Freddie Aguilar to marry 16-year-old girlfriend in Islam rites

Maguindanao Governor Esmael "Toto" Mangudadatu reveals that he will be officiating the Islam marriage of Freddie Aguilar and his 16-year-old girlfriend today, November 22.


Sa kabila ng kontrobersiya sa kanyang bagong relasyon, desidido ang legendary singer na si Freddie Aguilar na pakasalan ang menor de edad niyang nobya.

Magaganap ang kanilang kasal ngayong araw, Biyernes, November 22.

Ang impormasyong ito ay kinumpirma ni Maguindanao Governor Esmael "Toto" Mangudadatu.

Si Governor Mangudadatu ang mag-o-officiate ng kasal ng 60-year-old singer sa 16-year-old girlfriend nito.

Sa panayam ng tabloid na Balita kay Mangudadatu, mula sa Tacloban City, na nailathala ngayong araw, sinabi ng gobernador na pumayag siyang isagawa ang seremonya ng kasal nina Freddie at ng kasintahan nito sa bisa ng Presidential Decree 1083 o Muslim Family Code of the Philippines.

Ito ay matapos pumayag si Freddie—Ferdinand Pascua Aguilar sa tunay na buhay—na yakapin ang relihiyong Islam.

Ayon sa batas na ito: "Any Muslim male at least fifteen years of age and any Muslim female of the age of puberty or upwards and not suffering from any impediment under the provisions of this Code may contract marriage. A female is presumed to have attained puberty upon reaching the age of fifteen."

Ngunit paglilinaw ni Governor Mangudadatu, bago pa man ang pakikipagrelasyon ni Freddie sa menor de edad nitong kasintahan, nagpakita na ang legendary singer ng interes na magpa-convert sa Islam.

Nang tanungin ng media ang posibilidad na baka ginagawa lamang ito ni Freddie para sa "personal convenience," sagot ni Governor Mangudadatu: "It will be his accountability to God."

NEGATIVE REACTION. Umani ng batikos mula sa publiko at ilang sektor ang pag-amin ni Freddie tungkol sa kanyang relasyon sa isang dalagita.

Lalo pa nang sinabi ng singer na gusto niyang pakasalan ito.

Ayon sa Family Code of the Philippines, ang isang wala pa sa edad na 18 ay hindi maaaring ikasal.

Unang nailathala rito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa relasyon ni Freddie sa kanyang 16-year-old girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: 60-year-old legendary singer Freddie Aguilar is helplessly in love with 16-year-old girlfriend

Nahaharap si Freddie sa kasong Qualified Seduction, o ang paglabag sa Article 337 ng Revised Penal Code, na isinampa ng isang nagngangalang Fernando Perito sa Office of the Prosecutor ng Quezon City.

Read: Freddie Aguilar now faces qualified seduction


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN