Palace says new list of National Artists serves the national interest

“We are certain that his decision was based on what will best serve the national interest because the Order of the National Artist gives recognition to those who excelled in the arts and letters and embodied the goodness and nobility of the Filipino people," says Communications Secretary Herminio “Sonny” Coloma explaining the new set of National Artists, wherein Nora Aunor was excluded.


Si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino ang huling magpapasya kung sinu-sino ang dapat kasama sa listahan ng mga National Artist.

Ito ang inihayag ni Communications Secretary Herminio “Sonny” Coloma sa panayam sa kanya ng government-run radio station na dzRB kahapon, June 22.

Ang pahayag na ito ay nailathala rin kahapon sa GMA News website.

Saad ni Coloma, “Ang pinal na pagpapasya po ay ibinigay sa Pangulo ng Pilipinas dahil nga pinakamataas itong uri ng pagkilala sa mga outstanding Filipinos in the fields of arts and letters.”

Dagdag niya, “It is the duty of the President to decide on who among the shortlisted nominees deserve to be conferred the Order of the National Artist.

“In making the decision, the President considered how each of the nominees measured up to the criteria for choice.”

Matatandaang umani ng batikos ang Malacañang dahil sa hindi pagkakasama sa Superstar na si Nora Aunor sa bagong listahan ng National Artists na lumabas noong Biyernes, June 20.

Sa katunayan, hinihimok pa ni Bienvenido Lumbera ang kanyang kapwa National Artists na iprotesta sa Malacañang ang hindi pagkakahirang kay Nora.

Nais ding hingin ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang paliwanag ng Malacañang sa naging desisyon nito.

Ito ay sa kabila ng pagiging malakas ni Nora noong deliberation pa lamang ng NCCA board of commissioners at CCP board of trustees para sa mga magiging nominado.

Read: NCCA questions decision of Malacañang to exclude Nora Aunor as National Artist nominee

Sa kabila ng mga batikos, sinabi ni Coloma na ang naging desisyon ni PNoy sa mga bagong hinirang na National Artists ay para sa kapakanan ng nakakarami.

Pahayag niya, “We are certain that his decision was based on what will best serve the national interest because the Order of the National Artist gives recognition to those who excelled in the arts and letters and embodied the goodness and nobility of the Filipino people.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN