Angeline Quinto rekindles romance with Erik Santos

Angeline Quinto on Erik Santos: “Special siya sa akin? Sa akin, oo. Pero yung ako sa kanya? Siya na lang ang tanungin niyo dahil nahihiya na ako ang magsabi. Pero sobra akong happy na nandiyan si Erik para sa akin.”


“My next level friend.”

Ito ang paglalarawan ni Angeline Quinto sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ng kapwa Kapamilya singer na si Erik Santos.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angeline sa launching ng kanyang Angeline Quinto Sings Themes From Sana Bukas Pa Ang Kahapon album kagabi, July 3, sa 19 East Bar and Grill Restaurant, Sucat, Parañaque City.

Guest performer ni Angeline si Erik kagabi, kung saan nag-duet sila ng kantang “Forever” ni Martin Nievera.

Patuloy pa ng tinaguriang Queen of Teleserye Theme Songs, "Kung ano ang mangyari sa susunod ay ready ako.

“Special siya sa akin? Sa akin, oo.

"Pero yung ako sa kanya? Siya na lang ang tanungin niyo dahil nahihiya na ako ang magsabi.

“Pero sobra akong happy na nandiyan si Erik para sa akin.”

Nanliligaw ba ulit sa kanya si Erik?

Natatawang tugon ng 24-year-old singer, “Hindi ko alam! Ganun ba… hindi ko masabi po.

“Naghihintay pa ako ng isang pangyayari na masasabi kong, ‘Ay, nililigawan ako ni Erik Santos!’

“Pero ’pag nangyari naman yun, isi-share ko naman sa inyo.”



BACK TO DATING GAME. Noong 2013 ay pinag-usapan ang palitan nina Angeline at Erik ng "I love you" sa kani-kanilang Instagram posts, na sinundan pa ng maraming sweet messages.

Ito ang dahilan upang isipin ng publiko na mayroong namumuong relasyon sa kanilang dalawa.

Pero sa inilabas na interbyu kay Erik dito sa PEP noong April 3, inamin ng singer naguguluhan siya sa totoong relasyon nila ng Star Power champion.

Read: Erik Santos admits to being confused about status of relationship with Angeline Quinto

Erik Santos admits to being confused about status of relationship with Angeline Quinto

Read more at: http://www.pep.ph/news/43002/erik-santos-admits-to-being-confused-about-status-of-relationship-with-angeline-quinto
Follow Us: @PEPalerts on Twitter | PEPalerts on Facebookhttp://www.pep.ph/news/43002/erik-santos-admits-to-being-confused-about-status-of-relationship-with-angeline-quinto

Sa isang episode naman ng Kris TV noong June, inamin ng Star In A Million grand champion na tumigil na siya sa panliligaw kay Angeline dahil medyo napagod at parang wala itong patutunguhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa anong paraan ba masasabi ni Angeline na muli siyang sinusuyo ni Erik?

Sagot ng ASAP mainstay, “Siyempre, yung pag-invite niya sa akin sa labas.

“Yung pagiging sweet niya sa akin everytime na magkasama kami.

“Lalo na kapag sa shows, I feel like I’m a queen with Erik Santos.”

Gaano sila kadalas lumabas ngayon?

“Lately kasi, nagkakaroon kami ng shows together po, ‘tulad sa mga out of town. Yun ang madalas naming pagsasama.

“Sa ASAP, every Sunday. Minsan, nagkakape.

“Ang hindi ko talaga makalimutan kay Erik, minsan may problema ako, siya ang tinawagan ko.

“’Tapos, kumain kami, kuwentuhan, at parang naubos yung oras namin sa pagsi-share ng mga bagay-bagay, ganun lang naman.”



IF EVER… Kung muli siyang ligawan ng 34-year-old singer, may pag-asa ba ito?

Bulalas ni Angeline, na seryoso at hindi halatang nagbibiro, "Ay, napakalaki po, napakalaki!

“Nagsimula kami as friends, so parang nandiyan na nahihiya kami sa isa’t isa na sabihin ang totoo.

“Kasi minsan, ganyan ako sa kanya. Na ang lahat ay parang dinadaan ko sa biro, na hindi niya alam na totoo na pala yun.

“Siguro, ‘pag dumating yung time na seryoso kami sa isa’t isa, yun na yun.”

Sa tingin ba niya ay darating yung oras na magiging seryoso sa kanya si Erik?

Sagot ni Angeline, “Oo naman.

“Si Erik? Grabe naman magmahal ang taong yun sa pagkakakilala ko sa kanya.

“Tingnan natin… sana mag-work."

Si Erik na ba ang pangarap niyang maging boyfriend dahil sa magagandang katangian nito?

“Hindi naman sa pangarap. Pero yung tipo kasi ng lalaki na hinahanap ko, yung iba, na kay Erik.

“Simple, ang bangu-bango tingnan, sweet, at siyempre singer kasi.”



NEXT LEVEL FRIEND. Ano ang mensahe niya para kay Erik?

Saad ni Angeline, “Unang-una na gusto kong masabi kay Erik ay ‘thank you.’

“Kahit minsan ay ‘di na niya ako maintindihan ay pinipilit niya akong intindihin sa lahat ng bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thankful ako na lagi siyang nandiyan para sa akin.

“Kung ano man po ang maganap after nito... sa aming dalawa, alam naman niya sa sarili niya na okay ako dun.”

Handa na ba siyang umibig muli?

Mabilis niyang sagot, “Oo naman!

“Sa totoo lang, dati ay sinabi ko na ayaw ko na taga-showbiz.

“Kasi, ayaw kong pinag-uusapan ang personal kong buhay, lalo na yung buhay pag-ibig ko.

“Kaya lang, hindi mo naman... sabi nga, paano kung ma-in love ka sa katrabaho mo, ‘di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN