Ombudsman files plunder case vs Enrile, Revilla, Estrada in Sandiganbayan

(L-R) Senators Juan Ponce Enrile, Bong Revilla, and Jinggoy Estrada were charged with plunder in Sandiganbayan because they allegedly took "undue advantage, on several occasions, of their official position, authority, relationship, connection and influence to unjustly enrich themselves at the expense and to the damage and prejudice of the Filipino people."


Pormal nang sinampahan ng Office of The Ombudsman ng kasong plunder sa Sandiganbayan sina Senator Juan Ponce Enrile, Senator Bong Revilla, at Senator Jinggoy Estrada kahapon, June 6.

Ito ay matapos ibasura ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang apela ng tatlong mambabatas, dahil wala umano silang bagong argumentong inihain sa kanilang magkakahiwalay na mosyon.

READ: Enrile, Revilla, Estrada appeal in PDAF case junked

Ang Sandiganbayan o anti-graft court ay isang "special court" na dumidinig sa criminal at civil cases na may kinalaman sa corruption at maling paggamit ng awtoridad at impluwensiya ng mga opisyal ng gobyerno.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, naghain rin ng kasong plunder ang representatives ng Ombudsman laban kay Janet Lim Napoles, na itinuturing na “most guilty” sa pork barrel scam o maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Funds (PDAF) ng mga katransaksiyong mambabatas ng negosyante.


CO-ACCUSED. Inihayag din sa mga inihaing impormasyon na pirmado ni Ombudsman Morales na mayroong matibay na ebidensiyang nagpapatunay na ginamit nina Senator Enrile, Senator Revilla, at Senator Estrada ang kanilang posisyon, awtoridad, koneksiyon, at impluwensiya upang magkamal ng yaman mula sa kaban ng bayan.

Maging ang mga diumano’y kakuntsaba ng mga sangkot na mambabatas ay dawit din sa kaso.

Para sa kaso ni Senator Enrile (Case No. SB-14-CRM-0238), kasama sa nasampahan ng kasong plunder sina Atty. Jessica Lucila Reyes, Ronald John Lim, at John Raymund De Asis.

Si Reyes ay dating chief of staff ni Enrile, si Lim ay kapatid ni Janet Lim-Napoles, at si De Asis ay ang driver ni Napoles.

Base sa imbestigasyon ay nagsabwatan diumano sila sa pagkuha ng kickback mula sa PDAF na nagkakahalaga ng P172,834,500 from 2004 to 2010.

Para sa kaso ni Senator Revilla (Case No. SB-14-CRM-0240), dawit ang kanyang chief of staff na si Atty. Richard Cambe, Lim, at De Asis na diumano’y nagkuntsaba upang magkamal ng P224,512,500 na kickback mula sa PDAF from 2006 to 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa kaso ni Senator Estrada (Case No. SB-14-CRM-0239), kasama ang dati niyang staff na si Pauline Labayen at De Asis na diumano’y nagkuntsaba upang magkamal ng P183,793,750 na kickback mula sa PDAF from 2004 to 2010.

Ang mga nakalistang testigo laban kay Senator Enrile at Senator Estrada ay sina Ruby Tuason, Benhur Luy, Merlina Sunas, at Marina Sula.

Sina Luy, Sunas, at Sula naman ang tumatayong testigo laban kay Senator Revilla.

FILING OF MOTION IN SANDIGANBAYAN. Ngayong Sabado, June 7, naghain na ng omnibus motion sa Sandiganbayan ang kampo ni Senator Revilla upang pansamantalang masuspinde ang proceedings ng kasong plunder na kinahaharap nito at mga kapwa-akusado.

Ang naturang mosyon, na isinagawa ni Atty. Richard Cambe, ay naglalayon ding makakuha ng “complete record of the preliminary investigation” at “judicial determination of probable cause and dismissal of the charges.”

Sa ulat ng Saksi kagabi, June 6, umalma ang maybahay ni Senator Revilla, si Cavite Representative Lani Mercado-Revilla, hinggil sa plunder case laban sa senador: “Hindi dumaan sa due process ang aking asawa.

“May mga dokumentong hinihingi ang legal team namin na hindi ibinigay para at least mapag-aralan din ng legal team namin kung papaano nila maipagtatanggol si Senator Bong Revilla”


Sa kabila nito, ginarantiya ni Congresswoman Revilla na handang harapin ng kanyang asawa ang kaso nito.

Kahapon, June 6, nauna nang inihayag ng kampo ni Senator Estrada na nakatakda siyang magsumite ng mosyon sa Sandiganbayan, upang muling suriing kung mayroong sapat na “probable cause” para siya ay makasuhan ng plunder.

Sabi ng legal counsel ni Senator Estrada na si Atty. Alexis Abatillas sa hiwalay na panayam ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV: “We will be asking the Sandiganbayan justices to personally examine and evaluate the evidence presented before it in the record.

“It is also for them to determine if there is a probable cause.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng anumang pahayag ang kampo ni Senator Enrile hinggil sa isyu.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pahayag ng lahat ng taong nabanggit sa artikulo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN