Imee Marcos, Piolo Pascual dismayed by exclusion of Nora Aunor in National Artists list

Maraming mga tagahanga, tagasuporta, at kasamahan sa showbiz ng Superstar na si Nora Aunor ang nagpahayag ng kanilang saloobin ukol sa hindi pagkakasama ng pangalan nito sa hinirang na National Artists ngayong taon. Ilan sa kanila ay sina Governor Imee Marcos at ang Kapamilya actor na si Piolo Pascual.


May mga nadagdag pang personalidad na nanghihinayang sa hindi pagkakahirang ng Superstar na si Nora Aunor sa listahan ng mga iniluklok bilang National Artists ngayong taon.

Ito ay sina Ilocos Norte Governor Imee Marcos at ang Kapamilya actor na si Piolo Pascual.

Sa kanyang Facebook fanpage ngayong araw, June 24, naghayag ng kanyang saloobin si Imee, na naging producer ni Nora sa pelikulang Himala noong 1982.

(Makikita sa larawan sa itaas si Nora Aunor at Governor Imee Marcos habang pinasinayaan nito ang "Elsa Statue" noong May 12, 2014, sa Laoag, Ilocos Norte. Courtesy: Imee Marcos FB Fanpage)

Ayon sa gobernadora, “Nakakadepress ang nangyari kay Superstar Nora Aunor.

"Sa totoong buhay naman, lahat tayo bumabangon at talagang ilang beses na siyang bumangon at nagbalik.

“She is back, the unkabogable unsinkable and unbeatable Elsa!

"She is the embodiment of the Filipino spirit, we always get up and survive and better than survive we become stronger!”

Samantala, nagpahayag din ng kanyang opinyon si Piolo tungkol sa hindi pagkakahirang kay Nora bilang National Artist.

(Photo by: Nerisa Almo)

Sa panayam ni Nerisa Almo, chief reporter ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kay Piolo ngayong araw, sa charity event ng serye nitong Hawak Kamay sa Hospicio de San Jose, Pasay City, sinabi nitong, “With all her achievements, I don’t know if it’s still needed.

“Kailangan pa ba nating gawaran ng ganoon?

"I mean, let the achievements or whatever recognition she’s had speak for what she has done for this country, yun na ’yon. Hindi mo na kailangan ng recognition or anything.”

Dagdag pa niya, “We all know that she’s the Superstar.”

Nag-ugat ang pagpapahayag ng saloobin ng mga taga-industriya matapos malaglag ang pangalan ni Nora sa listahan ng anim na nominado upang hiranging National Artist.

Read: Nora Aunor’s exclusion from National Artist awardees draws criticism and protest against Malacañang

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN