Kris Aquino defends Senator Jinggoy Estrada’s daughter from lifestyle-check issue

Kris Aquino has no comment on Jolo Ejercito’s Instagram posts as she hardly knows him, but she defends his sister Janella: "Sa kanya, wala akong nakitang karangyaan... simpleng sasakyan, simpleng manamit... makatao siya."


Isa sa isyung pinag-usapan nina Kris Aquino, Boy Abunda, at Toni Gonzaga sa "P.O.V." segment ng The Buzz 15, kahapon, June 29, ay ang lifestyle check sa mga anak o kaanak ng mga pulitiko.

Uminit ang usapin tungkol dito dahil sa kumalat na Instagram pictures ng apo ni Manila Mayor Joseph Estrada at anak ni Senator Jinggoy Estrada na si Jolo Ejercito, na nagpapakita diumano ng "lavish lifestyle" nito.

Kabilang na rito ang pagsusuot ng mamahaling sapatos, pagtse-check-in sa Presidential Suite ng Manila Hotel, ang pagsakay nito sa isang private plane, at pagkakaroon ng diplomatic passport.

Read: Mayor Joseph Estrada defends grandson Jolo Ejercito over “lavish lifestyle” photos

Bilang kapatid ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III at anak ng yumaong Pangulong Corazon Cojuangco Aquino, nagsalita si Kris tungkol sa isyung ito.

Ngunit ang pinagtuunan niya ng pansin sa kanyang pahayag ay hindi si Jolo, kundi ang kapatid nitong si Janella Ejercito.

Si Janella ay inaanak ni Kris sa binyag.

Pahayag ng TV host-actress, “Ako, may gusto akong sabihin... Janella is my inaanak and, sa kanya, wala akong nakitang karangyaan.

“She’s a councilor in San Juan and she’s the daughter of Jinggoy and Precy.

"In fact, several times niya akong dinalaw sa set, and simpleng sasakyan, simpleng manamit.

“And siguro... pulitiko na siya, marunong makisama... nagdala ng merienda.

"Hindi ko masyadong kilala yung brothers niya, so hindi ako makaka-comment sa pinost nila.

“Pero doon sa kilala kong anak nila, gusto ko yung pagpapalaki sa kanya, kasi makatao siya.”

Nagbigay rin ng komento si Kris tungkol naman sa diplomatic passport na gamit daw ni Jolo.

Aniya, “When my mom was President, and she did bring me on official trips, nakagamit ako ng diplomatic passport.

“Noong sinamahan ko siya noong nag-Washington kami, dinala niya ako noong nag-Japan, nag-Europe.

"But I had another passport for the times na hindi ko siya kasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, hindi tama na gagamitin mo kung hindi para sa opisyal na dahilan, so, yun lang yun.

“Now that Noy’s naka-position, ilang times kami na mga kapatid niya na in-invite to join him.

"His stand has always been, ’Kapatid ko lang kayo, dagdag-gastos, maiwan kayo rito.’

“So, wala. None of us has a diplomatic passport because none of us had joined him in any official trips.”

Dugtong pa ni Kris, “There was one, ‘di ba, si First Lady ng Malaysia, friend ko? Sabi ko, ’Noy, she called me. Ako na ang magbabayad.’

“Sabi niya, ’Huwag na. Dito ka na lang.’ So, yun.”

Tinanong naman ni Toni si Kris: Kapag kasama sa lakad ng pulitiko ang anak nito, dapat ba ay diplomatic passport ang gamit nito?

Sabi ni Kris, “Kung anak ka at underage at official trip, meaning it was a State visit.

“Noong time na yun, naaalala ko, I was privileged to join my mom sa coronation of the Emperor, in Japan, yung ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN