Marian Rivera does not want to put any pressure on self as three-time FHM Sexiest Pinay

Ayaw raw magpadala ni Marian Rivera sa pressure ng pagrampa sa ikatlong pagkakataon bilang Sexiest Woman in the Philippines. Saad niya, “Ayoko namang ma-pressure na sabihin kong kailangan ko na lamangan ko yung dati. Ang isa lang na alam ko, na kaya ako rarampa, ay bilang pasasalamat sa mga taong bumoto sa akin. Siguro, mas mahalaga sa akin yun kesa pag-isipan ko na kailangan bongga ako, kailangan sexy ako. Siguro, yun ang sasabihin ko, rarampa ako bilang pasasalamat sa mga ta


Si Marian Rivera ang may hawak ngayon ng record bilang pinakamaraming panalo bilang FHM Sexiest Woman in the Philippines.

Tatlong beses na siyang hinirang ng mga bumoto bilang Sexiest Woman—noong 2008, 2013, at ngayong 2014.

Read: Marian Rivera named FHM Sexiest Woman in the Philippines for the third time

Marian Rivera named FHM Sexiest Woman in the Philippines for the third time

Read more at: http://www.pep.ph/news/43963/marian-rivera-named-fhm-sexiest-woman-in-the-philippines-for-the-third-time
Follow Us: @PEPalerts on Twitter | PEPalerts on Facebook

Ayon sa editor-in-chief ng FHM na si Allan Madrilejos, record-breaking ang nakuhang boto ni Marian ngayong taon dahil mas malaki pa ito sa populasyon ng bansang Greece.

Ikinatutiwa naman ni Marian ang muling pagkakahirang niya bilang FHM Sexiest Woman in the Philippines.

Saad ng Kapuso Primetime Queen, “Siyempre ano, nakakataba ng puso at pangatlong pagkakataon ko ito.

“Pero sabi ko nga, hindi naman magiging posible ang mga bagay na ito kung hindi dahil na rin sa mga bumuboto at nagmamahal sa akin.

“So, dahil sa kanila kaya sa pangatlong pagkakataon ay nangyari talaga.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa press conference ng FHM 100 Sexiest Women noong Sabado, July 5, sa Chef Laudico restaurant, sa P. Guevarra, San Juan City.



OVERWHELMED. Nagulat ba si Marian na mas dumami pa ang bumoto sa kanya ngayong taon kumpara noong mga nakaraang taon na nanalo siya?

Saad niya, “Wala akong masabi… speechless ako.

“Ano lang… paano ko ba sasabihin?

“Siguro ang saya sa pakiramdam, kasi masarap ang pakiramdam na ibinibigay sa ‘yo nang wala kang inaasahan.

“Mas masarap yun kesa sa umaasa ka, pero walang nangyayari.

“At sa lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon, ang saya ko talaga.

“Hindi ko naman masasabing wala akong mahihiling, pero sa punto ng buhay ko ngayon, masasabi kong masaya talaga ako.”

Paano kung alukin siyang muli ng FHM na mag-cover sa ikatlong pagkakataon, papayag ba siya? At paano kung siya muli ang manalo sa isang taon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano ba yun, na-pressure daw ako!” natawang sagot ni Marian.

Pero dagdag niya, “Hindi ko alam… In fairness sa FHM kasi, kaya ako pumapayag na mag-cover sa kanila, kasi nagmi-meet halfway kami sa mga gusto kong mangyari.

“At saka, malaki ang tiwala ko sa kanila.”

Pero tatanggapin ba niya kung sakaling alukin siyang mag-cover ulit?

“Tingnan natin, depende sa konsepto,” sagot ni Marian.



VICTORY PARTY. Bukas, Miyerkules, July 9, gaganapin ang victory party ng FHM 100 Sexiest Women sa World Trade Center.

Kung noong isang taon ay hindi niya binigo ang mga taong sumuporta at nag-abang sa pagrampa niya, posible kayang mas sexy pa ang isusuot niya bukas?

Saad ni Marian, “Tingnan natin. Iba kasi yung tema nila ngayon, parang mga [music] icons na ngayon.

“Siguro, hindi more on sobrang pa-sexy. Parang yun ang concept nila ngayon.

“Tingnan natin, magmi-meeting kami with Pam Quiñones, siya ang magiging stylist ko… tingnan natin.”

Si Beyonce raw ang peg niya sa kanyang isusuot bukas.

May pressure bang nararamdaman si Marian na kailangan niyang malagpasan ang ginawa niya noong isang taon?

Sagot ng Kapuso actress, “Ayoko namang ma-pressure na sabihin kong kailangan ko na lamangan ko yung dati.

“Ang isa lang na alam ko, na kaya ako rarampa, ay bilang pasasalamat sa mga taong bumoto sa akin.

“Siguro, mas mahalaga sa akin yun kesa pag-isipan ko na kailangan bongga ako, kailangan sexy ako.

“Siguro, yun ang sasabihin ko, rarampa ako bilang pasasalamat sa mga taong bumoto sa akin.”

May preparasyon na ba siyang ginagawa?

“Siguro yung costume ko, make-up ko.

“Sa katawan, bugbog ako sa Marian sa kaka-rehearsal, kaya yun na rin ang pinaka-workout ko talaga,” pagtukoy niya sa kanyang dance show.

May pressure din ba na kailangang ma-maintain niya ang titulong Sexiest Woman?

Ayon kay Marian,. “Ayoko namang sabihing hindi, ayoko namang sabihing oo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro ano na lang, paano ko sasabihin… basta mahal ko ang sarili ko at aalagaan ko ang sarili ko, yun ang importante.”



SEXIEST PINAY. Kung hindi siya ang itinanghal na Sexiest Pinay, sino para sa kanya ang karapat-dapat sa titulong ito?

“Dito sa atin? Baka ang daming magselos!” natawang sabi ni Marian.

“Kasi, kaibigan ko si Erika [Padilla], kaibigan ko rin si Rochelle [Pangilinan].

“Ang dami kong kaibigan na sexy… lahat na lang sila.

“Siguro, ganito na lang, mahirap kasing ikumpara ang isang babae sa isang babae.

“Kasi, may mga taong ang tingin sa isang babaeng sexy, payat.

“May iba naman, medyo malaman, pero para sa kanila, sexy.

“So, depende talaga sa isang tao kung ano ang sexy sa kanila.

“The mere fact na nandoon lahat sa FHM yung mga babaeng ‘to, ibig sabihin talaga, mga sexy sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN