PEP EXCLUSIVE. Raymart Santiago’s lawyer blasts Claudine Barretto’s lawyer over "unfair accusations"

Raymart Santiago’s legal counsel Atty. Ruth Castelo on allegations made by Claudine Barretto’s lawyer Atty. Ferdinand Topacio: "It is MY signature and not Atty. Topacio’s that appears in the document FILED IN COURT requesting for the settlement process where we are now. I HAVE NO REASON NOR ANY INCLINATION TO SABOTAGE MY OWN EFFORTS."


Iginiit ni Atty. Ruth Castelo, legal counsel ni Raymart Santiago, na tutok siya sa legal na proseso ng pagsasaayos ng gusot sa pagitan ng kanyang kliyente at ng estranged wife nitong si Claudine Barretto.

Bilang patunay, bahagi umano si Atty. Castelo sa ginawang aksiyon ng kampo ni Raymart na magsumite ng “request for settlement process” sa pagitan ng aktor at ni Claudine.

Patungkol ito sa nag-umpisa nang Judicial Dispute Resolute (JDR) o "peace process" ng magkabilang kampo.

Ito ay sa kabila ng alegasyon ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Claudine, na sinasabotahe raw ni Atty. Castelo ang gumagandang pag-uusap sa pagitan ng estranged couple.

Ayaw na sanang magsalita ng abugada ukol dito, ngunit nais niyang bigyang-linaw ang panibagong patutsada ni Atty. Topacio sa ekslusibong panayam ng huli sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, July 2.

Dito ay binatikos ni Atty. Topacio ang diumano’y pag-ungkat ni Atty. Castelo sa mga isyung lumabas nung kainitan ng hidwaan nina Raymart at Claudine noong Mayo.

Pinaniniwalaan ng kampo ni Claudine na balakid si Atty. Castelo sa reconciliation efforts ng magkabilang-kampo.

Ito ay sa kadahilanang kapag si Raymart at isa pa nitong legal counsel na si Atty. Peter Sanchez ang nakakausap ng kampo ni Claudine, mas positibo at nagkakaroon daw ng pag-usad ang JDR sa pagitan ng magkabilang panig.

Read: Claudine Barretto’s lawyer firm in his allegation that Raymart Santiago’s counsel sabotaged their reconciliation efforts



"UNFAIR ACCUSATIONS." Narito ang kabuuan ng eksklusibong pahayag na ipinadala ni Atty. Castelo sa PEP, sa pamamagitan ng e-mail, ngayong araw, June 3 (published as is):

“My professional services are engaged to protect the interests of my client and his children. I do not wish to lose my focus or be diverted into unnecessary and senseless issues such as this recent squabble, so I will have to set this aside and continue doing my job as my client’s lawyer after I emphasize a few points:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“1. These court cases ARE NOT ABOUT ME. They are about my showbiz client who happens to be against Atty. Topacio’s equally showbiz client. I am a lawyer by profession and by occupation, so I hope he does not involve me in his showbiz tirades.

“2. It is MY signature and not Atty. Topacio’s that appears in the document FILED IN COURT requesting for the settlement process where we are now. I HAVE NO REASON NOR ANY INCLINATION TO SABOTAGE MY OWN EFFORTS.

“3. Hindi ako magulo at paligoy-ligoy kausap. HINDI LANG AKO SINUNGALING kaya wala akong itataya sa kanila kung hindi ko kayang ipabigay sa kliyente ko. I am not in the habit of making untruthful statements, so I hope Atty. Topacio will stop attributing his lies to me.

“4. I am ready to defend myself OR MY CLIENT against Atty. Topacio in any court of the land, all the way up to the Supreme Court en banc. Anytime.

“5. I was peacefully enjoying my personal and professional life until these unfair accusations were made against me. I did not pick this fight, but neither will I back out of it.

“6. Atty. Topacio should stop hallucinating that we ever shared anything together. He is not as lucky as he wants to be.”

IN FAVOR OF RECONCILIATION EFFORTS. Bukod dito ay nagkaroon din ng pagkakataon ang PEP na makapanayam si Atty. Castelo sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono at palitan ng mensahe sa e-mail.

Ayon sa abugada, hands-on siya sa proseso ng “JDR” o legal na paraan upang magkaroon ng maayos na unawaan sa pagitan nina Raymart at Claudine.

Ang totoo ay pabor umano si Atty. Castelo na magkaayos ang estranged couple para sa ikabubuti ng mga anak ng kanyang kliyente.

Paliwanag ng abugada, “Yes, I am [hands on], from very the beginning.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If Atty. Topacio is bent on settling the issues between our clients, he would have set aside his personal biases and approached me at the first opportunity that he had.

"HE NEVER APPROACHED ME ABOUT SETTLEMENT SO IT IS TOTALLY BASELESS TO SAY THAT I AM SABOTAGING THESE EFFORTS. Like I said previously, he is happier talking to my co-counsel [Atty. Sanchez].”

Iginiit din ni Atty. Castelo na walang basehan ang mga patutsada ni Atty. Topacio hinggil sa pagbanggit niya tungkol sa palitan ng maaanghang na salita ng magkabilang-kampo noong Mayo.

Kaugnay ito ng pagkuwestiyon ng kampo ni Raymart sa imbitasyon ni Claudine na dumalo ang aktor sa dance recital ng panganay nilang anak na si Sabina sa Smart Araneta Coliseum.

Dagdag pa rito ang intrigang nakapalibot sa diumano’y insidente ng pagtatangka sa buhay ni Claudine.

Buwelta ni Atty. Castelo laban sa reklamo ni Atty. Topacio hinggil dito: “Any reference to her was made ONLY FOR THE PURPOSE of reminding him of the chronology of events that took place a few days after the invitation was made.

“Anything more than that entirely depends on their interpretation of the words written or said, or how Atty. Topacio wants them to mean."

Pinabulaanan din ng abugada ang alegasyon ni Atty. Topacio na na-traumatize ang dalawang anak nina Claudine at Raymart sanhi ng legal advice ni Atty. Castelo na magsampa ng kontra-demanda laban sa aktres.

Matatandaang inihayag ni Atty. Topacio, sa kanyang pahayag kahapon, July 2, na ang inihaing (Petition for Custody with) "habeas corpus” ni Raymart laban kay Claudine ay naging dahilan diumano upang madamay sa kontrobersiya ang dalawang anak ng estranged couple.

Read: Raymart Santiago files for habeas corpus to get custody of children with Claudine Barretto

Depensa ni Atty. Castelo ukol dito: “The faces of the children in the recent Instagram photos show how they feel towards my client, and their faces look very far from traumatized.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NOTHING TO DO WITH CLAUDINE. Tinanong ng PEP si Atty. Castelo kung alam ni Raymart ang tungkol sa mainit na palitan nila ng salita ni Atty. Topacio.

Sagot ni Atty. Castelo, “Yes, my client is very much aware of this, and he is very much aware that this is between me and Atty. Topacio, and nothing to do with him OR his estranged wife."

Nabanggit din kasi ni Atty. Topacio sa kanyang pahayag kahapon, July 2, na maaaring napasubo si Raymart dahil sa mga legal advice ni Atty. Castelo at pati na rin sa mga pahayag ng abugada sa media.

Sabi pa ni Atty. Topacio, “Nanganganib mauwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan namin nina Judge Macaraig at Atty. Peter Sanchez.”

Ito ay dahil diumano sa paninisi ni Atty. Castelo kay Claudine.

Ngunit iginiit ni Atty. Castelo na tanging si Atty. Topacio ang kapalitan niya ng salita sa pagkakataong ito.

“I have made it very clear from the start that this is strictly between me and Atty. Topacio.

“The ‘seasoned lawyer’ should be able to convince his client NOT TO allow this recent issue between him and me to affect the impending settlement between our clients FOR THE SAKE OF THEIR CHILDREN.

“Atty. Topacio should be able to make his client understand that THIS IS NOTHING PERSONAL TO HER, because this is really not about her, BUT about her counsel," saad ni Atty. Castelo.

Ayon sa isang hiwalay na ulat ng PEP kagabi, June 2, nag-post ng mensahe si Claudine sa kanyang Instagram account (@claubarretto) patungkol kay Atty. Castelo.

Malinaw na ikinagalit ng aktres ang binitawang pahayag ng abugada kaugnay ng mga ibinabatong alegasyon ni Atty. Topacio.

Read: Raymart Santiago’s lawyer hits back at Claudine Barretto’s lawyer for accusing her of "sabotaging" the estranged couple

Ngunit hindi na nagbigay ng karagdagang pahayag ang legal counsel ni Raymart hinggil sa Instagram post ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Claudine Barretto tells Raymart Santiago’s lawyer to "back off"

Sa ngayon, ang tanging kinumpirma ng abugada ay ang paghaharap sa korte nina Raymart at Claudine para sa Judicial Dispute Resolution noong July 1.

Ngunit wala pa umanong pinal na desisyon ang magkabilang kampo hinggil sa kanilang pinagpulungan.

Sa August 1, 2014 nakatakdang muling magharap sina Raymart at Claudine para sa pagpapatuloy ng proseso ng settlement.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN