Sid Lucero calls Alessandra de Rossi his "constant date"

Ipinaliwanag ni Sid Lucero ang dahilan ng pagpayat ng amang si Mark Gil. Hindi raw ito dahil sa isang sakit kundi dahil tumigil itong uminom apat na taon na ang nakakaraan. "...lumiit na siya, hindi na siya bloated. Hindi na bumalik ang katawan niya."


Magkasabay na dumating ang natsitsismis na magkarelasyon ngayon na sina Alessandra de Rossi at Sid Lucero sa 37th Gawad Urian na ginanap last Tuesday, June 17.

Hindi rin halos naghiwalay ang dalawa buong gabi at pagkatapos ng event, magkasama pa rin silang umalis ng ABS-CBN Dolphy Theater.

“Constant date kami,” bungad ni Sid nung makausap namin siya sa labas ng Dolphy Theater.

“Oo, ano yun e trip naman. Yung basta lang magbihisan, okay na.”

Hindi maiiwasan na ma-link si Sid kay Alex (nickname ni Alessandra) dahil hiwalay na ang aktor sa drummer ng General Luna band na si Bea Lao, ina ng kanyang baby daughter na si Halo Eve.

“Wala akong asawa! I’m not married,” ang tila nabiglang deklarasyon ni Sid.

Hindi sila nagpakasal ni Bea at kung kailan sila nagka-baby ay saka pa sila nagkahiwalay.

“Oo,” malungkot na sabi ni Sid.

LOVELIFE. May dalawang taon na ring hiwalay si Sid kay Bea, is he ready to fall in love again?

“Ah, no, no,” tanggi niya.

Why?

“I have my girl, my daughter.”

E, si Alex?

“My daughter lang ako, hanggang doon lang,” ngiti ni Sid.

Nung nakausap namin si Alex, sinabi nitong handa na siyang magka-baby after three years. Ano’ng masasabi niya?

“Naku! Hanapan natin siya ng taga-gawa," tugon niya sabay halakhak.

READ Alessandra de Rossi says she’s too busy for serious relationship; avoids questions about Sid Lucero



ON SIBLING ANDI. Samantala, tinanong namin si Sid kung naaapektuhan ba siya sa estado ng lovelife ng kanyang half-sibling na si Andi Eigenmann.

Tulad ng anak niyang si Halo, only child din si Andi ng aktres na si Jaclyn Jose sa ama ni Sid na si Mark Gil.

“When it comes to my sisters lalo na si Andi, hangga’t hindi niya ako kinakausap, I’d rather not deal with it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But we’re always open to anything that would make her happy.

"Ganoon naman kami lahat, napapakunot-noo kapag medyo hindi siya trinatrato nang tama.”

Nasasaktan ba siya sakaling hindi nga tinatrato nang tama si Andi ng karelasyon niya?

“Oo naman! More than hurt, nagagalit ako,” diin niya.



DAD MARK. Nabanggit din namin kay Sid na sobrang payat ngayon ng ama niyang si Mark, totoo kaya ang balitang may matinding karamdaman ito?

“Bakit may sakit ba si Daddy? Wala siyang sakit. I think my Dad is getting older,” sambit niya.

May napansin ba siyang kakaiba sa kanyang ama bukod sa pagpayat nito ngayon?

“He’s been losing weight for the past four years na yata, parang ganoon.

"Simula nung nag-stop siya ng drinking, lumiit na siya, hindi na siya bloated. Hindi na bumalik ang katawan niya.

“And then, I don’t know, alam ko, when you’re withdrawing from anything, it takes a toll on your body.

"Ako, nanggagaling rin ako doon, like my last year. It wasn’t good at all.

"Grabe ang last year ko,” pailing-iling niyang pahayag.

Binati ba niya ang daddy niya nung celebration ng Father’s Day?

“Ahhh! Hindi ko nabati,” ang may panghihinayang na sinabi ni Sid.

“Well, Happy Father’s Day, Dad. Sorry."

NOT A GOOD YEAR. Saan ba nag-withdrawal si Sid last year?

“Uh, from everything! Emotional, you know what I mean?

“It wasn’t a very good year, e.”

Paano siya naka-recover after his “withdrawal”?

“Well, you have someone din to live for.

"You can’t let your personal problems keep you down naman, ‘di ba?

“I mean, you have to step out and look for the more important things like, for now, my daughter.

"And since less ang time ko sa kanya, at least may konti pang time na mabigyan ang sarili ko ng konting atensyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN