Maricel Soriano on exclusion of Nora Aunor from National Artists list: "Masamang-masama ang loob ko!"

Maricel Soriano on her loyal followers: "Tuwang-tuwa ako sa kanila kasi karamihan sa kanila ay may mga diperensiya! Kagaya ko, may diperensiya sila na sobra ang pagmamahal nila sa akin, unconditional. Kaya mahal na mahal ko sila [fans], kasi kahit ‘not-so-long ago’ ay nandiyan pa rin sila para sa akin. Kaya lagi ko silang pinasasalamatan."


“Aba, ewan ko sa kanila! Pero ako, masamang-masama ang loob ko! Masamang-masama!”

Ito ang reaksiyon ng Diamond Star na si Maricel Soriano tungkol sa pagkakaalis sa listahan ng Superstar na si Nora Aunor bilang isa sa hihiranging National Artists ngayong taon.

Read: NCCA questions decision of Malacañang to exclude Nora Aunor as National Artist nominee

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang bloggers ang award-winning actress sa set ng Kapuso primetime teleserye na Ang Dalawang Mrs. Real, kahapon, June 25, sa Tivoli Royale Executive Village, sa Quezon City.

Patuloy niya, “Maraming bagay na para sa kanya [Nora] ang hindi napunta sa kanya kaya nakakasama talaga ng loob.

“Hindi mo na alam kung ano ba ang mga dapat. Wala naman silang sinasabi kung ano ba ang dapat.

“Baka gusto nila ay ako na ang magsabi? Sabihin lang nila!” tila paghahamon pa ni Maricel.

May gusto ba siyang iparating sa mga kinauukulan tungkol sa usaping ito?

Mariin niyang sabi, “Wala na! Husto na!

“Nakakainis, e. Naiinis ako talaga.”

Ramdam daw talaga ni Maricel ang sobrang panghihinayang sa dapat sana’y katangi-tanging pagkilala sa hindi matatawarang kontribusyon ni Nora sa local film industry.

Aniya, “Nasasaktan ako para kay Ate Guy.

“Ano ba ang kredensiyal ng isang tao para iano ka... gawin kang National Artist?

“Kasama ba ang mga credential na... ano ba talaga ang kailangang i-submit?

“Kasi, gusto ko talaga siyang maging National Artist, kaya nasaktan ako na hindi naging siya.”

Dagdag pa ng isa sa original Regal Babies, “Kaya sabi ko, ‘Ano ba ang dapat? Hindi ba dapat, tao ka?’

“Tao siya, e. Hindi ba?

“Bakit hindi siya naging National Artist?

“Kaya masama ang loob ko… masamang-masama.

“Okay na ba ‘yan? Kulang pa, e!”



LOVE ME FOR WHO I AM… Pagkatapos nito ay nakiusap si Maricel na pag-usapan na lamang ang mga taong humahanga sa mga artistang patuloy na minamahal ang sining ng pag-arte katulad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, sa tonong nagbibiro, “Tuwang-tuwa ako sa kanila kasi karamihan sa kanila ay may mga diperensiya!

“Kagaya ko, may diperensiya sila na sobra ang pagmamahal nila sa akin, unconditional.

“Kaya mahal na mahal ko sila [fans], kasi kahit ‘not-so-long ago’ ay nandiyan pa rin sila para sa akin.

“Kaya lagi ko silang pinasasalamatan.

“Yun lang ang kaya kong gawin kasi hindi ko na sila kayang masasayawan ’tulad nung ‘not-so-long-ago’ ako, ’di ba, na nagsasayaw pa ako sa show.”

Patuloy niya, “Kaya ‘pag may panalo, always may achievement, sila ang laging nasa utak ko.

“Hindi kasi ako mapupunta sa podium na ‘yan at magsasalita ng kung anu-ano at pasasalamat kung hindi rin dahil sa kanila.

“Lagi kong sinasabi ‘yan na wala ako dito, wala ako doon, hindi ako napunta dito o doon…

“Isa lang ang katawan ko, pero dahil sa kanila, nandidiyan pa ako.

“It’s been forty-four years na, kaya from the bottom of my heart, sa kaibuturan ng aking kaluluwa ay nagpapasalamat ako sa mga ‘yan na may mga diperensiya,” biro na naman niya.

“Alam nila ‘yan, ang tawag ko sa kanila ay may mga diperensiya.

“At ang una ko sa kanilang ipinararating ay ‘di sila puwedeng makipag-away dahil out sila kapag nakipag-away sila. Magagalit ako.”



ANG DALAWANG MRS. REAL.Sobra rin ang pasasalamat ni Maricel sa mga patuloy na tumatangkilik ng Ang Dalawang Mrs. Real, ang Kapuso primetime series na pinagbibidahan nila nina Dingdong Dantes at Lovi Poe.

Saad niya, “Kaya nga, matinding pasasalamat ang ibinibigay ko sa kanila.

“Ano pa nga ba ang dapat kong gawin kundi paghusayan itong aking ginagawa.

“Lagi at lagi-lagi, ayaw ko silang mapahiya.

“Yun lang, galing sa puso ko ‘to na maio-offer ko dun sa mga taong laging nagmamahal sa akin, sa laging pagtatanggol sa akin.

“Parang gusto ko rin silang ipagtanggol, bukod dun sa inspirasyong naibibigay ko sa kanila na nakakagawa ako ng maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Heto, talagang ipinagpapasalamat ko sa GMA na binigyan nila ako ng magandang oportunidad na makagawa ako ng isang makabuluhang istorya.

“Pero sana, sila naman ang mag-share sa amin kung ano’ng aral ang natutunan nila rito sa kuwentong ito.

“Gusto kong makarinig kung ano ang napulot nilang aral sa programa namin, ‘di ba?

“Para mas mapaganda at mapaghusay pa namin para matuwa sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN