Paulo Avelino confident that Sana Bukas Pa Ang Kahapon will also do well like The Legal Wife

Paulo Avelino on working with veteran stars: “May effort dahil, una sa lahat, mga beteranong artista at mga respetadong artista talaga ang mga kasama ko dito. Kumbaga, in this industry naman… I know I have a lot to learn and, kumbaga, isang step din ito para mas matuto ako bilang aktor.”


Sa mga naunang interviews kay Paulo Avelino, nagpahiwatig ang aktor na tila tinatapos na niya ang panliligaw kay KC Concepcion at ipinahayag na single pa rin ang kanyang status.

Kasabay nito ay pinabulaanan niyang buntis si KC.

Read: Paulo Avelino dismisses pregnancy rumor about KC Concepcion

Matapos nito ay mismong si KC na ang nagsalita para sa kanyang sarili matapos niyang mag-post sa Instagram ng picture niya habang nag-e-exercise suot ang pang-work out na damit na kita ang tiyan, kasama pa ang paliwanag na hindi siya buntis.

Read: KC Concepcion denies pregnancy rumor

Sa grand presscon ng upcoming Kapamilya teleseryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon, kung saan kabilang sa main cast si Paulo, ay muling naungkat ang naudlot na relasyon nila ni KC.

Pero sabi lang ng aktor, “Well, ako, nasabi ko naman na yung mga gusto kong sabihin last time.

“Sa ngayon, wala pa akong maidadagdag doon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paulo pagkatapos ng naturang presscon na ginanap kagabi, June 3, sa La Chandelle Events Place sa Mother Ignacia St., Quezon City.

Hiningi rin ng PEP ang reaksiyon ni Paulo tungkol sa Instagram post ni KC na hindi ito buntis.

“Well, hindi naman talaga,” matipid na sagot niya.



FOCUS ON WORK. Sa ngayon, mas gusto raw mag-focus ni Paulo sa trabaho, lalo na nga’t magiging busy siya sa taping ng teleserye nilang Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Makakasama niya rito sina Bea Alonzo, Albert Martinez, Susan Roces, Eddie Garcia, Anita Linda, Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, Maricar Reyes, Francis Magundayao, Michelle Vito, at Miguel Vergara.

Sa direksiyon nina Jerome Pobocan at Trina Dayrit, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay mapapanood sa ABS-CBN Primetime Bida ngayong Hunyo.

Sabi ni Paulo, “Now, I’m gonna be busy with work and I’m gonna concentrate muna dito.”

Kailan naman kaya magiging bukas ang puso niya sa bagong pag-ibig?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Now? Work muna!” bulalas niya.

Ginagampanan ni Paulo sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon ang leading man ni Bea bilang si Patrick, na isang chocolate maker. Kaya naman sumailalim pa raw sa workshop ang aktor para sa paggawa ng tsokolate.

Sabi niya, “I have to actually learn how to make chocolate, so nag-undergo ako ng workshop.

“Nag-train talaga ako. Na-enjoy ko naman.”



ALL PRAISES TO BEA & CO-WORKERS. Puno naman ng paghanga si Paulo sa katambal niyang si Bea, na first time niyang makatrabaho

Saad niya, “Si Bea kasi is a very giving actress. Mabilis siyang magbigay ng reaksiyon kaya hindi ka mahihirapan kapag kaeksena mo siya.

“Dahil napakagaling niyang aktres, napu-push ka rin to really do your best.

“Sa set naman, kumportable na kami sa isa’t isa, nagkukuwentuhan din kami.”

Ngayong magkatrabaho sila ni Bea sa telebisyon, gusto niya rin bang makasama ito sa isang pelikula?

Sagot ni Paulo, “Sana, sana. I’ve been wanting to work with her ever since, lalo na noong lumipat ako dito sa ABS-CBN.

“And I’m so happy na magkatrabaho kami ngayon sa teleserye, sana movie naman ang kasunod.”

Bukod sa unang pagsasama nila ni Bea, ikinatuwa rin ni Paulo na pawang mga beterano at multi-award winning actors ang kasama nila sa teleserye.

May conscious effort ba on his part para mag-step up sa kanyang acting lalo na kapag kaeksena niya ang mga beterano?

Tugon niya, “May effort dahil, una sa lahat, mga beteranong artista at mga respetadong artista talaga ang mga kasama ko dito.

“Kumbaga, in this industry naman… I know I have a lot to learn and, kumbaga, isang step din ito para mas matuto ako bilang aktor.”



PRESSURE. Si Bea ay aminadong nakakaramdam ng pressure dahil ang papalitan ng teleserye nila ay ang toprating at pinag-uusapan ngayon na The Legal Wife nina Angel Locsin, Maja Salvador, at Jericho Rosales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang isa sa lead actors, nararamdaman din ba ni Paulo ang pressure na ito?

Ayon sa kanya, “Ako naman… well, first of all, congratulations sa The Legal Wife dahil napakaganda ng feedbacks and ratings.

“Pero sa akin, may tiwala rin naman ako sa materyal namin. I think it will do good.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN