Marlene Aguilar claims Ka Freddie’s marriage to a minor is “bogus”; calls brother’s new wife a "poser"

Marlene Aguilar wrote to PEP.ph that she promised her family that she would refuse media interview because she might say something that would hurt her brother, Freddie Aguilar.


“This family feud, Maegan and her father, has been very painful to all of us.”

Ito ang simula ng mensahe ni Marlene Aguilar sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), via Facebook, hinggil sa hidwaan sa pagitan ng kanyang kapatid na si Freddie Aguilar at pamangkin na si Maegan Aguilar.

Nakipag-ugnayan ang PEP kay Marlene upang humingi sana ng interview kaugnay ng kanyang Facebook message kahapon, June 5, kung saan binatikos niya ang bagong asawa ni Ka Freddie.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang pagpapakasal ng legendary singer, na ngayon ay 61 years old na, sa isang 16-anyos na dalaga noong November 22, 2013.

Read: Freddie Aguilar to marry 16-year-old girlfriend in Islam rites

Dugtong pa ng mensahe ni Marlene sa PEP, “I promised my family that I would refuse media interview.

“My siblings are concerned I might say something that would further hurt my brother Freddie Aguilar.

“Honestly, I have no desire to say or do anything that would hurt him.

"So, I cannot grant you any interview.

"However, you have my permission to quote what I just said.

“Thank you so much for understanding.”

“BOGUS” MARRIAGE. Sa post ni Marlene sa kanyang Facebook account kahapon, June 5, sinabi niyang dapat nang itigil ng asawa ngayon ni Ka Freddie ang paggamit ng apelyidong Aguilar dahil bogus umano ang kanilang kasal.

Ipinaliwanag din ni Marlene kung bakit tinawag niyang “bogus” ang kasal ni Freddie sa menor de edad nitong asawa.

“Kasal si Freddie Aguilar kay Marilyn Angelo, una niyang asawa at ina ni Shainne, pamangkin ko.

“Kasal din si Freddie Aguilar kay Josephine Queipo, ina ni Maegan Comet Aguilar.

“At kasal din siya kay Antonette, pero iniwan niya si Ka Freddie at nagpunta sa America.”

Sa dulo ng post na iyon, sinabi ni Marlene na may balita siyang kasal diumano ang misis ngayon ni Freddie sa ibang lalaki, pero hindi na siya nagbigay ng ibang detalye tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT WHAT SHE CLAIMS TO BE. Sa isa pang post ni Marlene, pinasalamatan niya ang kanyang followers at tagasuporta, matapos umanong atakihin ang kanyang FB wall ng taong tinukoy niyang “She Golum aka Joviginalwart.”

Aniya, “Unfortunately for [name of Freddie’s wife], many people see her as SHE GOLUM. That includes me. And there is absolutely nothing she could do about that!”

Patuloy pa ng pagpapasalamat ni Marlene sa kanyang mga tagasuporta, “You have done so much work and research to seek for truth and justice.

“We now know that she is not who she claims to be. She is nothing but a poser, a charlatan.

“Rest assured that there is justice in this world. The goddess Karma doesn’t sleep. And truth will prevail.

“Thank you for standing by me. Thank you for fighting my fight.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN