Zoren Legaspi on tax evasion case: "...mabigat talaga sa kalooban ko...kasi may flaw dun sa system..."

Masama ang loob ng attor na si Zoren Legaspi sa sistema ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil kaagad daw siyang sinampahan ng reklamong hindi pagbabayad ng buwis isang araw matapos niyang matanggap ang sulat mula sa ahensiya. Ipinagtataka rin niya ang pagkakaroon ng apat na tax identification numbers (TIN) gayong isa lang naman daw ang kanyang ginagamit.


Masama raw ang loob ng aktor na si Zoren Legaspi dahil sa ginawang pagsampa ng tax evasion case sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Naghayag ng saloobin si Zoren sa harap ng media sa preliminary hearing ng naturang kaso kahapon, June 6, sa Department of Justice (DOJ).

Kuwento niya sa panayam ng GMA News, “Mabigat talaga sa kalooban ko. Minsan nga iniisip ko na, ‘Sige kahit tawagin niyo na lang akong tax evader, matapos na lang ’to.’

"Pero mabigat talaga sa kalooban ko, dahil yung system kasi, may flaw dun sa system. Kasi pag tax evader ka, mahahanay ka na kung kani-kaninong criminal e na hindi magandang pakinggan sa tenga.”

Himutok pa niya sa BIR, paanong hindi raw siya nakapagbayad ng P4.45 million na buwis noong 2010 at 2012 gayong nahirang siyang isa sa mga top individual taxpayers ng Pasig noong 2010.

Saad pa niya, “Noong 2010 na case nila, that’s the year na nag-top 10 ako sa Pasig. So ayun nga e so ayaw ko nga sanang magsalita dahil ayokong masisi ba.

"So ang sinisisi ko na lang dito ay yung system, hindi yung mga tao.”

Nakasaad sa reklamo ng BIR na noong taong 2010 ay P6.79 million lamang ang idineklara ng aktor at P1.82 million noong 2012.

Pero base sa listahan ng mga withholding agents ng BIR, may total income umano si Zoren na P9.64 million noong 2010 at P6.49 million noong 2012.

Kaya nagkaroon ng P4.45 million tax liabilities ang aktor sa BIR dahil sa hindi tamang pagdeklara ng kabuuang kinita nito noong 2010 at 2012.

Aminado naman ang actor na ipinaubaya niya sa kanyang accountant ang pagbabayad ng buwis mula sa kanyang mga kinita. Base pa sa kanyang affidavit, inamin din niyang wala siyang kaalaman kung tama o mali ang nilalaman ng kanyang mga tax documents.

Saad pa niya, premature daw ang pagsampa ng reklamo ng BIR sa kanya dahil May 7, 2014, lang daw niya natanggap ang sulat mula sa ahensiya na nag-uutos sa kanya na magsumite ng mga dokumento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kinabukasan daw, May 8, sinampahan na agad siya ng reklamong tax evasion sa DOJ.

Read: BIR files P4.45-M tax evasion case against Zoren Legaspi

Nagtataka rin daw siya kung bakit nagkaroon siya ng apat na tax identification numbers (TIN) pero isang TIN lang naman daw ang gamit niya.

Pahayag pa niya, “Bakit naman ako gagamit ng multiple TIN numbers? Why? Para hindi ako makabayad? Bakit naman ayokong magbayad?”

Samantala, pinaninindigan ng BIR ang reklamo laban kay Zoren at hindi raw nila babawiin ang isinampang kaso kahit magbayad pa raw ito ng kulang niyang buwis.

Sa June 16, nakatakda ang pangalawang preliminary investigation sa DOJ kaugnay sa tax evasion case at inaasahan daw ang pagdalo ni Zoren dito.

Si Zoren ay mister ng actress-TV host na si Carmina Villarroel, kung saan mayroon siyang kambal na anak—sina Maverick at Cassandra.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN