PEP EXCLUSIVE (Part 2). Janna Dominguez denies 700K-debt allegation

PEP EXCLUSIVE (Part 2). Janna Dominguez denies 700K-debt allegation" data-url="https://www.pep.ph/news/43869/pep-exclusive-part-2-janna-dominguez-denies-700k-debt-allegation" data-desc="Janna Dominguez: “As far as I know, wala po ako utang sa any of my friends lalo na si Mickey.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5446d9668.jpg"> PEP EXCLUSIVE (Part 2). Janna Dominguez denies 700K-debt allegation" data-url="https://www.pep.ph/news/43869/pep-exclusive-part-2-janna-dominguez-denies-700k-debt-allegation" data-desc="Janna Dominguez: “As far as I know, wala po ako utang sa any of my friends lalo na si Mickey.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5446d9668.jpg"> PEP EXCLUSIVE (Part 2). Janna Dominguez denies 700K-debt allegation" data-url="https://www.pep.ph/news/43869/pep-exclusive-part-2-janna-dominguez-denies-700k-debt-allegation" data-desc="Janna Dominguez: “As far as I know, wala po ako utang sa any of my friends lalo na si Mickey.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5446d9668.jpg">

PEP EXCLUSIVE (Part 2). Janna Dominguez denies 700K-debt allegation" data-url="https://www.pep.ph/news/43869/pep-exclusive-part-2-janna-dominguez-denies-700k-debt-allegation" data-desc="Janna Dominguez: “As far as I know, wala po ako utang sa any of my friends lalo na si Mickey.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5446d9668.jpg"> PEP EXCLUSIVE (Part 2). Janna Dominguez denies 700K-debt allegation" data-url="https://www.pep.ph/news/43869/pep-exclusive-part-2-janna-dominguez-denies-700k-debt-allegation" data-desc="Janna Dominguez: “As far as I know, wala po ako utang sa any of my friends lalo na si Mickey.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5446d9668.jpg"> PEP EXCLUSIVE (Part 2). Janna Dominguez denies 700K-debt allegation" data-url="https://www.pep.ph/news/43869/pep-exclusive-part-2-janna-dominguez-denies-700k-debt-allegation" data-desc="Janna Dominguez: “As far as I know, wala po ako utang sa any of my friends lalo na si Mickey.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5446d9668.jpg"> PEP EXCLUSIVE (Part 2). Janna Dominguez denies 700K-debt allegation" data-url="https://www.pep.ph/news/43869/pep-exclusive-part-2-janna-dominguez-denies-700k-debt-allegation" data-desc="Janna Dominguez: “As far as I know, wala po ako utang sa any of my friends lalo na si Mickey.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5446d9668.jpg">

Hindi utang kundi earnest money raw ang perang natanggap nina Janna Dominguez at Mickey Ablan mula kay K (hindi tunay na pangalan).


Bandang alas onse ng umaga kahapon, June 20, nang matisod ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang contact details ni Janna Dominguez.

Humingi ng phone interview ang PEP managing editor na si Karen A. Pagsolingan para masagot ng sexy comedienne ang alegasyong may utang siya at ang boyfriend nitong si Mickey Ablan.

Bandang alas dos nang sumagot si Janna sa pamamagitan ng text messaging. Bahagi ng kanyang mensahe [published as is], “May I know regarding saan po un ‘utang’ issue. Hehe mdyo nagulat lng ksi ako.”

Sinabi ni Pagsolingan na isang kaibigan na nagtatago sa pangalang K ang lumapit sa PEP para magpa-interbyu tungkol sa umano’y utang nilang 700,000 pesos.


“WALA PO AKO UTANG…” Itinanggi ni Janna ang mga paratang na ibinato sa kanya at kay Mickey.

Sa pamamagitan ng text message, kaswal na sinabi ng Pinoy Fear Factor alumna na [published as is], “As far as I know wala po ako utang sa any of my friends lalo na si mickey.”

Inusisa niya kung sino ang nagpa-interbyu sa PEP.

Sinabi ni Pagsolingan, "OB-Gyne raw siya…"

Ang mabilis na sagot ni Janna, “Ah haha kilala kna po yan. Sya un nag-ernest money sa house ko na bibilhin daw nya na I forfeited.

“And had her background checkd fake na doctor po siya claiming to be a doctor and using different names…”

Binigyan daw niya ng “30 days” si K para bilhin ang house pero inabot daw ng “90 days ata na walang nangyari.”

Diin ni Janna, “Magulo po yan kausap..."

Taliwas sa pahayag ni K na dati na silang magkakilala ni Janna bago pa ito nag-artista, sinabi ng komedyana na sa social media sila nagkakilala.

“She just befriended me thru Instagram inquiring about my house…”

EARNEST MONEY. At gaya ng una niyang binanggit, bibilhin daw sana ni K ang bahay ni Janna kaya nagbigay ito ng “earnest money.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Taliwas ito sa kuwento ni K na sinabihan daw ni Janna na makakababayd lamang sila kapag nabenta na ang bahay niya.

Saad ni K, “Paano kung hindi mabenta? Ibig sabihin hindi na niya ako babayaran? Matino bang sagot ‘yon?

“Saan ka naman nakakita ng ganyang nangutang na sa ‘yo, pero may mga kung anu-anong mga kondisyones pa?

“Sana man lang kahit na paunti-unti nagbibigay sila, okay ‘yon at matutuwa ako kasi ibig sabihin ay may intensiyon sila magbayad.

“Kaso wala, e. Walang silang effort na gumawa ng way para mabayaran ako kahit paunti-unti.”

Ang ikinainis pa raw ni K ay dinedma siya ’tapos magpo-post daw sa social media ang dalawa ng mga bagong bili nilang sasakyan.

May isang pangyayari pa nga raw na habang naniningil ay inaway si K ni Janna at sinabihang "baliw."

"WEIRD PO SIYA." Ayaw na lang daw patulan ni Janna ang isyu.

Aniya, “Weird po sya kausap even made fake texts using difrnt numbers para mapaasa ako sa bahay ko.”

Nang banggitin ni Pagsolingan kay Janna ang mga detalyeng binanggit ni K kung bakit sila nangutang, pinili ni Janna na huwag na lang sagutin.

READ PEP EXCLUSIVE (Part 1): Are Janna Dominguez and boyfriend Mickey Ablan in debt trouble?

Sa pamamagitan pa rin ng text, sinabi ni Janna (published as is): “id rather not coment nlang as advise ng lawyer ko. Pero if I wer you po id have her background checkd muna bago po patulan sinasabi nya po.

“Id rather shrug of the issue nalang at nkkhya patulan. Lalo na nainvolve po pangalan mickey who doesn’t even know her. Salamat po for hearng nlng my side din.”

LAWYER ISSUES STATEMENT. Sinabi ni Janna na tatawag siya ulit sa PEP at nag-iwan ng isa pang contact number.

Bandang alas siyete ng gabi, June 20, nang i-dial ni Pagsolingan ang contact number.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero imbes na si Janna ang sumagot, isang Atty. Luis dela Paz ang nagbigay ng pahayag.

Gaya ni Janna, nanindigan itong “earnest money” ang utang na sinasabi ni K.

Nang banggiting may deposit slips sa accounts nina "Michael Angelo Ablan, Jr. at Jamie Ann Angeles," pati na rin text messages na nai-save si K mula kay Janna, sinabi ni dela Paz, “I don’t know anything about that…But from what my client relayed to me, it was an earnest money.”

Sa parte naman ni K, "Naka-save lahat ng mga pag-emote ni Janna na umuutang siya at kailangan niya ng pera.

“Kaya kung umabot man kami sa demandahan, marami akong mga hawak.”

Wala raw alam ang abugado tungkol sa mga mga ganoong detalye. Nanindigan pa rin itong "earnest money" ang pera para sa bibilhing bahay sana ni K.

NO REPLY. Hangga’t maaari raw sana ay ayaw ni K na umabot pa sa demandahan ang mga pangyayari.

“Dinaan ko muna sa pakiusap dahil kahit paano ay kaibigan ko si Janna. May pinagsamahan kami. Ayokong masira iyon.

“The last text message na pinadala ko sa kanila na naniningil ako was December last year," saad ni K.

"Since then, wala na akong narinig sa kanila.

“Kung noon ay panay ang text dahil nangungutang, ngayon at naniningil ako, ni walang reply sa mga text ko.”

Ang pagpapa-interbyu ay isang paraan daw ni K para makuha ang atensiyon ng magkasintahan.

“Suggestion ng isang friend ko na idaan ko dito sa PEP.

"For sure, marami ang makakabasa at makakarating ito sa dalawa...

"Siguro nga tamang panahon na ito na magsalita na ako para matauhan na sila," sabi ni K.

“Kung magkasira na kami, wala na akong magagawa doon.

“I gave them enough time dahil nirespeto ko ang friendship namin ni Janna.

“Pero they left me no choice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ng paraan para makausap ko sila at kausapin nila ako ay ginawa ko na, pero wala akong nakuha ni isang reply sa kanila.

"Magkapatawaran kami kung makakabayad na sila ni Mickey."

Kung hindi pa rin daw gagawa ng paraan sina Janna at Mickey para makabayad, huling option na ni K ay ang legal na paraan.


Nang banggitin namin ito sa abugado nina Janna at Mickey, sinabi nitong "choice" daw iyon ni K at hindi naman daw nila saklaw ang galaw niya.

Sa huli, sinabi ni Atty. Dela Paz, “My client would rather not talk about it…”

Kaya nang tanungin namin sa pinakahuling text message kung may balak sina Janna at Mickey na kausapin si K, hindi na rin nila ito sinagot.

PEP EXCLUSIVE (Part 2). Janna Dominguez denies 700K-debt allegation" data-url="https://www.pep.ph/news/43869/pep-exclusive-part-2-janna-dominguez-denies-700k-debt-allegation" data-desc="Janna Dominguez: “As far as I know, wala po ako utang sa any of my friends lalo na si Mickey.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5446d9668.jpg"> PEP EXCLUSIVE (Part 2). Janna Dominguez denies 700K-debt allegation" data-url="https://www.pep.ph/news/43869/pep-exclusive-part-2-janna-dominguez-denies-700k-debt-allegation" data-desc="Janna Dominguez: “As far as I know, wala po ako utang sa any of my friends lalo na si Mickey.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5446d9668.jpg"> PEP EXCLUSIVE (Part 2). Janna Dominguez denies 700K-debt allegation" data-url="https://www.pep.ph/news/43869/pep-exclusive-part-2-janna-dominguez-denies-700k-debt-allegation" data-desc="Janna Dominguez: “As far as I know, wala po ako utang sa any of my friends lalo na si Mickey.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5446d9668.jpg">


PEP EXCLUSIVE (Part 2). Janna Dominguez denies 700K-debt allegation" data-url="https://www.pep.ph/news/43869/pep-exclusive-part-2-janna-dominguez-denies-700k-debt-allegation" data-desc="Janna Dominguez: “As far as I know, wala po ako utang sa any of my friends lalo na si Mickey.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5446d9668.jpg"> PEP EXCLUSIVE (Part 2). Janna Dominguez denies 700K-debt allegation" data-url="https://www.pep.ph/news/43869/pep-exclusive-part-2-janna-dominguez-denies-700k-debt-allegation" data-desc="Janna Dominguez: “As far as I know, wala po ako utang sa any of my friends lalo na si Mickey.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5446d9668.jpg"> PEP EXCLUSIVE (Part 2). Janna Dominguez denies 700K-debt allegation" data-url="https://www.pep.ph/news/43869/pep-exclusive-part-2-janna-dominguez-denies-700k-debt-allegation" data-desc="Janna Dominguez: “As far as I know, wala po ako utang sa any of my friends lalo na si Mickey.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5446d9668.jpg"> PEP EXCLUSIVE (Part 2). Janna Dominguez denies 700K-debt allegation" data-url="https://www.pep.ph/news/43869/pep-exclusive-part-2-janna-dominguez-denies-700k-debt-allegation" data-desc="Janna Dominguez: “As far as I know, wala po ako utang sa any of my friends lalo na si Mickey.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5446d9668.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN