Sarah Geronimo on admitting relationship with Matteo Guidicelli: "It’s time to decide na maging normal..."

Sarah Geronimo on the most important lessons she learned from her parents about love: “Tao tayo, babae tayo, and part of loving is to be with that someone at iba talaga, iba talaga yung kasama mo siya. Pero importante na matutunan mo yung self-control. At, unang-una sa lahat, yung faith mo kay Lord na hindi minamadali ang mga bagay-bagay.”


Marami ang nagulat sa pag-amin ni Sarah Geronimo tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Matteo Guidicelli.

Ito kasi ang unang pagkakataong tila ipinaglaban ng Pop Princess ang kanyang pag-ibig matapos ang ilang relasyong hindi nagtagal o naudlot.

Read: Sarah Geronimo finally admits Matteo Guidicelli is her boyfriend!

Sa panayam ni Toni Gonzaga kay Sarah sa The Buzz kahapon, July 6, ay ipinaliwanag ng singer-actress kung bakit inamin na niya ang tungkol sa kanila ni Matteo.

Saad niya, “Bilang magtu-twenty-six na ako, parang na-realize ko lang sa sarili ko, it’s time to decide na maging normal.

“Maging normal na tao. Maging normal na babae. Maging normal sa emosyon ko.

“There’s nothing wrong with it, ‘di ba?”

Dahil ba sa buong buhay niya ay parang itinatago niya ang totoong nararamdaman sa publiko?

Pag-amin ni Sarah, “May pagkakataon na ganun.

“Lalung-lalo na sa pelikula, kapag may pelikula ka, dapat wala kang karelasyon.”

Kinontra naman ni Toni ang sinabi ni Sarah dahil sa kaso niya ay hindi problema ito.

Paliwanag ng Pop Princess, “Hindi, noon… sabi nga, if happy blue birds fly, bakit naman ako hindi, ‘di ba? Sa kanta, ‘di ba?

“Kaya sabi ko, sige, admit natin, ‘tapos yun na, tapos na, wala nang follow-up na question.

“Para ang mga tao, hindi naman sinasabi na, ‘Ito namang si Sarah, sobrang deny-deny.’

Hindi rin kasi naiintindihan ng lahat ang pinagdadaanan natin, kung ano ang rason at bakit kailangang ipribado muna.

“Saka yung actions namin, lumalabas naman kami, hindi naman kami nagtatago.

“Akala ko, nagiging enough yun na parang automatic na ‘to, ‘di ba?”

WORTH KEEPING. Tumanggi naman si Sarah na sabihin kung kailan pa siya na-in love—ngayong taon lang ba o noong isang taon pa?

Natatawang sabi niya, “Yun ang parang hindi ko maibigay na details pa!

“Sasabihin ko sa sarili ko, oo, admit ko, pero yung details, sana sa amin na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi niya bang “worth keeping” ang relasyon nila ni Matteo?

Sagot ni Sarah, “Siyempre naman, lahat naman tayo, kapag nagmahal ka ng isang tao, palagi mong tinitingnan yun na worth keeping, ‘di ba?”

Ano ang meron kay Matteo na masasabi niyang worth keeping?

“Si Matt kasi, ano siya, matiyaga.”

“Mahal” daw ang tawagan nila sa isa’t isa.

Sino ang nag-isip ng term of endearment nila para sa isa’t isa?

“Secret!” natatawang sagot ni Sarah.



LESSONS LEARNED. Sa buhay at career niya, sino ang mga taong talagang minahal siya at hindi siya iniwan?

Saad ni Sarah, “Yung mga supporters, talagang kahit na ano’ng mangyari, sila ang nagbibigay sa ‘yo ng unconditional love.

“Ito ang mga Popsters, babanggitin ko na.”

Kung may isang bagay na itinuro ang kanyang mga magulang tungkol sa pag-ibig, ano ito na palagi niyang pinanghahawakan?

“Ang parents kasi, hinding-hindi natatapos yung kanilang pagpapaalala na, especially tayo, mga babae tayo, sa lalaki talaga, walang mawawala, e.

“Sorry, ha… Pero kailangan talaga alam natin kung paano pag-ingatan ang sarili natin.

“Of course, we are not perfect.

“Tao tayo, babae tayo, and part of loving is to be with that someone at iba talaga, iba talaga yung kasama mo siya.

“Pero importante na matutunan mo yung self-control.

"At, unang-una sa lahat, yung faith mo kay Lord na hindi minamadali ang mga bagay-bagay.”

Ano naman ang naituro sa kanya ni Matteo?

Pahayag ni Sarah, “Life is short, e. Mga artista tayo, mga public figure tayo.

“But it’s also our right to live life to the fullest. Experience life. Enjoy life. Grow. Mature.

“Be at 26 years old… magtu-twenty-six na ako, so yun siguro ang nakita ko sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN