Senator Juan Ponce Enrile surrenders to PNP; temporarily detained at PNP hospital

Senator Juan Ponce Enrile, who’s suffering from high blood pressure and other illnesses, was transferred to PNP General Hospital shortly after he surrendered to the authorities today, July 4. The 90-year-old senator was charged with plunder for allegedly amassing millions of kickback from his pork barrel funds.


Boluntaryong sumuko si Senator Juan Ponce Enrile sa Philippine National Police (PNP), sa Camp Crame, ngayong araw, July 4.

Ito ay matapos mag-isyu ng warrant of arrest ang Sandiganbayan laban sa kanya bago mag alas-tres ng hapon kanina.

Nakasaad dito na mayroong “probable cause” upang maaresto ang senador na nahaharap sa kasong plunder o paglabag sa Section 2 ng R.A. 7080.

Kaugnay ito ng alegasyong tumanggap diumano si Senator Enrile ng kickback na nagkakahalaga ng P172.8 million mula sa pakikipagtransaksiyon nito kay Janet Lim-Napoles, ang itinuturong utak ng pork barrel scam.

Warrant vs JPE para sa kasong plunder. @dzbb pic.twitter.com/cMzTCM7IwF

— rowena l. salvacion (@wengsalvacion) July 4, 2014

Minsan nang nabanggit ng senador na handa siyang maaresto anumang oras.

Nakaempake na nga raw ang mga dadalhin niyang gamit ilang linggo bago lumabas ang kanyang warrant of arrest.

Read: Senators Jinggoy Estrada, Juan Ponce Enrile ready for impending detention

Ayon sa ulat ng dzBB, ang radion station ng GMA Network, nang malaman ni Senator Enrile ang tungkol sa utos ng Sandiganbayan na ipaaresto siya ay agad na umalis ang senador sa bahay niya sa Makati patungong Camp Crame.

Sinalubong ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Benjamin Magalong ang convoy ng senador sa EDSA People Power Monument at saka tumuloy sa Camp Crame.

5:26 p.m. ang naitalang oras ng pagdating ni Senator Enrile sa multipurpose hall ng PNP doon.

PHOTO: Ang convoy ni Sen. Enrile ; 5:26pm nang makapasok ang senador sa Multi-Purpose Hall ng Camp Crame. | @Rodveg72 pic.twitter.com/PBxiHsVk7K

— DZBB Super Radyo (@dzbb) July 4, 2014

Kasama ng 90-year-old senator ang dalawa niyang anak na sina Jack at Katrina Enrile.

Hindi nakasama ang maybahay ng senador na si Cristina Castañer Enrile dahil maysakit daw ito.

Agad na sumailalim sa standard booking procedure at medical check-up si Senator Enrile.

Dito ay napag-alaman kung ano ang mga karamdaman ng senador—hypertension, diabetes, at vertigo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-alaman ding mayroon maintenance medicines ang senador para sa mga nabanggit na sakit at iba pang gamot, ’tulad ng anti-platelet, anti-anemia, at multivitamins.

Ang naitalang blood pressure ng senador ay 200/90.

Handwritten findings of the doctor who examined Sen. Juan Ponce Enrile at his booking procedure. pic.twitter.com/0ndbJP71CP

— Raffy Tima (@raffytima) July 4, 2014

Bunsod ng kanyang high blood pressure ay inirekomenda ng PNP na pansamantalang i-detain si Senator Enrile sa isang air-conditioned room sa PNP General Hospital, na matatagpuan din sa loob ng Camp Crame.

Nakarating ng ospital ang senador bago mag-alas siete ng gabi.

Samantala, ang kapwa-akusado at dating chief of staff ni Senator Enrile na si Gigi Reyes ay boluntaryo ring sumuko sa Sandiganbayan bago mag-alas-singko ng hapon.

Ayon pa rin sa ulat ng dzBB, nagpasya ang anti-graft court na pansamantalang ikulong ang abugada sa detention cell ng Sandiganbayan hanggang Lunes, July 5, bago siya ilipat sa “pinakamalapit na city jail.”

Tila hindi ito inasahan ni Atty. Reyes dahil “napahagulgol” diumano ang abugada nang marinig na sa city jail siya mamalagi imbes na sa PNP custodial center sa Camp Crame.

Si Enrile ang ikatlong senador na inaresto dahil sa kasong plunder; ang dalawang iba pa ay sina Senator Bong Revilla at Senator Jinggoy Estrada na kasalukuyan ding naka-detain sa Camp Crame.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN