Kris Aquino on Senator Bong Revilla’s privilege speech: “Silence is better than BS.”

Kris Aquino to Senator Bong Revilla: “This is an issue about the pork barrel, na thank God walang kinalaman si Noy doon. Malinis ang konsensiya ng kapatid ko kaya malakas ang loob niya na isulong ang paglilinis ng gobyerno.”


Matapang na nagbigay ng opinyon si Kris Aquino tungkol sa privilege speech ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa Senado kahapon, June 9.

Sa talk show nila ni Boy Abunda na Aquino & Abunda Tonight kagabi, ipinagtanggol ni Kris ang kanyang kapatid na si President Benigno "Noynoy" Aquino III.

“Silence is really better than BS,” sabi ni Kris tungkol sa mga pahayag ni Bong.

Sa isang bahagi ng speech ni Senator Bong, hinamon niya si PNoy na mas pag-igihan ng administrasyon ang paglutas ng suliranin ng bansa kaysa manggipit ng mga opisyal mula sa oposisyon.

Aniya, “You still have two remaining years. Hindi tama at hindi maganda na maalala ka at ang iyong administrasyon sa pagpapakulong lamang ng mga hindi mo kaalyado.”

Read: Senator Bong Revilla gets emotional as he faces possible arrest over plunder charges

Depensa naman ni Kris tungkol dito, “This is not an issue about PNoy and his presidency.

“This is an issue about the pork barrel, na thank God walang kinalaman si Noy doon.

“Malinis ang konsensiya ng kapatid ko kaya malakas ang loob niya na isulong ang paglilinis ng gobyerno.”

Naniniwala rin si Kris na katulad niya, marami pa ring Pinoy ang nagtitiwala sa pamamalakad ni Pangulong Noynoy sa gobyerno.

Sabi ng TV host-actress, “I want to respect that their family is going through, but I also have to respect my family, my brother.

“To this day, 72 percent of the Filipino citizens say that he enjoys the trust and the support of the people, so let it be that.”

Dagdag ni Kris, “Nabigyan siya [Bong] ng all that time, so kaparatan ko rin naman sabihin ko na, ako, bilib sa kapatid ko.

"And pakiramdam ko, majority ng Pilipinas still agree with me.

“At yung two years na paulit-ulit, well, it’s still two years.”

Si Senator Revilla ay isa sa mga kinasuhan ng plunder dahil sa diumano’y maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang din sa kinasuhan sa Sandiganbayan sina Senator Jinggoy Estrada at Senator Juan Ponce Enrile.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN