Jodi Sta. Maria quashes wedding rumors with Jolo Revilla: "Wala naman akong plans na magpakasal."

“Wala naman akong plans na magpakasal. Maayos ang ginagawa ko. Happy ako sa trabaho ko. Happy ako sa lahat ng ginagawa ko,” says Jodi Sta. Maria in an interview earlier today, July 4.


Nananatiling mailap si Jodi Sta. Maria tuwing natatanong tungkol sa relasyon nila ni Jolo Revilla.

Sa press conference para sa second anniversary ng ABS-CBN daytime series na Be Careful With My Heart, kaninang tanghali, July 4, tinanong si Jodi kung naaapektuhan ba ang kanyang lovelife dahil “indefinite” pa rin ang extension ng pinagbibidahan niyang programa.

Mayroon kasing espekulasyon na plano nang magpakasal nina Jodi at Jolo, ngunit sadyang abala ang dalawa sa kani-kanilang karera.

Si Jolo ay kasalukuyang naninilbihan bilang vice governor ng Cavite, habang si Jodi naman ay tuluy-tuloy ang taping ng Be Careful With My Heart.

Sagot ni Jodi tungkol dito, “Wala naman akong plans na magpakasal.

“Maayos ang ginagawa ko. Happy ako sa trabaho ko. Happy ako sa lahat ng ginagawa ko.”

Tinanong ulit si Jodi kung papayag siya kung biglang mag-propose ng kasal ang kanyang nobyo.

Ngunit tanging ngiti lang ang isinagot ng aktres at saka binati ang isang nakitang kakilala, bilang hudyat na ibahin na lang ang usapan.

Sa huli, sinubukang hingan ng reaksiyon si Jodi kung paano niya sinusuportahan si Jolo ngayong nahaharap sa kasong plunder ang ama ng bise-gobernador na si Senator Bong Revilla.

Sa puntong ito ay nakiusap si Jodi sa press na huwag na munang pag-usapan ang naturang isyu.

“I would rather not comment about it. But I’ll be welcoming questions about the concert. Thank you,” sabi niya.

Kamakailan lang ay tinanong na rin si Jodi hinggil sa pinagdadaanan ng ama ng kanyang nobyo, ngunit nanatiling tikom ang bibig ng aktres sa bagay na ito.

Related video: How does Jodi Sta. Maria support BF Jolo Revilla? Richard Yap jokes: "Financially."

Sa ngayon ay pinaghahandaan ni Jodi ang nalalapit na major concert ng kanilang show, ang I Heart You 2: The Be Careful With My Heart Anniversary Thanksgiving, na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa July 27.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabilang banda, iginiit ni Jolo—sa isang panayam niya sa radio kamakailan—na nananatiling matatag ang pamilya Revilla sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang ama.

Dito ay pahapyaw ring nabanggit ni Jolo na mayroong tamang panahon kung kailan sila magpapakasal ni Jodi.

Read: http://www.pep.ph/news/43888/jolo-revilla-asks-supporters-to-pray-for-dad-senator-bong-revilla


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN