Dina Bonnevie praises Pauleen Luna for sticking with Vic Sotto despite all the odds

Dina Bonnevie has good wishes for ex-husband Vic Sotto: "If his happiness is being with someone... who can be sincerely with him in sickness and in health, then, fine."


Bilang dating asawa ni Vic Sotto, hindi maiwasang matanong si Dina Bonnevie tungkol sa relasyon ng comedian-TV host sa young actress na si Pauleen Luna.

Lalo na nga’t marami ang nagtatanong kung pakakasalan ba ni Vic si Pauleen sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad—si Vic ay 60 habang si Pauleen naman ay 25 pa lamang.

At kung magiging kasundo ba ni Pauleen ang mga anak nina Dina at Vic na sina Danica Sotto-Pingris at Oyo Sotto.

Sabi ni Dina tungkol sa relasyon nina Vic at Pauleen, "Well, unang-una ay hindi naman ako nakikialam.

"As far as I know, nung birthday kasi ni Vic, si Pauleen ’ata was planning a party.

"Pero kinausap ’ata siya ni Danica na to support na lang yung party nila, kasi gusto nila na sila ang magbigay ng party para sa kanilang papa.

"Pero she [Pauleen] was very supportive."

Matatandaang noong April 28 ay isang surprise party ang ibinigay nina Danica at Pauleen para sa 60th birthday ni Vic.

Read: Vic Sotto celebrates 60th birthday via surprise party prepared by girlfriend Pauleen Luna



ON VIC SOTTO. Ano ang masasabi ni Dina na hanggang ngayon ay nakabitin pa rin ang plano ni Vic na mag-asawang muli?

Reaksiyon ng aktres, "I’m not necessarily wishing na mag-asawa siya, kasi there are some people who are not the marrying type.

"There are some people who love a companion but are afraid when it comes to commitment.

"I’m not saying na he’s like that.

"Kung tinitingnan ko ang track record, ’di ba, parating ganun lang.

"Siguro din nahihirapan siya [Pauleen] dahil whoever will marry him will have to deal with Danica, with Oyo, with Paulina na anak niya kay Angela [Luz], with Vito na anak niya kay Coney [Reyes].

"Ako, never ako nakikialam. Pero with Coney and Angela, nakikita pa niya every day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I mean, what kind of woman would put up with that kind of set up, ’di ba?

"Ako, at least, out na ako. I have my own life now."

Si Dina ay ikinasal sa vice governor ng Ilocos Sur na si Deogracias Savellano noong March 2012.

Ito ang ikatlong pagpapakasal ng aktres pagkatapos ng hindi matagumpay na pagsasama nila ni Vic at ng politician na si Richard Penson.

Patuloy pa ni Dina tungkol kay Vic, "Pero ako, I wish him good health.

"Yun ang wini-wish ko sa kanya and his own happiness.

"If his happiness is being with someone who can take care of him, who can be sincerely with him through thick and thin, in sickness and in health, then, fine."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dina sa grand presscon ng bagong primetime teleserye ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon kagabi, Martes, June 3, sa La Chandelle Events Place, Quezon City.



ON PAULEEN LUNA. Tungkol naman sa layo ng agwat ng edad nina Pauleen at Vic, sabi ni Dina, "No matter how young she is, as long as she’s sincere.

"Probably a lot of people judge Pauleen na, ’Parang bata ’yan. How can she fall in love with a sixty-year-old? C’mon, parang it’s next to impossible.’

"Pero hindi natin puwedeng ma-judge yung tao, e.

"I mean, inisip ko na lang na through all these na she has to deal with Danica, Oyo, and others, it’s not an easy task.

"So, since nandiyan pa siya, it must be something...

"Pero ewan ko, nandoon pa ba si Pia sa Eat Bulaga?" pagtukoy ni Dina sa ex-girlfriend ni Vic na si Pia Guanio.

"Can you imagine na nandun pa yung ex-girlfriend slash I-don’t-know-what... ang hirap!

"Parang sa loob-loob ko, ’Oh, my God, why not one of them resign? Ano ba!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"How can you be in the same show, c’mon. Can one of you resign?" saad pa niya na natatawa.

Dugtong pa ni Dina, "Kung ako sa shoes ni Pauleen, mahihirapan ako kasi his ex-girlfriend, co-host.

"Once in a while, ’andiyan ang mga pamangkin, ’andiyan sina Danica, it’s not easy.

"Yung mga kasama ni Vic sa show, matagal na niyang kasama ’yan, parang pamilya na niya ’yan."

NOT BITTER. Paglilinaw ni Dina, hindi siya bitter tungkol sa mga komento niya.

Mariing sabi ng award-winning actress, "No, I’m not bitter. I was never bitter.

"Parang sa akin is... what I’m trying to say is that she has a lot to put up with.

"But the mere fact that she’s still there, it’s not right for people to judge her na she’s not sincere.

"Some people would say na she’s just after the money, but can you imagine how much this girl has to put up with?

"The fact nga na nandun pa siya, ’E’ [for excellent] or ’A’ for effort yun.

"Hinahangaan ko siya kasi hindi naman madali yun.

"Sana, sa akin lang ha, kung talagang nagmamahalan sila, sana hanggang sa pagputi ng buhok ni Vic.

"Ke may sakit si Vic, kasi as we grow old ay nagkakasakit.

"And ’tulad nga ng sinabi ko na she has to deal with other moms, except me.

"Kung totoo, sana ay nandun pa siya hanggang sa...

"Kaya nga ang wish ko kay Vic, sana kung sinuman ang magmamahal sa kanya, truthfully and sincerely, sana it would last forever.

"Although, wala naman talagang forever."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN