Robin Padilla expresses frustrations for exclusion of Superstar Nora Aunor in National Artists awardee list

Robin Padilla on Nora Aunor as National Artist: “Walang isang artista dito sa Pilipinas—ibigay mo sa akin kahit sino—ang nagbigay ng ganung klaseng pagmamahal sa sining. Si Ate Guy lang.”


Isa rin ang aktor na si Robin Padilla sa labis na nadismaya at kumuwestiyon sa hindi pagkakasali ng pangalan ng Superstar na si Nora Aunor sa mga hinirang na National Artists ngayong taon.

Inalmahan na rin ng National Comission for Culture and the Arts (NCCA) at ng national artist na si Bienvenido Lumbera ang naging desisyon ng palasyo sa hindi pagsama ng pangalan ni Ate Guy sa ginawaran ng prestihiyosong parangal.

Read: NCCA questions decision of Malacañang to exclude Nora Aunor as National Artist nominee

May iba pang mga sektor at celebrities ang umalma na rin sa naturang desisyon. May mga naniwala namang may bahid ng pulitika ang desisyon ng Malacañang.

Read: Nora Aunor’s exclusion from National Artist awardees draws criticism and protest against Malacañang

“SIYA ANG SIMBOLO NG ISANG PANGARAP…” Sa panig ni Binoe, palayaw ni Robin, nagpahayag siya ng kanyang saloobin sa kanyang Instagram account na @robinhoodpadilla.

Noong June 20, sinabi niyang (as published), “RG @robinhoodpadilla: Akoy hindi makapaniwala sa balita kahapon. Sa unang unang pagkakataon ay may dumating sa Industriya ng Pelikulang Pilipino at ng Sining na hindi ko nabasa at napagnilay nilayan.Isang napakalaking kalungkutan ito para ating mga Pilipino sapagkat ang kuko ng politika ay gumagapang at bumabaon hanggang sa mga taong dapat ay kilalanin at hindi nadadamay sa pag uusig.

“Akoy kumakatok sa puso at pangangatwiran ng aking Pangulo,kagalang galang na ginoong Aquino,marahil po ay muling may pagkukulang ang mga nakatalagang hanay, hurado at komisyon sa pagbibigay sa inyo ng inpormasyon kung sino at kung ano si ginang Nora Aunor sa ating Sining,Kultura at tradisyon bilang mga Pilipino.Isa siyang kabanata sa kasaysayan ng inangbayan Pilipinas, siya ang nag iisang Inspirasyon ng mga katutubong Pilipino, siya ang simbolo ng Isang Pangarap, siya ang mukha ng ipinanganak na Talino,Sipag,Husay,Pagtitiyaga, Paghihikahos,Pagsubok at Tagumpay, siya ang naging lakas ng mga mas nakararaming mahirap na Pilipino,siya ang nagbigay ng sariling kumpiyansa sa lahing kayumanggi at Katulad ni gat Jose Rizal,ni Felix Hidalgo at ni Juan Luna, ang mga gawa at obra ni ginang Nora Aunor ay kinilala at binigyan ng parangal,hindi lamang sa Asya kundi pati sa Europa, kung saan ang Sining ay progresibo at malaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ilang dekada ng bitbit ni Nora Aunor ang bandila ng Pilipinas at hanggang ngayon ay winawagayway pa rin niya ito sa mukha ng mga dambuhalang Dayuhan.Lahat ng katangian para kilalanin ang kanyang kabayanihan sa larangan ng Sining at Pagkapilipino ay umaapaw at sumasabog,walang nakikitang dahilan ang Katipunan para siyay maisang tabi.Let us learn how to give glory to those who earned it,when they are still strong and alive.

“Politics and Propaganda has no place in Arts and Culture.let the peaceful revolution of the great Nora Aunor continue, her life spells Hope, her art spells Alive, her culture spells Filipino and her name spells HER•O•INE.”

“HINDI MAKATWIRAN…” Kinabukasan, June 21, muling nagpost si Robin sa kanyang Instagram.

Caption niya dito, “Ang usapin sa pagkaka isantabi ni ginang Nora Aunor ay malinaw na pagyurak sa ipinagmamalaking kalayaan ng Gobyerno at sa kapangyarihan ng taongbayan.The Majority of the Filipino People, educated or not, rich or poor, friend or foe, fan or critic, fervently believe in the distinction, quality, superiority, brilliance,greatness, merit, caliber and supremacy of Ms Nora Aunor.

“Hindi makatwiran na ipagkait ang kagustohan ng taongbayan para kay Ginang Nora Aunor dahil lamang sa kanyang maliit na pagkakamali noon.PAMBIHIRA eh sino ba ang MALINIS? Ipagpaumanhin ng Katipunan, ang bayaning JUAN LUNA ay mamamatay tao pero kinilala pa rin at hanggang ngayon ay patuloy na pinaparangalan dahil sa kanyang naiambag sa SINING at INANGBAYAN.Isang kawalan ng hustisya at katwiran ang sinapit ng nag iisang superstar.

“Isang ganap ito na dapat ay maging MULTO sa lahat ng mga Pilipino sa buong mundo,..... at dahil lahat tayo ay naniniwala kay jesu-kristo,ito ang iiwan ko sa mga nasa Malacañang,and jesus said to them "Let him who is without sin among you be the first to throw a stone at her " - JOHN 8:7”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A GREAT INSULT. Makalipas ang isang araw, June 22, Linggo, muling naglabas ng kanyang sama ng loob si Robin sa pangyayari.

Sabi niya, “Mahal na Pangulong Aquino,mga mahal kong kababayan, mga kapanalig sa pag ibig sa Inangbayan at kapatid sa Katipunan.

“May mga bagay na nagaganap sa ating kapaligiran lalo sa ating mga harapan na hindi dapat pinalalagpas o pinipikitan ng mulat nating mga mata. Ang lantarang pang aapi ng mga ilitista at makapangyarihang uri sa isang Nora Aunor ay malinaw na pagpapakita sa ating mga mukha kung anong puso at isipan ang naghahari sa bulok na sistema ng gobyerno.

“Malinaw sa mga hurado at komisyon ang simbolo at larawan ng nag iisang superstar sa ating sining at kultura, lalo na sa ating pagkapilipino,hindi dapat natin tanggapin ang NO COMMENT na pahayag ng mga Ginagalang sa palasyo sapagkat ang katagang ito ay para lamang sa mga nasa pribadong organisasyon o opisina,THE FILIPINO people deserves to know the reason why NORA AUNOR was rejected and indirectly but precisely insulted.”

“SANTO BA ANG IBIGAY NATING PARANGAL?” Kaninang tanghali, June 28, sa set visit ng seryeng Jasmine sa TV5 Broadcast Center, Reliance, Mandaluyong, naglabas muli ng kanyang himutok si Binoe sa harap ng media.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Robin kung ano ba ang naramdaman niya sa hindi pagkahirang ni Ate Guy bilang national artist.

Aniya, “Naku paiinitin mo naman ang ulo ko diyan.

“Mali yun, elitista ‘tong gobyerno na ‘to. Yun ang ano natin, hindi dapat ganun. Dapat… marami na akong nasabi, e. Dadagdagan ko na lang yung nasabi ko.

“Hindi dapat natin… yung kultura ng pelikulang Pilipino at ng showbiz, sarili nating kultura yun.

“Hindi kailanman maging kultura ng mga politicians. So, huwag nilang ikapit ang kanilang kultura sa kultura natin.

"Sa atin, bayani natin [si] Ate Guy. Walang isang artista dito sa Pilipinas—ibigay mo sa akin kahit sino—ang nagbigay ng ganung klaseng pagmamahal sa sining.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Ate Guy lang. Sino ang may pinakamaraming dinalang pelikula sa ibang bansa? At sino ang may pinakamaraming dinalang parangal? Siya lang.

“Kukuwestiyunin natin dahil sa pagkakamaling ginawa niya? Pambihira, ano ba ito?

"Santo ba itong gusto nating ibigay na ano [parangal]?”

May mga haka-haka raw na ang yumaong Comedy King na si Dolphy ang gusto ng Malacañang na bigyan ng parangal. Ano ang masasabi ni Robin dito?

“Hindi naman natin kinukuwestiyon yun. E, di isabay nila si Tito Dolphy.

"Kasi napakahirap nung insultong binigay kay Ate Guy, ‘di ba? Dinala dun ’tapos tinanggihan. Masakit yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN