Annabelle Rama squeals on daughter Ruffa Gutierrez’s new admirer

Ibinuko ni Annabelle Rama na bagong manliligaw ng anak na si Ruffa Gutierrez ang foreigner na kasama ng aktres sa birthday party ni Baby Zion kahapon, June 15. Napag-alaman ng PEP na Jordan Mouyal ang pangalan ng admirer na ito ni Ruffa.


Hindi itinanggi ni Annabelle Rama na “admirer” ng anak na si Ruffa Guteirrez ang foreigner na kasama ng aktres sa party ni Baby Zion, kahapon, June 15, sa Wack Wack Golf and Country Club, Mandaluyong City.

Si Zion ang anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na bininyagan at nagkaroon ng birthday party kahapon.

Read: Annabelle Rama advises Richard Gutierrez and Sarah Lahbati not to get married yet

Sabi ni Annabelle tungkol sa foreigner, “Admirer ni Ruffa ‘yan. Laging iwas nang iwas sa akin.

“Kasi noong pumunta si Ruffa sa banyo, in-interview ko… noong nasa Singapore.”

Kapansin-pansin ang malaking pagkakahawig ng lalaking ito, na nagngangalang Jordan Mouyal, sa dating asawa ni Ruffa na si Yilmaz Bektas.

Sabi naman ni Annabelle, “Kamukhang-kamukha nga.

“Sabi ko nga, ‘Ruffa, nami-miss mo ba suntok ni Yilmaz?’

“’Tapos sabi niya, ‘Mommy, taga-Paris ‘yan.’

“’Maski na, ang kanyang religion…’

"Pero hindi ko natapos ang interview kasi lumapit na si Ruffa sa kanya.”

Ano ang mga tinanong niya sa “admirer” ng anak?

“Sabi ko, ‘How come you’re here in Singapore?’

“Sabi niya, ‘Because I have lots of friends here.’

“’How come you’re with Ruffa?’

“Sabi niya, ‘Ruffa is my friend.’

“’Where did you come?’ ‘From Paris.’

“’Tapos, dumating na si Ruffa, wala na!” natatawang kuwento ni Annabelle.

French businessman daw ang admirer na ito ni Ruffa.

Patuloy ni Annabelle, “Mukhang mabait naman.

“Interbyuhin niyo. Hindi naman niya alam na reporter kayo, ‘no.

“Habang wala pa si Ruffa, sasagot naman ‘yan, mabait naman.”

Gusto na ba niyang magkaroon ng seryosohang karelasyon si Ruffa?

Sagot ni Annabelle, “Kung right man for her, okay lang sa akin.

“Kung tama ang lalaking magsu-support sa kanya, may trabaho.

“Hindi naman kailangang milyonaryo.

“Dati, milyonaryo ang hangad ko… prinsipe.

“Nang magulpi-gulpi siya, hindi na kailangan yun.

“Basta may trabaho lang, okay na sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap mangarap, ‘di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN