Charee Pineda sympathizes with Senators Bong Revilla and Jinggoy Estrada on PDAF issue: "...siyempre kasamahan natin sa industry."

"Ganoon talaga, pareho kaming artista, public servant. Pinapaniwalaan ko pa rin na yung truth pa rin ang magpi-prevail," saad ni Charee Pineda nang hingan nang reaksyon tungkol sa pagkakasangkot ng kapwa niya artista at pulitiko na sina Senador Ramon "Bong" Revilla Jr. at Senador Jinggoy Estrada.


Kung sa pelikula ay maingat si Charee, sa pagpu-pose naman sa men’s magazine na tulad ng FHM ay hindi raw niya nai-imagine na kaya niya itong gawin.

“Parang nai-imagine ko pa lang na magpu-pose ako ng sexy, parang natatawa ’ko," sabi ni Charee sa pakikipag-usap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung Martes, June 24 sa Max’s Restaurant-Roces.

“Kailangan ko pang i-convince ang sarili ko. At saka, parang hindi naman yata ako puwede pa sa FHM, kailangan pa ng maraming-maraming diet at workout.”

Hindi naman itinanggi ni Charee na may bagong boyfriend na nga siya kahit halatang hindi pa siya kumportableng pag-usapan ang lovelife.

Dalawang taon na rin pala simula nang maghiwalay sila ng dating boyfriend na dapat ay fiancé na niya dahil nag-yes na siya nang mag-propose sa kanya dati.

Read: Charee Pineda ends relationship with non-showbiz fiancé

Twenty three si Charee ngayon. Kung sakali, handa na ba siyang pakasal ngayon?

“Ewan ko po, kasi ako, nagbi-base ako sa kung ano ang nararamdaman. Hindi mo naman kasi masasabi kung kailan ka ready.

“Pero, noong time lang na yun, alam ko lang... hindi ko lang alam kung bakit.

“Siguro, epekto ng prayers ko. Siguro, hindi kami yung right for each other, siguro hindi pa right time para magpakasal ako.”

Taga-Valenzuela rin ang bago niyang boyfriend at kababata pa niya.

“Matagal ko na po siyang kakilala, sobrang kabarkada po. Palagi po siyang nagpupunta sa bahay, kaibigan ng mga kapatid ko.

“Simula’t simula naman, nagsasabi na siya na gusto niya ’ko. Kaya lang, palagi kong sinasabi na, ’Naku, tumigil ka!’

“Kasi, ano, e. Parang nanghihinayang ako sa friendship.

"Naiisip ko na baka kapag naghiwalay kami... sayang naman kasi magkaibigan na yung mga pamilya namin.

“Sayang naman, mahirap na kapag naghiwalay."

Paano kung mag-propose na rin ng kasal sa kanya?

“Naku, hindi ko po masasabi,” natawang sagot niya. “Hindi mo rin masasabi kapag nandoon ka na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POLITICAL CAREER. Pagdating sa political career niya, gusto raw niyang ituluy-tuloy sa mas higher position ang tatakbuhin niya.

Sa kasalukuyan, konsehal siya ng District 2 ng Valenzuela.

Ayon kay Charee, “Actually, gusto kong maging councilor ulit kasi, first term ko pa lang.

“Sabi nga, marami pa ’kong puwedeng ma-experience, marami pa ’kong puwedeng pag-aralan.

“Siguro, kung mabibigyan ng chance na tumakbo ko para sa mas higher na position, pag-iisipan, paghahandaan.”

Sinasabi na siya raw ang bagong Shalani Soledad ng Valenzuela?

“Naku, parang hindi naman mapapalitan si Shalani sa Valenzuela.

“Iba naman siya at iba rin ako.”

PDAF ISSUE. Naitanong din kay Charee kung ano ang komento niya sa nangyayari ngayon sa pulitika sa bansa kunsaan pareho ngang nakakulong sa Camp Crame ang mga kasamahan niya sa industriya na sina Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. at Senator Jinggoy Estrada na nasangkot sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scandal.

Ayon kay Charee, “Ako talaga, yung simpatiya ko, na kay Senator Bong at Senator Jinggoy, siyempre kasamahan natin sa industry.

“Pero ganoon talaga, pareho kaming artista, public servant.

“Pinapaniwalaan ko pa rin na yung truth pa rin ang magpi-prevail.

“Siguro, yung mga nangyayari ngayon, mare-resolve din at lalabas at lalabas din kung ano ang totoo.”

Naniniwala ba siyang biktima lang ng pamumulitika ang dalawang aktor-senador?

“Wala rin po akong masasabi ro’n kasi hindi ko rin fully alam pa ang lahat ng detalye.

“Nababasa ko siya, napapanood ko siya pero parang wala naman ako sa ano para mag-comment kung iniipit nga.

“Hindi ko po alam."

Siya ba, nakaranas na ng pamumulitika?

“Hindi pa naman po siguro,” natawa niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN