PNoy: Nora Aunor excluded in National Artist award because of drug issue

“Ginagalang ko siya, kinikilala ko yung kanyang trabaho at ‘yang mga obra. Pero ang problema ko, mukhang mas mataas yung prayoridad na maliwanag na may mensahe na yung droga zero tolerance tayo dito, mali all the time,” says President Benigno “PNoy” Aquino explaining why he dropped Nora Aunor’s name from the new list of National Artists.


Inamin ni Presidente Benigno “PNoy” Aquino na ang nakaraang isyu sa droga ni Nora Aunor ang dahilan ng desisyon niyang tanggalin ang Superstar sa mga hihiranging bagong National Artists ngayong taon.

Ayon sa report ng GMA News Online, sinabi ito ni PNoy sa panayam ng ilang reporters sa kanya matapos ang 67th anniversary celebration ng Philippine Air Force sa Pampanga ngayong araw, July 1.

Mahigpit ang administrasyong Aquino pagdating sa kampanya nito laban sa paggamit ng ilegal na droga.

Kaya naman sinabi ni PNoy sa reporters nang tanungin tungkol kay Nora: “Na-convict po siya sa drugs... na-convict at naparusahan. At ang tanong ngayon dito, kapag ginawa ba [siyang] National Artist, may mensahe ba akong maliwanag na sinasabi sa sambayanan?”

Bagamat kinikilala raw ng Pangulo ang mga naiambag ni Nora sa industriya ng pelikulang Pilipino, nilinaw niyang hindi lamang ito ang basehan para hirangin bilang National Artist.

Aniya, “Ginagalang ko siya, kinikilala ko yung kanyang trabaho at ‘yang mga obra.

“Pero ang problema ko, mukhang mas mataas yung prayoridad na maliwanag na may mensahe na yung droga zero tolerance tayo dito, mali all the time.

“Ayokong magkaroon ng mensahe na kung minsan puwede yung ilegal na droga or acceptable.

"Yung dapat na mensahe it is always bad... and I cannot emphasize that message enough."



COMMENT ON NEGATIVE REACTIONS. Ang desisyon ni PNoy na alisin si Nora sa listahan ng mga bagong National Artist ay nagdulot ng negatibong reaksiyon mula sa iba’t ibang sektor at personalidad.

Kabilang na rito ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na nagsabing hindi na isyu para sa kanila ang dating kasong drug addiction ni Nora.

Samantala, ang National Artist na si Bienvenido Lumbera ay hinikayat ang kapwa niya National Artists na magprotesta sa Malacañang dahil sa hindi pagsama kay Nora sa bagong listahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: NCCA questions decision of Malacañang to exclude Nora Aunor as National Artist nominee

Sa kabila ng mga batikos, pinili ni Presidente Aquino na huwag na lamang pansinin ang mga batikos sa kanya dahil sa kanyang naging desisyon.

Paliwanag niya, “Ganun talaga ang trabahong ito, maski ano ang desisyon ko, mayroon talagang papanig sa salungat sa anumang desisyon ko.”

Kahapon ay nagsalita si Nora tungkol sa isyung hindi pagkakahirang sa kanya bilang National Artist.

Aniya, “Inaamin ko pong nasaktan ako sa nangyari.

“Pero ang dagsa ng suporta na nakita ko at naramdaman mula sa aking mga kababayan—mga katrabaho ko sa industriya, mga fans at mga kaibigan, mga pari at madre, mga guro at iba pang taga-akademya, mga taga-media, mga National Artists, mga pangkaraniwang mamamayan dito at sa ibang bansa—ay sapat-sapat na upang maramdaman kong maski walang mang tropeo o karangalang igawad sa akin ang mga nasa kapangyarihan, iniluklok naman ako ng mga kababayan ko, habang buhay sa kanilang mga puso, bilang isang artista ng bayan.”

Read: Nora Aunor breaks silence on National Artist issue


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN