Lani Mercado prepares herself for possible outcome of plunder case against husband Senator Bong Revilla

"Kung nagagawa ’yan ng ibang maybahay na nakakulong ang kanilang mga asawa, siguro God has given me that particular responsibility. Alam Niya na kaya ko, kaya binigyan niya ako ng malaking pagsubok," pahayag ni Cavite 2nd District Representative Lani Mercado tungkol sa posibleng pagkakakulong ng kanyang asawang si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.


Malungkot, pero nakahanda na raw ang 2nd District Congresswoman ng Cavite na si Lani Mercado sa anumang magiging kapalaran ng kanyang asawang si Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. na nahaharap sa kasong plunder.

Ang kasong plunder ay isinampa sa kanya, kasama ang kapwa senador na sina Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada, sa Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan noong Biyernes, June 6.

Read: Ombudsman files plunder case vs Enrile, Revilla, Estrada in Sandiganbayan

Ito ay kaugnay sa diumano’y pagbubulsa ni Senador Revilla ng halagang P214,512,500 mula sa kickback sa maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala bilang pork barrel scam.

Pahayag ng misis ni Senador Revilla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "God has guided us through this journey and it is not yet finished.

"Marami pa kaming haharapin. We’ll take this day by day, e.

"Siyempre, there is worry, kung ano ang mangyayari sa amin if he’s in jail.

"Pero sabi ko nga, we’ll take this day by day, at marami naman ang nagmamahal at tumutulong kay Senator Bong.

"Nandiyan ang pamilya, ang Panginoon."

Nakausap ng PEP si Lani sa Hong Kong Chef Seafoods sa Pasay City matapos magbigay ng privilege speech sa Senado ang kanyang kabiyak noong Lunes, June 9.

Patuloy pa rin daw ang kanilang mga gagawin para mapawalang-sala si Senator Revilla sa kasong ito na nagpabago sa kanilang buhay-pamilya.

Saad ng actress-politician, "Nandiyan ang kanyang legal team whom we have full trust and confidence.

"Naniniwala kami na ang lahat ng dapat nilang gagawin ay dapat nilang gawin.

"Ang panalangin talaga namin ay ang takbo ng hustisya, na sana maging patas.

"Nakikita niyo naman ang turn of events na may mga bagay-bagay na hindi ibinibigay ng korte.

"I pray for wisdom kung kaninuman na judge ito mapupunta."

WHERE SHE GETS STRENGTH. Bilang asawa at ina ng kanilang mga anak, mabigat pa rin daw sa kanyang dibdib ang ganitong problema sa gitna ng maraming nagbibigay sa kanila ng pampalakas ng loob at tibay ng dibdib.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin ni Lani, "It’s hard.

"Kahit binibiro niyang kakosa niya si Jinggoy at ipinagdarasal sila ni Daboy [Rudy Fernandez] at kung anu-ano pa, it’s hard, it’s hard.

"He will miss... Iba ang freedom, iba ang kalayaan.

"Pinatatawa lang nila tayo, pero deep inside, alam ko na...

"We’ll take it day by day.

"Ako nga, I also have my work, my other responsibilities as a mother, as a wife, and as a public servant.

"Madami ’yan."

Patuloy pa ng kongresista, "Kung nagagawa ’yan ng ibang maybahay na nakakulong ang kanilang mga asawa, siguro God has given me that particular responsibility.

"Alam Niya na kaya ko, kaya binigyan Niya ako ng malaking pagsubok."

Saan at sino ba ang pinaghuhugutan niya ng inspirasyon sa kanyang pagpapakatatag?

Tugon ng 46-year-old actress, "Sa Panginoon.

"Kung ako lang ’to, wala na, matagal na akong bumigay.

"God has His mysterious ways in touching our lives.

"Lagi kong ipagdarasal sa Kanya na He would take care our lives noon pa man na hindi pa kami nagkakaroon ng ganitong kabigat na problema.

"God will use yung situations na gusto niya ay Siya lang ang kakapitan mo at siguro ay yun nga ang nangyayari ngayon.

"This is really a test of character."

BONG IS STRONG. Tungkol naman sa kanyang asawa, malaki ang paniniwala ni Lani na kaya nitong harapin at malampasan ang ganitong kabigat na suliranin sa kanilang buhay.

Diin niya, "He’s strong.

"Hindi man niya gaanong ipinapakita kung anuman ang totoong emosyon niya, pero matibay ang asawa ko.

"Dagdag na rin siguro ang pagmamahal ng buong pamilya na ibinibigay sa kanya ngayon, kaya mas lalo siyang nagiging strong na parang wala lang.

"Kaya nga, every chance na meron kami ay ipinararamdam namin sa kanya na lagi lang kaming nasa tabi niya at handang dumamay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiling ni Lani na makita ang kanyang asawa na malaya tulad ng isang ordinaryong araw sa kanilang buhay bago pa man ang kasong ito.

Halos mangilid ang luha sa kanyang mga mata sa pagsasabing, "Gusto kong maging malaya ang asawa ko.

"Kung puwede nga lang ’wag makulong.

"Pero, wala, e.

"Dadaan at dadaan sa takbo ng hustisya ang asawa ko, so we will take things one day at a time.

"Ipapanalangin na lang namin na sana ay magkaroon ng magandang ending ang paglalakbay na ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN