Ruffa Gutierrez says it’s her dream to meet the Kardashians

Ruffa Gutierrez on wanting to meet the Kardashians: “Gusto ko silang ma-meet, kasi I’m very curious kung paano lumaki ang empire nila bilang reality-show stars. At siyempre, kahit na marami silang bashers, sikat na sikat na sila ngayon. And Kim Kardashian is in the Top 100 in the Forbes list. So, they must have done something right para maging cover siya ng Vogue and Top 100 siya… number 80 in Forbes


Dahil sa Kardashians pini-peg ang Gutierrez family ng local showbiz—dahil sa kanilang reality show na It Takes Gutz To Be A Gutierrez—inamin ni Ruffa Gutierrez na gusto niyang ma-meet ang sinasabing Hollywood “counterpart” nila.

Saad niya, “That’s actually a dream!

“It’s a dream of mine to meet the Kadarshians kasi, before this show came out, pina-follow na namin sila.

“At saka, grabe, wala namang comparison, ‘no.”

Bakit niya gustong makita o makilala ang Kardashians?

Sagot ng actress-TV host, “Gusto ko silang ma-meet, kasi I’m very curious kung paano lumaki ang empire nila bilang reality-show stars.

“At siyempre, kahit na marami silang bashers, sikat na sikat na sila ngayon.

“And Kim Kardashian is in the Top 100 in the Forbes list.

“So, they must have done something right para maging cover siya ng Vogue and Top 100 siya… number 80 in Forbes.

“You know, she even beat Meryl Streep and Natalie Portman.

“Gusto ko siyang ma-meet kasi, parang alam ko, she’s only 4’11” or 5’1”.

“So, gusto ko lang siyang ma-meet, chika-chikahan kami.”

Ano naman ang sasabihin niya kay Kim Kardashian kung makita o makilala niya ito?

“Wala, I just want to say hi and try to get to know her. Sana mabait siya.

“Actually, yung pagiging tsismosa ko, lumabas ang pagka-TV host ko sa E! executive, tinanong ko kung mabait ba sila [Kardashians].

“And sabi nila, mabait daw, walang problema, walang ere raw.

“Ay, mas lalo akong na-excite!

“Siyempre, alam ko na marami rin humahanga sa amin na mga fans.

“Kung mabait ako sa kanila, I’m sure, mas gusto ng mga fans yun.

“Kami, fans din naman kami ng mga international celebrities, so kung mabait sila sa amin, mas maa-appreciate namin yun.”

Sa E! Channel napanood ang unang season ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

Matagal nang may reality show ang Kardashians, samantalang ang mga Gutierrez naman ay ngayon pa lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Ruffa, “Paumpisa pa lang kami and, even as producer, matagal na kaming nagpu-produce.

“Pero siyempre, it’s still a learning experience for us and we’re still trying to learn the ropes.

“Kasi siyempre, hindi naman ibig sabihin na matagal na kaming producer, alam na namin ang pasikot-sikot.

“Siyempre, every project, you learn something new.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Ruffa sa Victorino’s Restaurant, Quezon City, noong July 3.



FRENCH SUITOR. Kinamusta naman ng PEP kay Ruffa ang napapabalitang manliligaw niya, ang French-Arab businessman na si Jordan Mouyal.

Si Jordan ang ka-date ni Ruffa noong birthday party at binyag ng pamangkin niyang si Zion, anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Mismong ang mommy pa nga ni Ruffa na si Annabelle Rama ang nagbuko tungkol sa manliligaw niyang ito.

Read: Annabelle Rama squeals on daughter Ruffa Gutierrez’s new admirer

“Si Mommy, grabe!” natawang sabi ni Ruffa.

“Special friend ko lang.

“Long distance siya, so siyempre, career muna.

“Hayaan niyo munang textmate kami habang nasa Paris siya or puwede kaming chatmate.”

Halos lahat, sinasabing malaki ang pagkakahawig ni Jordan sa dating asawa ni Ruffa na si Yilmaz Bektas.

Pero natatawang tanggi ni Ruffa, “Talaga? Hindi, a!

Hindi lang daw ma-interview nang husto ni Annabelle si Jordan noong party ni Zion dahil palagi raw nakabantay si Ruffa.

Sabi naman ni Ruffa, “Hindi, kaya hindi niya ma-interview kasi they have a language barrier.

“Itong si Mommy naman, ‘What’s your name? What do you do? What’s your work?’ Hindi sila magkaintindihan.”

Pero sinabi ni Annabelle na mabait naman daw ito.

“Mabait naman,” nakangiting pagsang-ayon ni Ruffa.

Mukha naman siyang inspired ngayon.

Natatawang sagot naman ni Ruffa, “Inspired ako kasi napakaganda ng nangyayari sa It Takes Gutz To Be Gutierrez!”

Masaya naman ang puso niya ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya ako kasi kapag successful ka sa trabaho mo, everything else follows, ‘di ba?

“Pangit naman kung puro love, love, love na lang ‘tapos wala ka namang career, hello!

“Pero siyempre, gusto ko, balance lahat.

“Hindi naman puwedeng puro love, love, love or puro career lang.

“Mas type ko ngayon mga chatmates lang, ‘no!”

Nasaan ba si Jordan ngayon?

“Wala, umalis na. Kaya chatmates lang!” natawang pag-amin niya.

Kay Ruffa rin namin nalaman na pinaplano niyang makipag-usap sa dating asawang si Yilmaz Bektas para makita nito ang dalawang anak nila na sina Lorin at Venice.

“I still plan to have a negotiation with Yilmaz, so he can meet Lorin and Venice sometime soon.

“So, kung may mangyari sa amin, at least, may camera, para may proof, ‘di ba? Hindi na ako masyadong matatakot.”

Posibleng sa second season ng kanilang reality show mangyari yun?

“Tingnan natin, pinaplano ko pa,” sagot ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN