Matteo Guidicelli still careful about divulging real score with Sarah Geronimo

Ano ang reaksiyon ni Matteo Guidicelli sa sinabi ni Sarah Geronimo na masaya siya sa kung anuman mayroon sila? “Mas masaya ako,” nakangiting sagot ni Matteo.


Masaya si Matteo Guidicelli para sa rumored girlfriend niyang si Sarah Geronimo dahil nakikita niyang mas ini-enjoy ng Popstar Princess ang kanyang buhay ngayon.

Isang pruweba rito ang lumabas na larawan ng dalawa sa social media kamakailan, kung saan makikitang mahigpit ang pagkakayakap ni Matteo sa singer-actress kasama ang mga kaibigan ng TV host-actor.

Read: Sarah and Matteo don’t have to say anything...coz this photo says a LOT!

Bukod pa rito, may mga nauna nang lumabas na larawan sa social media sina Sarah at Matteo, kasama naman ang mag-asawang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Sa press conference ng Promil Pre-School i-Shine Talent Camp kaninang tanghali, June 16, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Matteo.

Unti-unti na ba nilang inaamin ni Sarah ang kanilang relasyon.Ang nasabi bang larawan, kung saan magkayakap sila ni Sarah, ay pagpapakilala niya sa Popstar Princess sa kanyang mga kaibigan?

“Oo naman, okay naman lahat. Nag-dinner lang kami, yun lang,” sagot ng Kapamilya actor.

Sa naunang interview kay Sarah, sinabi nitong “very happy” siya sa kung anumang mayroon sila ni Matteo.

Reaksiyon ni Matteo, “Yes. I’m very happy also na she’s slowly being exposed to different people. She’s enjoying more.”

Ano naman ang reaksiyon niya sa sinabi ni Sarah na proud siya kay Matteo dahil ito lang ang manliligaw niyang nagpapaalam sa kanyang mga magulang para lumabas?

Read: Sarah Geronimo on sweet photos with Matteo Guidicelli: "Proud naman kasi kami talaga."

Ani Matteo, “Dapat lang, ’di ba? Sarah is 25, she can do what she wants to do.

“She’s blessed, very blessed. She deserves it all.

"She deserves to be happy, she deserves to do what she wants to do."

Ano ang reaksyon niya sa sinabi ni Sarah na masaya ito sa kung anuman meron sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas masaya ako,” ngiti ni Matteo.

Proud din daw si Sarah sa kanilang dalawa.

“Talaga? Mas proud ako,” sambit ng aktor.

RESPECT THE PARENTS. Kay Sarah na mismo nanggaling na ipinagpapaalam ni Matteo si Sarah kapag lumalabas sila.

Hindi ba siya kinakabahan, lalo pa’t kilalang very strict sina Mommy Divine at Daddy Delfin pagdating kay Sarah?

Tugon ng triathlete/actor, “Hindi naman po, as long as we respect the parents.

“That’s the most important thing—respect the parents and not do anything outside of that.

“Not to do anything rude or anything.

"Basta yun lang, everything is good."

Marami ang nakakapansing blooming ngayon si Sarah, at dahil daw ito kay Matteo.

“I don’t think it’s because of me, I think it’s her,” sabi ng Filipino-Italian actor.

“She deserves all the credits.

"She’s 25 and she just wants to be an independent woman now. It’s all up to her.

"She’s growing and I’m very, very proud of her. Everybody around her is proud of her.

“We’re excited to see Sarah Geronimo… the 25-year-old Sarah Geronimo.”

RIGHT TIME. Ilang beses sinabi ni Matteo noon sa interviews na magsasalita siya tungkol sa “relasyon” nila ni Sarah sa tamang panahon.

Dumating na ba ang tamang panahon para umamin siya tungkol sa kanila ni Sarah?

Sagot niya, “’Di ko alam. Ganun talaga ang buhay.

"Right timing, I don’t know... meron ba?

“Everything is okay naman. Meron bang right timing?

“We’re not thinking of saying anything, about denying or not denying. We’re just having fun.

“I just want her to live life to the fullest, enjoy everything.

“Yun ang pinakaimportante. If she’s not working, I want to make her enjoy."

Kapansin-pansing mas vocal na ngayon si Sarah tungkol sa kanila ni Matteo.

Bilang lalaki, hindi ba nararamdaman ni Matteo na dapat manggaling sa kanya ang tunay na estado ng kanilang “relasyon”?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I would love to talk, I would love to [be] honest and everything, but I also want to respect [her] parents… yun.

“I just keep quiet and I don’t wanna involve work with it.

“Whatever Sarah and I have, I wanna keep it personal.

"And as much as possible, I don’t wanna involve work.

“And it’s just gonna make everything a little more confusing.

“I just keep everything private... try, if I could, I would.”

RELATIONSHIP WITH SARAH’S PARENTS. Kumusta naman ang relasyon ni Matteo sa mga magulang ni Sarah?

Aniya, “Everything’s okay.

"As much as possible, I really don’t want to talk about it.

"I wanna keep it private, but everything’s okay.

Nabanggit kay Matteo na tila pabor ang mga magulang ni Sarah sa kanya.

Sabi niya tungkol dito, “Hopefully, yeah... I guess.

“I don’t wanna speak for them, but I’m very thankful that they allow me in Sarah’s circle and everything.

“Anybody would be very, very lucky to be with Sarah.

"She’s a wonderful person, she’s very true, she’s very honest, she has an amazing heart.

"So, that’s the most important thing."

Kumusta naman si Sarah mga magulang ni Matteo?

“Okay naman lahat,” maikling sagot ng aktor.

Nagkaroon ng maraming positive feedback ang sweet photo nina Sarah at Matteo. Pero tanong pa rin ng marami: Ano na ba ang estado ng kanilang relasyon?

Sabi ni Matteo, “I’m very thankful that everybody has all positive comments. I’m very, very happy.

“Sarah and I are very, very happy.

"We appreciate all the positive comments, but I dont wanna divulge so much, because I wanna respect her parents—it’s her parents’ decision also.

"In the future, when the time is right, everybody will know naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, bukod kay Matteo, hosts din ng Promil Pre-School i-Shine Talent Camp sina Dimples Romana at Xian Lim.

Magiging mentors naman sina Teacher Georcelle ng G-Force para sa dancing, Zsa Zsa Padilla para sa singing, at Angel Locsin para sa acting.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN