Sarah Geronimo finally admits Matteo Guidicelli is her boyfriend!

Kagabi, June 19, kinumpirma na sa wakas ni Sarah Geronimo na boyfriend niya si Matteo Guidicelli.


Matapos ang ilang buwang espekulasyon, inamin na rin sa wakas ni Sarah Geronimo na boyfriend na niya si Matteo Guidicelli.

Sa maikling video interview na ipinalabas kagabi, Hunyo 19, sa Aquino & Abunda Tonight, kinumpirma ni Sarah na “mahal” ang term of endearment nila ni Matteo.

Matatandaang pahapyaw na nagkuwento dati si Matteo sa interviews nito kung paano na-wrong send kay Direk Wenn Deramas ang text message na, “Good morning mahal!”

Ipinost naman ito ng direktor sa Facebook.

Yun pala, para kay Sarah talaga ang text message.

Pag-amin ni Sarah, “Oo naman, [’mahal’ po ang tawagan namin]...

"O sige, sabihin ko na po, boyfriend ko po si Matteo, so yun.

"Kasi marami ding nagsasabi na parang paliguy-ligoy, di ba? So, yun po.”

Sa hiwalay namang interview ni MJ Felipe, na ipinalabas din kagabi sa Bandila, dagdag pahayag pa ni Sarah, “Hindi naman maganda na magtatawagan kaming ’mahal’ kung wala kaming relasyon, ’di ba? So, opo.”

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang Popstar Princess, gaya ng kung kailan ang anniversary nila.

Ang interview kay Sarah ay nangyari sa thanksgiving party ng blockbuster hit movie nila ni Coco Martin, ang Maybe This Time, na kumita na ng mahigit sa P133 million sa takilya.

Nagsimula ang pagli-link kina Sarah at Matteo noong isang taon, nang mabalita ang pagdalo ng aktor sa private birthday party ng 25-year-old singer-actress noong Hulyo.

Kamakailan naman ay si Sarah ang naging special guest ni Matteo sa birthday nito.

Pebrero ngayong taon nang lumabas sa YES! magazine ang reports mula sa sources na nagsasabing magkasintahan na sina Sarah at Matteo. Pero hindi naman nagbigay ng kumpirmasyon ang dalawa sa kanilang interviews.

Marso noong nagdiwang ng kaarawan si Matteo at kapansin-pansin ang pagiging kumportable ng dalawa.

Tumindi pa ang espekulasyon na may relasyon sila nang sunud-sunod na maglabasan sa social media ang mga photos nila, kabilang na rito ang Instagram photo na kasama nina Sarah at Matteo ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Kuha ito sa dapat sana’y sasalihang karera ni Matteo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pinakahuling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa dalaga noong June 13, sa pictorial nito para sa Belo AcnePro pimple gel, nagsimula nang mag-open up ang dalaga tungkol sa namamagitan sa kanila ni Matteo.

Sambit niya tungkol sa sweet photos nila: "Proud naman kasi kami talaga."

Read: Sarah Geronimo on sweet photos with Matteo Guidicelli: "Proud naman kasi kami talaga."

Ngayong lumabas na ang katotohanan, tiyak na mas kukulitin pa sina Sarah at Matteo na magsalita tungkol sa kanilang relasyon, partikular ang reaksiyon ng mga magulang ng singer-actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN