Lani Mercado to snub PNoy’s SONA; Palace says SONA will push through with or without Lani

Ani Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, may karapatan ang isang mambabatas, gaya ni Cavite Representative Lani Mercado, na magdesisyon kung pupunta ba o hindi sa SONA ng Pangulo ng bansa.


Tuloy ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III sa susunod na buwan, dumalo man o hindi ang ilang mambabatas, kagaya ni Cavite Representative Lani Mercado.

Ito ang buod ng mensahe ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda sa isang news conference, matapos ipahayag ni Lani na hindi siya sisipot sa SONA ni PNoy sa Hulyo.

Sinabi ng actress-politician na hindi siya pupunta sa SONA dahil inaasahan niyang magpapasaring ang Pangulo tungkol sa pagkakaaresto sa kanyang asawa—si Senator Ramon "Bong" Revilla Jr.—noong Biyernes, June 20, at pagkakadetine nito sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Nahaharap si Senator Bong sa mga kasong graft at plunder kaugnay ng P10-billion pork-barrel scam.

Read: Bong Revilla gets migraine after few hours of stay in Camp Crame

LANI’S CHOICE. "It is a constitutionally mandated event and the President will deliver his State of the Nation Address regardless of reactions of some public officials who seemed to have been affected by the PDAF scam. That is a constitutional mandated event that the President is obligated to deliver," ani Lacierda sa isang news conference, ayon sa ulat ng GMA News Online.

Dugtong pa ni Lacierda, may karapatan si Lani na hindi dumalo sa SONA kung ayaw nito.

"I think it’s… the right of every person, of every representative or senator to opt to attend or not."

Sinabi naman ni Lacierda na hindi niya alam kung ano ang magiging laman ng SONA ni PNoy ngayong taon.

"Hindi pa [namin] napag-uusapan ’yan... [and] the speechwriters have not met with the President on the SONA."

Nakatakdang ibigay ng Pangulo ang kanyang SONA sa July 28 sa House of Representatives’ complex sa Quezon City.

NOT ATTENDING. Ito ang pangalawang pagkakataong hindi dadalo si Lani sa SONA ni PNoy.

"I have no intention of attending. This will be the second time..." sabi ni Lani sa isang panayam sa DzBB nitong weekend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ayon pa kay Lani, naging biktima silang mag-asawa ng "shame campaign" ni PNoy, at hindi raw malayong gawin muli ito ng Pangulo sa kanyang SONA.

"Oh, yes. Naging biktima na kami ng maraming [pamamahiya] and he’s bound to do that," ani Lani nang matanong kung inaasahan ba niyang banggitin ng Pangulo ang pagkakadetine kay Senator Bong.

Noong nakaraang Pebrero, sinabi ni Lani na ipinahiya umano ni PNoy ang kanyang asawa sa mga tao matapos nitong sabihin sa isang speaking engagement sa Cavite na hindi dapat makipagsapalaran ang mga tao sa “agimat” o “anting-anting.”

Nakilala ang pamilya Revilla, partikular na ang ama ni Bong na si dating Senator Ramon Revilla Sr., sa showbiz dahil sa paggawa ng mga pelikulang may kinalaman sa anting-anting at agimat.

Binanggit din ni Lani na pinasaringan muli ng Pangulo ang mga personalidad mula sa showbiz nang sabihin nito sa kanyang speech na hindi kailangang iboto ng mga mamamayan ang mga taong magaling magbigkas ng scripts, kumanta o sumayaw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN