ito?

“Well, it’s okay, kasi ako mismo, alam ko na nagbago nga.

“Hindi maiiwasan, lalo na kasi nag-iba yung buong mid-face ko.

“But all the positive feedback made it easier for me to adjust to my new face.”

Masaya o satisfied ba siya sa mukha niya ngayon?

“I’m more than happy!” tugon ni Lance.

“Kasi yung gusto ko lang naman ay mabuhay at mabalik sa normal ang function ng mata, ilong, at brain ko.

“So, the fact na sabi ng marami ay nag-improve pa ako, I consider it a wonderful bonus po.”

Mas gusto niya ba ang mukha niya ngayon o yung dati?

Sagot ni Lance, “In terms of my job as an actor, I’m happy with my new face, because of all the good feedback from both audience and industry people.

“But I will always love my original face because that is what I was born with.”

Siya pa rin ba ang dating Lance sa kabila ng pagbabago ng kanyang mukha?

Tugon niya, “I’m still the same Lance that my family and friends have loved all these years—only wiser and with a stronger understanding of the power of faith.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ve always been positive and close to God, and that’s one of the reasons I was able to hang on to life, even at the lowest point.”



A DIFFERENT FACE. Bakit nasabi niyang pagkatapos ng aksidente ay inisip niyang wala na siyang career bilang singer at actor?

Paliwanag ni Lance, “I was being realistic when I first saw my face, day one po iyon.

“Sa sobrang lala, I never thought na maaayos pa ang mukha ko.

“My main priority was just to survive, e.”

Pagkatapos ng aksidente, paano siya naging aware sa sitwasyon ng mukha niya? Paano niya nalamang nadurog ang kanyang mukha?

Kuwento niya, “Nakita ko sa rear mirror po...

"Noong inakyat ako sa hospital room, I need to pee, pinipilit ng lahat na mag-pee na lang ako sa bed pan...

“Yun pala, ayaw nilang makita ko ang face ko. Kasi ang laki ng mirror sa CR.

“E, nagawa kong makiusap na may magdala sa akin sa CR, kasi I can’t walk on my own.

“So, yun, nakita ko nang close-up yung nasira kong mukha.”

Ano ang pumasok sa kanyang isip nang makitang ganoon ang nangyari sa mukha niya?

“Doon ko on the spot ni-rearrange ang buong buhay ko....

“I knew hindi na mababalik ako sa normal, sa lala ng nakita ko.

“So, I told myself, ‘Kaya ko pa rin mabuhay nang maayos kahit ano pa ang hitsura ko.’

“So, tinanggap ko ang aking kapalaran.”



NEVER LOST HIS FAITH. Hindi raw kailanman inisip ni Lance na pinabayaan siya ng Diyos nang makita niyang duguan at wasak ang kanyang mukha sa salamin.

“No, kasi nabuhay ako,” sabi niya.

Prior sa gym accident, religious ba siyang tao?

“Yes... since bata pa ako,” sagot ni Lance.

Dahil sa pinagdaanan niya, may pananaw ba siya sa buhay na nagbago?

Saad ng singer-actor, “Actually, more of na-strengthen lang yung mga pananaw na kinalakihan ko, like the value of faith, hope, forgiveness, love...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But if there is one new thing I learned, it’s that life can go on and still be meaningful, even if something you truly value—in my case, yung face at eyesight ko—is taken away.

“Kasi, nagulat din ako sa sarili ko when I was able to keep calm and stay positive after the first time I saw my disfigured face.”

Noong ikalawang araw niya sa ospital ay may narinig daw na mensahe mula sa isang mahiwagang boses si Lance.

Kapag binabalikan niya yung insidente na may narinig siyang boses, ilang percent ang possibility na may naririnig siya talagang boses at ang possibility na nagha-hallucinate lamang siya?

Ayon kay Lance, “For me, ‘di ko na lang inisip or attempt to analyze or rationalize...

“Basta, since I’m a Catholic, I instantly attributed it to Christ.

“Kung iba religion ko, I’m sure I’ll attribute it to whoever I believe in.

“So, at the end of the day, what really matters is faith.

“Sabi ko nga sa interview kagabi, ‘I hope you are really God, and I’m not just imagining this....’

“Kasi, I really want everything He told me to come true na mababalik ang vision ko, makakabalik ako sa dating mga ginagawa ko, makakalakad ako nang normal, at mababalik ang sense of balance ko, etcetera.”



THE MYSTERIOUS IMAGE. Ipinalarawan ng PEP kay Lance ang scenario nang may nakita siyang imahe at narinig siyang boses, at kung sino ang kasama niya sa kanyang kuwarto.

Lahad niya, “Me and my mom lang sa room. It was afternoon nap time.

“I wasn’t sedated but I was in pain and I was planning to sleep so I can rest and ease the pain.

“The visions and the voice came at the time when I was about to fall asleep...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I didn’t actually see God... But I was allowed to see an image which, to me, represents God.

“At yun nga yung image sa blanket ko.

“The voice told me to sit up and sinunod ko.

“Then, when I sat down, the first thing I saw was that yung pagkakagusot ng blanket ko has formed an image that resembles Christ as we know Him.”

Pati ba ang mommy niya ay narinig din ang mahiwagang boses o siya lang? Paano ide-describe ni Lance ang narinig niyang boses?

“Ako lang ang nakarinig...

“It’s hard to describe the voice because it’s like a stream of information that’s entering my brain without actually knowing where it is coming from...”

May kakaibang liwanag ba ang nakita niyang imahe sa kanyang kumot at very visible ba ito?

“Yes, sa blanket. And it all boils down to faith...

“Because what I saw in my blanket is an image of a bearded man....

"And it was my faith that makes me believe in my heart that that image is the representation of God communicating with me.”

Upang mas maintindihan namin ang kanyang sinasabi ay ipinadala ni Lance, sa pamamagitan ng Facebook, ang litrato ng kanyang kumot na kinunan ng kanyang ina na si Nina Raymundo noong March 20, 5:45 ng hapon.

Nang nakita niya ang imaheng ito at nakarinig siya ng boses, kinabahan o nagtaka ba siya?

Sagot ni Lance, “Hindi ako natakot...

“The situation I was in—nabagsakan ng 95-pound barbell, nabulag isang mata, 50/50 ang buhay, etc.—was the scary thing…

“And somehow, when I heard the ‘voice’ and saw the image, it brought me hope and comfort.”



THE SCAR. Tungkol naman sa peklat sa bridge ng kanyang ilong, puwede naman itong ipa-plastic surgery, subalit ayaw itong ipaalis ni Lance.

Paliwanag niya, “Kapag makita ito ng mga ibang tao na kasalukuyang may pinagdadaanan na pagsubok, I hope it will remind them about how they should hold on to life and stay hopeful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And hopefully it helps them feel better and stronger.

“And if I do a movie na ayaw ng direktor na may scar, madali namang takpan ng make-up.

“But when I’m in the real world and not acting or modelling, etcetera, I wanna be natural—scar and all.”

Nabanggit din ni Lance ang paghanga niya sa galing ng mga doktor na nag-opera sa kanya.

“Mas lalo ako napabilib sa talent ng Pinoy!” bulalas niya.

“Some people go abroad to make sure success ang procedure.

“Ako, I entrusted my fate to an all-Pinoy team and I’m so proud of them!”

Pinangunahan ni Dr. John Michael Porquez ang team na nag-opera kay Lance.

Yung tainga niyang pinagkuhanan ng buto, may pungos o tabas ba?

“Hindi halata... ang galing talaga ni Doc, e,” wika ni Lance.



DRAMATIZATION. May lumapit na ba sa kanya mula sa Maalaala Mo Kaya o Magpakailanman upang isadula ang nangyaring ito sa kanya?

Ayon kay Lance, “I heard intentions regarding this, but nothing concrete.

“But If ever it happens, it would be great to watch myself being portrayed by any of our favorite stars.”

Ayaw ba niyang siya mismo ang gumanap? O hindi niya kakayaning balikan ang traumatic experience na ito?

“Actually, if they ask me to play me, I would love to…

"And to be honest, I’m blessed na hindi naman ako na-traumatize.”

Sino sa tingin niya ang bagay gumanap bilang mommy niya?

“Sana si Dawn Zulueta,” sagot ni Lance, dahil ito raw ang paborito ng kanyang ina.

“Of course, I know she’s young... cinema magic, like when Angelina Jolie played Brad Pitt’s mom in Troy,” dagdag niya.

Pero kung iba ang gaganap bilang siya, sino ang choice ni Lance?

“Si Jake Cuenca... I’ve worked with him and he’s very talented.”

Ano ang next plans niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Balik acting and singing, full time.

“Si Shandii [Bacolod, Lance’s manager] is already arranging my schedules, but I’ll know by mid-June.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN