Mo Twister lambasts Julian Estrada anew for using "racist" term

Hindi pa rin nagpapaawat si Mo Twister sa kanyang mga patutsada laban sa mga anak ni Senator Jinggoy Estrada, partikular na sa kay Julian kung saan binatikos nito ang paggamit ng mga salitang “nigga” sa kanyang tweets.


Muling nagpatutsada si Mo Twister laban sa Star Magic talent na si Julian Estrada.

Kagabi, July 6, isang collage ng tweets ni Julian ang ipinost ni Mo sa kanyang Instagram account kung saan makikita rito ang salitang “nigga.”

Ang "nigga" ay isang colloquial term—o derogatory term, ayon sa ilan—bilang pagtukoy sa mga negro o itim ang kulay ng balat.

Sabi ni Mo sa caption: “In my continuing saga of trying to teach an Ejercito how to behave in public, I have noticed that you, @julestrada, have used the term ’nigga’ on your social media account 5 times in the past month. That’s about 5 times too many.

"As the son of a corrupt Senator and grandson of a convicted felon President, I strongly encourage you to educate yourself in its meaning, to open your senses about its effects, and to remind yourself of your place in this world, wherein using such a word as liberally as you do can result in a broken nose or worse, and we wouldn’t want to get blood on your lovely white LV shoes. It is incredibly racist to millions of people.

"Not that I’m trying to save the world here but I just don’t want a presidential grandson to represent our country in that manner, you poser f**k. #HarshTag

Si Julian ay ang pangatlong anak ni Senator Jinggoy Estrada, na kasalukuyang nakapiit sa Camp Crame dahil sa kasong plunder.

Ito ay kaugnay pa rin sa pork barrel scam na kinasasangkutan din ng iba pang pulitiko at mga prominenteng personalidad.

Lolo naman ni Julia si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada, na sumailalim sa impeachment trial noong Presidente pa ito dahil sa bintang na plunder at perjury.

Isa rin si Julian sa labindalawang bagong talents na inilunsad bilang bahagi ng Star Magic Cirlce 2013 noong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong nakaraang linggo ay nakipagsagutan si Julian kay Mo, nang mag-tweet ang US-based radio DJ kung mayroon bang Twitter account ang nakakatandang kapatid nitong si Jolo Ejercito dahil gusto raw niya itong i-bully.

Ito ay kaugnay ng nagsilabasang mga larawan ni Jolo sa Instagram na nagpapakita ng "lavish lifestyle" diumano nito.

Pero sa halip na si Jolo ay si Julian ang sumagot sa naturang tweet ni Mo, kung saan tinawag pa niya ang radio host ng “douche.”

Bilang suporta sa kapatid, nag-post din sa Instagram account nito si Janella Ejercito—konsehal ng San Juan City at panganay na anank ni Senator Jinggoy—ng mahabang mensahe patungkol kay Mo.

Read: Senator Jinggoy Estrada’s children engage in word war with DJ Mo Twister

Kahapon din, July 6, may tweet diumano si Julian tungkol sa abortion na kaagad din nitong binura.

Nakasaad daw sa kanyang tweet: “talk about abortion bro lol.”

Matatandaang naging viral ang isang video ni Mo sa YouTube kung saan umiiyak itong nagkuwento tungkol sa diumano’y pagpapa-abort ng dating girlfriend na si Rhian Ramos sa kanilang dapat ay magiging anak.

Read: Video of Mo Twister goes viral on the Net; claims ex-girlfriend Rhian Ramos "got rid of our baby" in Singapore last year

Bukas ang PEP sa panig ni Julian kaugnay ng mga bagong patutsadang ito ni DJ Mo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN