Hayden Kho regains medical license; Katrina Halili’s camp cries foul

“All glory to Him, the Almighty. Thank you. Thank you, Lord,” Hayden Kho writes on the caption of his Instagram post, which shows the decision of Professional Regulation Commission (PRC) to reinstate him as medical practitioner.


Isa na muling licensed doctor si Hayden Kho Jr. base sa kautusan na inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) kahapon, July 7.

Bahagi ng desisyon na ito ay ipinakita ni Hayden sa kanyang Instagram account (dochayden) kagabi.

Walang sinabi si Hayden tungkol dito. Sa halip ay nag-post lamang siya ng Bible verses kasama ang isang pasasalamat.

“Here are two Bible verses that reflect what my heart wants to say about this. ’You who have made me see many troubles and calamities will revive me again; from the depths of the earth you will bring me up again. Psalms 71:20 ’I will restore to you the years that the swarming locust has eaten, the hopper, the destroyer, and the cutter, my great army, which I sent among you.’ Joel 2:25 All glory to Him, the Almighty. Thank you. Thank you, Lord.”

Kaugnay ng pagbalik sa lisensiya ni Hayden, umaalma naman ngayon ang kampo ni Katrina Halili sa naging desisyon ng PRC.

Sa isang text message na ipinadala ng legal counsel ng aktres na si Atty. Raymund Palad sa PEP contributor na si Gorgy Rula, sinabi niyang hindi pa tapos ang two-year waiting period para makapag-file si Hayden ng Petition to Reinstate License.

Sabi ni Atty. Palad sa text message na natanggap ng PEP kanina, July 8, “Minadali ng PRC Board of Medicine ang Decision to reinstate Hayden’s medical license.

“The Decision of Court of Appeals affirming the PRC Decision (revoking his medical license) became final only last July 26, 2012.

“The 2-year waiting period for filing Petition to Reinstate License will expire July 26, 2014.

“However, Dec. 2013 pa lang nag file na [ng Petition to Reinstate License] and was Decided by PRC on July 7, 2014.

“The waiting period has yet to expire.

“In addition, there was no fact finding investigation. No formal hearing conducted in order to confront the witnesses who executed affidavits.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This ruling will set a bad precedent.

“We will file a motion for reconsideration at PRC to correct this legal anomaly and if necessary, we will go to higher Courts to decide on this legal issue of ‘2-year waiting period’ under Sec. 27 of Rep. Act 2382 or the Medical Act of 1959.”



RENEWED CHRISTIAN. Sa kabilang banda, sa radio interview ni Dr. Miguel Noche Jr., isa sa mga miyembro ng Board of Medicine (BOM) ng PRC, kanina, July 8, sinabi niyang dumaan sa tamang proseso at deliberasyon ang apela ni Hayden para maibalik ang lisensiya nito.

Napatunayan umano ng BOM na pinagsisisihan na ni Hayden ang kanyang mga nagawa at kwalipikado pa rin siya upang i-practice ang kanyang propesyon bilang cosmetic surgeon.

Ang panayam na ito ay lumabas sa Philippine Star kanina, July 8.

Sa huling panayam ng PEP kay Hayden, sinabi niyang isa na siyang renewed Christian.

Aniya, “The only relationship that I’m fixing and working out right now is my relationship with God and my relationship with myself.

“I think that’s the most important thing.”



Read: Hayden Kho Jr. walks the spiritual path, puts acting career on hold

BACKGROUND. August 2011 lumabas ang desisyon ng PRC na kanselahin ang medical license ni Hayden.

Read: Katrina Halili happy that Hayden Kho’s medical license is cancelled on the basis of her complaint

Ito ay dulot ng reklamong “malpractice of cosmetic surgery” na inihain ni Katrina Halili laban kina Hayden at Dr. Vicki Belo noong June 2009.

Ayon sa kampo ni Katrina, wala pang sapat na residency, training, at specialization para mag-qualify si Hayden bilang cosmetic surgeon nang mag-perform ito ng liposuction sa aktres noong 2007.

Read: Katrina Halili wants license of Vicki Belo and Hayden Kho revoked

Ang hakbang na ito ay ginawa ni Katrina sa kasagsagan ng kontrobersiya tungkol sa video scandal na kinasangkutan nila ni Hayden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay nito, sinampahan ni Katrina si Hayden ng kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.

Lumikha ng ingay ang nasabing video scandal at nagsagawa pa nga ng Senate hearingsa rekomendasyon na rin ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., na ngayon ay naka-detain sa kasong plunder.


Read: Katrina Halili and Hayden Kho face each other at the Senate hearing


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN