James Yap on being a father to Bimby: “Ipinaglaban ko nga… patay na kung patay.”

Ibinunyag ni James Yap na may anak siya sa isang dating girlfriend at mas matanda ito kaysa kay Bimby.


Nagsalita ang basketball player na si James Yap tungkol sa pagiging ama niya sa anak nila ni Kris Aquino na si James “Bimby” Aquino Yap sa episode ng Tapatan Ni Tunying ngayong Huwebes, July 3.

Lahad ng basketbolista sa host na si Anthony Taberna, isang beses sa isang linggo sila kung magkita ni Bimby.

“Every Friday, okay naman dahil dati, nung every Friday na yung schedule ko, unang kita namin, talagang may ilangan, talagang mahirap.

“At least ngayon, nakikipaglaro na.”

Matatandaang matagal hindi nakita ni James si Bimby dahil sa legal battle nila noon ni Bimby. Ngunit noong isang taon ay nagkaayos na sila.

Inilarawan ni James ang sarili kung paano siya bilang isang ama kay Bimby.

“Siyempre yung pagmamahal ’andun, and then yung support. Kailangan talaga disiplinahin, madisiplinang ama [ako].”

Matatawag ba niya ang sarili na isang mabuting ama?

Sagot niya, “Oo, mabuting-mabuting ama.

“Ipinaglaban ko nga, e, hanggang… ’di ba? Patay na kung patay.”

Ang tinutukoy ni James ay ang paglaban niya para sa visitation rights sa anak.

Read: Kris Aquino and James Yap finally reach "long-term agreement" about Bimby

THE OTHER CHILD. Samantala, sa nasabing interview ay kinumpirma rin ni James na may iba siyang anak sa isang dating kasintahan.

“Meron, pero kinausap ko naman yung mom. Okay naman yung usapan namin.

"Meron kaming napag-usapan na… ’wag muna, ’tsaka na lang,” pag-aalinlangan ng cager.

Sinabi ni James na mas matanda ang anak niyang ito kay Bimby.

Read: James Yap admits he has an older child



ON MICHELA CAZZOLA. Pinag-usapan din ang tungkol sa buhay pag-ibig ngayon ni James.

Girlfriend ni James ang Italian na si Michela Cazzola.

Ipinakilala raw noon ng isang kaibigan ni James si Michela sa kanya dahil single siya noong mga panahong iyon.

Inusisa si James kung gaano niya katagal niligawan si Michela.

“Uso pa ba ‘yan?” sabay tawa nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, ipapakita mo rin sa isang babae kung ano kang klaseng tao… kung nagki-care ka sa kanya.”

Bago pa man daw sila nagkarelasyon, inilatag na lahat ni James ang tungkol sa kanyang buhay para maunawaan ito ni Michela.

Nag-aaral din daw si Michela ng Ilonggo, ang native dialect ni James na tubong Escalante, Negros Occidental.

“Oo, nagpa-practice. Napa-practice din yung English ko... ang hirap!

“Sabi ko, ‘Mag-aral ka na lang ng Ilonggo, Cebuano, para patas tayo.”

Sa usaping pagpapakasal naman, sabi ni James, “Ang pagpapakasal kasi ’andiyan lang.

"Hindi naman mawawala diyan. Hinay-hinay lang, darating at darating ang time na bigla lang maiisip mo, ’Okay, sige.’”

MICHAELA SPEAKS UP. Nagpa-interview rin si Michela at inilahad niya ang una nilang pagkikita ni James.

“I like the fact that he was very polite with me, very respectful, very soft-spoken.

“That night, he asked [for] my number. He texted me, ‘What are you doing? You wanna go for a coffee or for a chat?’ Something like that.”

Pumayag naman daw siya.

Ano ang katangiang nagustuhan niya kay James?

Sabi ni Michela, “He is sweet, and even when he’s so tired and busy, he goes to me.

"He does a lot of effort. He takes a lot of time to dedicate to me and that I super-appreciate.”

Sa pagkain daw sila magkasundong-magkasundo ni James.

Nagkuwento rin si Michela tungkol sa relasyon nina James at Bimby.

"He loves his son deeply like any father."

Kay Bimby naman, “I met him a couple of times. He’s nice... he’s actually a cool guy.

“I really like him and he’s so cute.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN