Carla Abellana says failed relationship made her stronger; dismisses romantic involvement with Tom Rodriguez

Carla Abellana explains why she refuses to think about getting serious with onscreen partner Tom Rodriguez: “Kasi we’ve already formed a good friendship. Ang hirap masira, ang hirap mag-take ng risk and go into a relationship. Mahirap lang kasi whatever happens, pati yung friendship na ‘yon, yung foundation, masisira.”


Itinuturing ni Carla Abellana na “destiny” ang pagkakakilala nila ng dati niyang boyfriend na si Geoff Eigenmann.

Sa pocket press conference ng bago niyang drama series sa GMA kasama si Tom Rodriguez, ang My Destiny, kahapon, June 17, natanong ang aktres kung ano sa tingin niya ang naging purpose ng relasyon nila ni Geoff sa kanyang buhay.

Sagot niya, “Naisip ko na ‘yan. Anything has a purpose.

"Honestly, I don’t have the answer yet.

“But, you know, it’s to come out as a stronger person, to really learn what you can sacrifice and how much you can sacrifice for a person.

“‘Tapos kung gaano pala ako ka-tough... I think ‘yon yun.”

Matatandaang si Carla ang unang umamin sa publiko tungkol sa pagtatapos ng relasyon nila ni Geoff.

Sa kabilang banda, nananatili pa ring tahimik ang aktor tungkol dito.

Matapos ang breakup nina Carla at Geoff, wala pa raw pagkakataong nakapag-usap muli ang dalawa.

Ayon kay Carla, hindi naman sinasadyang hindi sila magkausap,ni Geoff.

“Hindi talaga ngayon. Hindi kami speaking terms ngayon.

“If he texts or calls, I will reply naman, I will answer.

"But, you know, walang nagte-text sa amin," saad ni Carla.

Kung sakaling makasalubong sila, sabi ni Carla, “Okay lang. Hi, hello.

"Pero kasi, I don’t think he’s very busy right now.

“Wala pa siyang show or anything, so wala pang opportunity para magkita kami or magkasalubong.”



NOT YET READY. Samantala, hindi pa raw handa si Carla na pumasok sa panibagong relasyon ngayon.

Isa sa mga dahilan, aniya, ay ang pagiging busy niya sa trabaho.

Bukod sa My Destiny, kabilang din si Carla sa cast ng GMA sitcom na Ismol Family, at host din siya ng cooking show na Del Monte Kitchenomics.

Nasa cast din siya ng pelikulang Somebody to Love.

Paliwanag ng Kapuso actress, “Wala akong mabibigay na time, unang-una.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I won’t be able to give as much attention and focus because I have so many work to juggle.

“Kawawa lang naman din kung ano, ’di ba?”

Gayunman, inamin ni Carla na may ilang lalaking nagpaparamdam sa kanya ngayon.

“Walang nanliligaw po, pero may mga nagpaparamdam. I wouldn’t say na nanliligaw,” pahayag ni Carla.

Read: Carla Abellana fends off would-be suitors; hints one of them is from Kapamilya network



TOMCAR. Dahil magkasama sila muli ni Tom sa isang teleserye, hindi naiwasang matanong si Carla kung may posibilidad na may mabuong espesyal na relasyon sa kanilang dalawa.

Natatawang sabi ni Carla, “Ito ang destiny ko ngayon, ang gawin ang My Destiny.

“Pero what happens beyond that, I don’t know.

"Hindi natin alam kung saan tayo dadalhin, what’s ahead of us or saan pupunta."

Dagdag pa niya, “There’s a chance to be with anybody at the moment.”

Sa ngayon, naiisip ni Carla na mahirap mapunta sa isang romantic relationship ang nabuong pagkakaibigan nila ni Tom.

Aniya, “That’s one of the difficult things, kasi we’ve already formed a good friendship.

“Ang hirap masira, ang hirap mag-take ng risk, and go into a relationship.

“Mahirap lang kasi whatever happens, pati yung friendship na ‘yon, yung foundation, masisira.”

Gayunman, masaya raw si Carla sa muli nilang pagsasama ni Tom matapos ang hit teleserye na My Husband’s Lover at pelikulang So It’s You.

Aniya, “Ako, how I feel, parang it’s as simple as we make people happy naman, we get to entertain people.

“Parang they make us feel that, kung ano yung saya na naibibigay namin sa kanila, ibinabalik nila sa amin.

“I’m not saying na we make the entire world happy, but our partnership, there are people who are entertained.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN