Krista Miller on alleged illicit tryst with convicted drug lord Richard Camata: "Real estate properties ang ibenebenta ko at hindi ang sarili ko.”

Krista Miller on her much-speculated hospital visit to convicted drug lord Richard Camata: "Iyong isyu rin po na naiwan kami sa loob ng room ni Mr. Camata for ten minutes, gusto ko lang pong i-clarify na wala kaming ginawang makakadungis sa pagkababae ko."


“Uulitin ko po, hindi ako masamang babae. Real estate properties ang ibenebenta ko at hindi ang sarili ko.”

Ito ang pahayag ni Krista Miller kaugnay ng iba’t ibang espekulasyon tungkol sa pagbisita niya sa convicted drug lord na si Ricardo “Chacha” Camata.

Ayon sa ulat ng GMA News Online noong June 4, kinuwestiyon ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Francisco Baraan ang pagdala kay Camata mula sa New Bilibid Prison papuntang Metropolitan Medical Center nang walang pahintulot ng DOJ, noong May 28.

Kasabay nito ay pinaiimbestigahan ang diumano’y “special treatment” kay Camata, kabilang na ang pagtanggap nito ng bisita sa loob ng hospital room kahit hindi mga kamag-anak.

Si Krista ang natukoy na kasama ng diumano’y dalawang lalaking dancers na bumisita kay Camata noong May 31.

Bukod sa hindi maituturing na kamag-anak si Krista, napag-alamang hindi man lang kinapkapan ang starlet o ininspeksiyon ang dala nitong bag bago ito pumasok ng hospital room ni Camata.

Read: Starlet Krista Miller camp on visiting convicted drug lord in hospital: "She has nothing to hide."

Sa kanyang press statement ngayong araw, June 6, naglabas ng sama ng loob si Krista hinggil sa pambabatikos na natatanggap niya.

Nagkakaroon daw kasi ng maling interpretasyon ang publiko hinggil sa tunay na pakay niya sa pagdalaw sa pinaghihinalaang pinuno ng Sigue Sigue Sputnik Gang.

Sabi ni Krista, “Sa totoo lang po ay sobrang nasasaktan ako dahil ang pakiramdam ko ay naging biktima na naman ako ng maling speculation.

“Masakit po para sa akin na muling mapag-usapan na parang ang sama-sama kong babae.

“At mas lalong masakit po para sa akin na makita ang mga magulang ko… ang pamilya ko na nasasaktan at naiinsulto nang dahil sa controversy na ‘to.”

Si Krista ay unang nakilala ng publiko nang maugnay siya kay Cesar Montano.

Siya ang pinaghihinalaang dahilan kung bakit naghiwalay ang actor-director at ang asawa nitong si Sunshine Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REAL ESTATE AGENT? Ayon kay Krista, bukod sa pag-aartista at pagmomodelo ay nagtatrabaho siya bilang isang part-time real estate agent mula noong January nitong taon.

Dalawang buwan na raw niyang hindi naabot ang kanyang monthly sales quota kaya nagbakasakali siyang kumbinsihin si Camata na bumili ng condo unit.

Sabi niya, “Purely business po ang transaction namin ni Mr. Camata.

“Sabi kasi sa akin ng talent coordinator na nagbigay sa akin ng ‘sagala project’ sa National Bilibid Prison, kung saan nakilala ko si Mr. Camata, high profile daw si Mr. Camata.

"Kaya sabi ko, baka puwede niya akong tulungan na mabentahan si Mr. Camata at bibigyan ko na lang siya ng referral fee, na normal naman pong kalakaran sa trabaho namin.

“Iyon po ang dahilan kung bakit sinamahan ako ng talent coordinator sa hospital.”

Iginiit ni Krista na hindi niya alam ang tungkol sa security protocol na bawal bisitahin si Camata ng hindi nito mga kamag-anak.

Iginiit din ng starlet na wala siyang intensiyong suwayin ang security protocol nang hindi siya inspeksiyunin ng mga gwardiya bago pumasok ng kuwarto ni Camata sa ospital.

“Iyong pangalawang isyu po na hindi ako kinapkapan, hindi ko rin po alam na ‘yon pala ang tamang proseso.

“In the first place, dapat yung mga jail guards na nandoon ang nag-initiate noon kung ‘yon pala ang dapat nilang ginawa.

“Wala po akong dalang drugs noon sa bag ko, ang dala-dala ko lang po noon ay brochures ng mga projects ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko na gusto kong ipakita kay Mr. Camata.”

Sa huli, inihayag ni Krista na tumagal lang ng sampung minuto ang pagbisita niya kay Camata.

Taliwas ito sa mga lumabas na news reports na mahigit isang oras nasa loob ng hospital room ni Camata si Krista.

Ayon pa sa dalaga, sa loob ng ilang minutong itinagal niya roon ay wala siyang ginawang anumang aksiyon na “makakadungis” sa kanyang pagkababae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Iyong isyu rin po na naiwan kami sa loob ng room ni Mr. Camata for ten [10] minutes, gusto ko lang pong i-clarify na wala kaming ginawang makakadungis sa pagkababae ko.

“In fact, may pumasok po roong nurse at inayos ang kanyang suwero.

"Ang pinag-usapan po namin ay ang mga condo units na inu-offer ko sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN