Jolo Revilla asks supporters to pray for dad Senator Bong Revilla

Jolo Revilla on his dad Senator Ramon "Bong" Revilla Jr.’s surrender to authorities on June 20: "Naniniwala po kami na magkakaroon pa rin ng tapat at maayos na hustisya dito sa bansa natin." The Sandiganbayan ordered Senator Revilla’s arrest for his alleged involvement in the pork barrel scam.


Nananatiling matatag ang pamilya ni Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. sa kabila ng pagsubok na dumating sa kanilang buhay.

Kasalukuyang nakapiit si Senator Revilla sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame matapos siyang sumuko sa may kapangyarihan kasunod ng paglabas ng warrant of arrest sa kanya kaugnay ng kasong plunder at graft sa isyung pork barrel scam.

Read: Bong Revilla gets migraine after first few hours of stay in Camp Crame



Sa panayam sa anak ng senador na si Cavite Governor Jolo Revilla, sinabi nito na bago pa man niya tuluyang pinasok ang pulitika, binalaan na siya ng kanyang amang senador tungkol sa mga hamon pagdating sa nasabing larangan.

"Alam po niya nang pumasok ako sa pulitika, alam po niya ang ini-expect... kumbaga, ’Maghanda ka na, alam mo ang mga puwedeng mangyari sa ’yo sa pagpasok mo sa larangan na ’yan. Batuhan ng putik. Kung ano-ano ang mga ipupukol sa ’yo na wala namang katotohanan,’" paliwanag ni Jolo sa panayam sa kanya ng radio hosts na sina Peter Musngi at Pat-P Daza ng programang Teka Muna sa dzMM kagabi, June 22.

Natanong din kay Jolo kung dahil ba sa nangyaring ito ay nagbago ang kanyang pananaw sa pulitika.

Sagot ni Jolo: "Bilang isang public servant per se, siyempre, sa bawat pagsubok na pinagdadaanan naman natin, may mga natututunan naman tayo d’yan.

"Pero siyempre, sa mga ganitong klaseng pagsubok, wala naman tayong ibang kakapitan kundi Panginoon.

"Naniniwala pa rin po kami na magkakaroon pa rin ng tapat at maayos na hustisya dito sa bansa natin.

"Siyempre humihiling pa rin po kami sa ating mga kababayan na ipagdasal po nila ang aking ama na magkaroon ng strength at siyempre, wag mawalan ng pag-asa."

Sa ngayong pagkakataon naman daw ay hindi nagkukulang ang nakukuha nilang suporta mula sa kanilang mga kaibigan at mga tagasuporta ni Senator Bong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Everyone is helping. Nagpapasalamat ako sa lahat ng kaibigan, sa lahat ng mamamayang Pilipino na kanyang mga supporters na talagang ’di nakakalimot na kahit sa lahat ng nangyayari ay talagang nandyan.

"Maraming salamat sa inyong pagmamahal at suporta," sabi ng actor-politician.

"Sa bawat pagdilim, may dumadating na pagliwanag sa dulo."

Hiniritan din ng tanong si Jolo kung kailan na sila magpapakasal ng girlfriend nitong si Jodi Sta. Maria.

Ang maikling tugon ni Jolo: "The right time will come."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN