Senator Bong Revilla hurt by criticisms about his privilege speech

Nakarating na kay Senator Bong Revilla ang mga negatibong reaksiyon ng Netizens sa kanyang privilege speech noong Hunyo 9. Pahayag niya tungkol dito, “Sinabi ko kung ano ang nasa puso ko, iyong pasasalamat sa sambayanang Pilipino, at iyon naman ang pinakamahalaga. Alam naman natin ang patutunguhan nito. Kung mayroon man akong hindi napaligaya sa aking privilege speech, tayo ay humihingi na paumanhin sa kanila.”


Umani ng batikos mula sa Netizens ang privilege speech ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa Senado noong Lunes, Hunyo 9.

Read: Senator Bong Revilla gets emotional as he faces possible arrest over plunder charges

Bagamat humingi ng paumanhin ang actor-politician sa mga taong hindi nagustuhan ang kanyang talumpati, inamin din niyang nasaktan siya sa pambabatikos na natanggap.

Saad niya sa isang panayam na lumabas sa GMA News Online kahapon, Hunyo 12, “Sinabi ko kung ano ang nasa puso ko, iyong pasasalamat sa sambayanang Pilipino, at iyon naman ang pinakamahalaga.

“Alam naman natin ang patutunguhan nito.

“Kung mayroon man akong hindi napaligaya sa aking privilege speech, tayo ay humihingi na paumanhin sa kanila.”

Sa huling bahagi ng kanyang privilege speech ay ipinalabas ang isang music video na pinamagatang “Salamat, Kaibigan,” kung saan si Senator Revilla mismo ang kumanta.

Paliwanag niya tungkol dito, “Iyong awitin na iyon ay hinandog ko sa 20 milyong katao na sumuporta sa akin.”

May mensahe rin ang senador sa mga bashers niya sa social media.

"Yung sa social media, nakakasakit... sinabi nga na binash daw ako ng mga netizen.

“Naiintindihan ko po kayo at... okey lang po iyon sa akin. I am a good sport.”

Ayon pa rin sa ulat ng GMA News Online, noong Martes, Hunyo 10, ay sinabi ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., na sang-ayon ang Malacañang sa “overwhelming” na negatibong reaksiyon sa talumpati ni Senator Revilla.

Batay sa isinagawang informal survey ng new media team ng Malacañang sa lumabas na mga reaksiyon sa talumpati ni Senator Revilla sa social media site at news websites, 99.93 percent ng mga komento mula sa 2,751 respondents ay hindi pabor kay Revilla at 0.07 percent lamang ang pumabor.

Si Senator Revilla ay isa sa tatlong senador—ang dalawa pa ay sina Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada—na nahaharap sa kasong plunder sa Sandiganbayan dahil diumano sa daan-daang milyong pisong kickback mula sa maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel scam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN