Biboy Ramirez refuses to reveal reason of breakup with Vaness del Moral

Despite his confirmation, Biboy Ramirez refuses to reveal reason behind breakup with Vaness del Moral: “I can’t go into details kasi matagal na kaming hiwalay ni Vaness. Let’s just say na, the amount of respect that we have for each other is solid.”


Pagkatapos aminin ng Kapuso kontrabida na si Vaness del Moral na may isang taon na pala silang hiwalay ng boyfriend niya of four years na si Biboy Ramirez, nagkaroon kami ng pagkakataong makuha naman ang panig ng aktor.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Biboy, via direct messaging sa Facebook, noong July 4.

Nang banggitin namin ang tungkol sa rebelasyon ni Vaness, sinabi ni Biboy na hindi niya alam na nagpa-interview na pala ang kanyang ex-girlfriend tungkol sa paghihiwalay nila.

Read: Vaness del Moral admits breakup with Biboy Ramirez

Binasa muna ni Biboy ang PEP interview ni Vaness bago siya nagbigay ng kanyang reaksiyon.

“Tama naman ang lahat ng sinabi niya. Yun naman ang nangyari sa amin ni Vaness,” sabi ni Biboy tungkol sa panayam ng dating kasintahan.

LOW-PROFILE BREAKUP. Noong June 2013 pa sila nag-break, pero noong nakaraang linggo lang ito inamin ni Vaness.

Sabi ni Biboy tungkol dito, “Hindi naman namin itinago yung paghihiwalay namin.

“Hindi lang kami nag-post sa social media.

“But everyone sa core of friends namin know about it.”

May mga nabanggit sa artikulo ni Vaness na kinailangan pa niyang lumipat ng ibang bahay para makalayo kay Biboy. At hindi na rin daw sila nag-uusap tulad noon.

As much as possible, ayaw ring sabihin ni Biboy ang naging cause ng kanilang breakup.

Gaya ng sinabi ni Vaness, may respeto si Biboy sa pinagsamahan nila.

“I can’t go into details kasi matagal na kaming hiwalay ni Vaness.

“Let’s just say na, the amount of respect that we have for each other is solid,” pahayag niya.

Mula nang nagkaroon ng relasyon sina Vaness at Biboy, naging very open sila sa kanilang estado bilang magkasintahan.

Panay ang post nila sa social media ng mga larawan ng masasaya nilang sandali.

Umabot pa nga sa usapang kasalan ang dalawa, pero mukhang hindi na ito matutupad dahil naghiwalay na nga sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HURT. Inamin ni Biboy na nasaktan siya sa paghihiwalay nila ni Vaness kaya mahirap na raw pag-usapan ang nangyari sa kanila.

Pero sa apat na taong relasyon sila, marami naman daw natutunan si Biboy.

“Lahat tayo masasaktan kahit sino pang mahalin natin.

“Walang nakakalusot sa sakit na dulot ng pag-ibig.

“At lahat ng relasyon, natatapos.

“Mga kontinente nga naghihiwalay, tao pa kaya?

“So, might as well love the person who’s worth all the trouble and pain,” saad niya.



MOVING ON. Since naghiwalay sila ni Vaness last year, wala pa raw nahahanap na kapalit si Biboy.

Bago naging girlfriend ni Biboy si Vaness, matagal din ang naging relasyon niya kay Jackie Rice.

Noong maghiwalay sila ni Jackie ay matagal din siyang hindi nakipagrelasyon.

“Since the breakup, single pa rin ako.

“Wala pa rin akong nagiging girlfriend after Vaness.

“Maraming close sa akin ang nakakaalam na matagal ang recovery period ko after a breakup.

“Hindi ako basta-basta nanliligaw or nakikipagrelasyon agad,” sabi ni Biboy.

Pero ang kanyang ex-girlfriend ay unti-unti na raw nakaka-recover. Mga "80 percent" na raw na naka-move on si Vaness pero hindi pa raw siya nakikipag-date sa kahit sino.

“Happy naman ako na nakaka-move on na siya. I only wish her happiness,” reaksiyon dito ni Biboy.

Aktibo pa rin sa pag-arte si Biboy. Huli siyang napanood sa teleseryeng Honesto ng ABS-CBN.

Ngayon ay busy siya sa pagiging producer ng indie films.

Kuwento niya, “Right now, inaasikaso namin ng mga co-producers ko yung screening ng Ang Maestra sa mga schools nationwide. Starting in a few weeks.”

Nakasama ang indie film na Ang Maestra sa New Wave category ng Metro Manila Film Festival 2013.

Bida rito ang veteran actress na si Perla Bautista; kasama rin sa cast sina Biboy Ramirez, Vaness del Moral, Dennis Padilla, Jenine Desiderio, Mel Kimura, Dexter Doria, Baste Alcanses, Darry dela Cruz, Lui Manansala. Mula ito sa direksiyon ni Joven Tan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN