Senator Bong Revilla: "Tanggap ko na ang puwedeng mangyari sa akin."

Senator Bong Revilla on plunder case: “Basta kung anuman ang maging desisyon ng Sandiganbayan, na kami ay ikulong, nakahanda ho akong magpakulong. At dun sa mga taong nagagalit sa atin, na ang tingin nila ay totoo ang bintang sa atin, e, lalabas din po ang katotohanan. At huwag po kayong magalit sa akin, hindi po ako nagtraydor sa inyo.”


“Happy... maligaya at tanggap ko na ang puwedeng mangyari sa akin.”

Ito ang pahayag ni Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press tungkol sa kanyang nararamdaman matapos magbigay ng privilege speech sa Senado kahapon, Lunes, June 9.

Read: Senator Bong Revilla gets emotional as he faces possible arrest over plunder charges

Pagkatapos ng kanyang privilege speech ay tumuloy ang grupo ni Senator Revilla sa dinner na inihanda ng kanyang pamilya at supporters sa Hong Kong Chef Restaurant, sa Macapagal Avenue, Pasay City.

Si Senator Bong ay sinampahan ng kasong plunder ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan noong Biyernes, June 6, kasama ang mga kapwa senador na sina Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada.

Ito ay kaugnay ng diumano’y pagbubulsa ni Senator Revilla ng P224,512,500 kickback mula sa maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa pork barrel scam.

Read: Ombudsman files plunder case vs Enrile, Revilla, Estrada in Sandiganbayan

Patuloy pa ng actor-politician, “Siyempre, ang mabigat diyan sa lahat kasi ay yung acceptance, e.

“Kaya kung anuman ang dumating sa sarili ko, hindi na mabigat at handa nang tanggapin.

“Inihanda ko na ang sarili ko, kaya bago man mangyari ang mga ito, inihahanda ko na.”



IMPRISONMENT. Maging ang napipintong pagkakakulong niya ay maluwag daw niyang tatanggapin.

Saad ni Senator Revilla, “Haharapin ko ‘yan, hindi tayo tatakbo o tatalikuran. Haharapin ko ‘yan.

“Dahil nanininiwala ako na maipagtatanggol ko ang sarili ko at lalabas ang katotohanan.”

Kung sakali mang matuloy ang pagkakakulong niya, ano na ang mangyayari sa kanyang serbisyo sa publiko? Ipagpapatuloy ba niya ito o ipapaubaya na niya sa iba?

Malungkot na pahayag ni Senator Revilla, “Ang alam ko ay meron ‘yang preventive suspension na ninety days.

"Pero after that, puwede pa rin kaming mag-ano sa batas. ‘Tulad sa nangyari kay Senator Trillanes noong nakulong siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Senator Anotnio Trillanes IV, na noon ay pinuno ng Magdalo group, ay nakulong noong noong 2003 dahil sa pag-aaklas nito kontra sa administrayon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Patuloy ni Senator Revilla, “Yung pagkakakulong namin, kung sakali, hindi natin alam kung gaano katagal.

“It can take five years, ten years… we don’t know.

“Habang ganun, simple kaming nakakulong.

“Or kung mapatunayan na weak yung evidence against sa amin, puwede kaming makapag-bail temporarily.

“Naniniwala pa rin ako na magkakaroon ng liwanag ang lahat.”



LISTAHAN NG PASASALAMAT. Samantala, sa kanyang pivilege speech kahapon, marami ang nagulat nang sambitin ni Senator Revilla na mayroon siyang sariling “listahan” na gustong ipaalam sa madla.

Akala ng lahat ay ito ay isang "bombang" gugulat sa sambayanang Pilipino, ngunit kabaliktaran ang nangyari.

Sabi ni Senator Revilla, “Yun nga, yung listahan ng pasasalamat.

“Dapat maging silbing aral ito. Hindi kailangang agarang maghuhusga tayo sa kapwa natin.”

Paano niya inihahanda ang asawang si Cavite Representative Lani Mercado at ang mga anak nila sa pangyayaring ito sa kanilang buhay?

Pahayag ng actor-politician, “Nag-uusap kami.

“Una, nasabi ko na nga na mas napalapit kami sa Panginoon ngayon.

“Mas nakilala ko Siya, at Siya ang nagbigay ng tatag ng loob sa amin.

“Siguro, kung hindi ganun ay bumigay na ako, e.

“Natutuwa ako, at least, iba ang relasyon namin ngayon sa Panginoon.

“Ngayon, maluwag, mas at peace ako, masaya ako. Walang galit.”



TRIAL BY PUBLICITY. Paano na ang kanyang showbiz career?

Saad ni Senator Revilla, “Siyempre, nakakulong kami.

“Pero sabi ko nga, huwag muna kaming husgahan.

“Na-trial by publicity na kami, tama na yun.

“Una, nasa korte na ‘yan, pagbigyan naman kami ng chance na maipagtanggol namin ang aming mga sarili.”

Hindi raw ito ang panahon ng pagsisisihan.

Aniya, “Nandiyan na ‘yan.

“Basta kung anuman ang maging desisyon ng Sandiganbayan, na kami ay ikulong, nakahanda ho akong magpakulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At dun sa mga taong nagagalit sa atin, na ang tingin nila ay totoo ang bintang sa atin, e, lalabas din po ang katotohanan.

“At huwag po kayong magalit sa akin, hindi po ako nagtraydor sa inyo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN