Melai Cantiveros denies womanizer issue about husband Jason Francisco: "Hindi lang nila alam, sobrang haling na haling ito sa akin!"

Nagbiro si Melai Cantiveros na dalawa na ang pinadedede niya ngayon dahil sa pagkakaroon na nila ng anak na si Jason Francisco: “May basbas naman po kami ng pari. Mag-asawa naman po kami. Tanggapin na natin yun.”


Sa unang pagkakataon, pagkatapos isilang ng kanilang panganay na anak, ay humarap sa isang interview ang mag-asawang Jason Francisco at Melai Cantiveros sa The Buzz 15 noong Linggo, June 15.

Isinilang ni Melai ang anak nila ni Jason na si Amelia Lucille noong April 3, 2014.

Read: Melai Cantiveros and Jason Francisco welcome baby girl



SPOTTED. Sa umpisa pa lamang ay tinanong na ng host na si Toni Gonzaga si Jason tungkol sa balitang nakita diumano siyang may kasamang ibang babae sa Pangasinan.

Si Melai ang sumagot para sa kanyang mister.

Natatawang sabi ng komedyana, “Pinsan niya yun!”

Bakit hindi natatapos ang isyung ganun sa kanila?

Natatawang sabi pa rin ni Melai, “Ang maganda, ako na lang isyuhan niyo!”

Ayon naman kay Jason, “Kasi, dumating ang pinsan ko galing Kuwait. ‘Tapos ako ang parang nag-entertain sa kanya.”

Walang katotohanan na nambababae si Jason?

Sagot ni Melai, “Uy, wala naman talaga. Over naman!

“At saka, hindi lang nila alam, sobrang haling na haling ito sa akin!”



FATHER’S DAY. Ito ang unang pagkakataong nagdiwang ng Father’s Day si Jason bilang isang ama. Mayroon bang ginawang espesyal si Melai para sa kanya?

“Nagsungit!” pambubuko naman ni Jason.

Natatawang paliwanag naman ni Melai, “May post-partum kasi ako. Hanggang ngayon, may post-partum?!

“Gusto ko lang magsungit.”

Pero paano niya binati si Jason?

Sabi ni Melai, “Nag-greet ako sa ‘yo last Sunday [June 8], kasi akala ko, yun ang Father’s Day.

“Ang nagsabi sa akin, yung mama ko. Pero mali pala, ngayon pala.”

Pagsang-ayon naman ni Jason, “Oo, akala ko rin noong Sunday ang Father’s Day.”

Kumusta ba si Jason bilang isang ama?

Pagmamalaki ni Melai sa asawa, “Actually, sobra siyang responsible ngayon.

“Sobrang sweet ako sa kanya dahil siya talaga, hands-on siya.”

Kung si Jason ang nag-aalaga sa anak nila, ano na lang ang ginagawa ni Mela?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natutulog!” natawang sagot ng komedyana.

Ngunit dagdag niya, “Hindi, kasi, noong time na yun, nagpapagaling pa ako.

“Ang hirap manganak! Ewan ko na lang sa ‘yo, Ate Toni, grabe, parang batong lumabas!

“Sobrang hirap.

“Very normal ako… three days labor ako.”

Mabuti’t buhay pa siya kahit na three days siyang nag-labor?

“Malapit na ‘kong mamatay!” biro naman ni Melai.

“Ang tagal umano sa akin... alam mo kung bakit, sobrang virgin pala ako!”

Payo pa ni Melai kay Toni: “Ang hirap manganak. Magdasal ka ng marami.”

Sa unang pagkakataon din ay ipinakita nina Jason at Melai ang two-month-old baby nila sa telebisyon.



BREASTFEEDING. Ayon kay Toni ay walang nagbago kay Melai, nagkalaman lang ito, lalo na ang dibdib.

Kumusta ang pagbi-breastfeeding niya?

Sagot ni Melai, “Okay naman ang breastfeeding, ito ang pampatulog niya. Yung bottle, ito ang pampabusog.”

Ano naman ang pampatulog ni Jason?

“Ito rin!” biro ni Melai.

Pero bawi rin niya, “Hoy, char-char lang yun! Char-char lang! Baka MTRCB tayo!

“Hindi… uy, magkahiwalay kaming matulog.”

Natatawang ikinuwento ni Toni na nung tinanong niya si Melai kung kumusta ang breastfeeding nito, sinagot daw siya ng komedyante ng: “Heto, dalawa ang bini-breastfeeding ko!”

Paliwanag naman ni Melai, “May basbas naman po kami ng pari. Mag-asawa naman po kami. Tanggapin na natin yun.”



MOMMY MELAI. Kumusta namang mommy si Melai?

“Maalaga naman,” sagot ni Jason.

“Kaya lang, kailangan ko siyang tulungan, kasi nga, first time naman niyang magka-baby.

“So, kailangang tulungan.”

Sa Manila na ba sila mag-i-stay ngayon?

“For good na kami rito, for work,” sabi ni Jason

Nagbigay naman ng mensahe si Melai kay Jason dahil Father’s Day nga.

Aniya, “Ga, thank you so much for supporting.

“Palagi kang nandiyan and sana, huwag kang magsawa sa akin.

“And, we love you so much.”

Sabi naman ni Jason, “Palagi ko silang poprotektahan at mamahalin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN