German Moreno criticizes PNoy over Nora Aunor’s exclusion from National Artists list

Sa kabila ng reklamo ng ilang sektor tungkol sa pag-alis ni Pangulong Noynoy Aquino sa pangalan ni Nora Aunor sa listahan ng mga hihiranging National Artists, naniniwala ang veteran TV host na si German Moreno na hindi babaguhin ng Pangulo ang kanyang desisyon.


Hindi lingid sa kaalaman ng marami kung gaano kalapit sa isa’t isa ang veteran TV host na si German Moreno sa Superstar na si Nora Aunor.

Kaya hindi maiiwasang kunin ang opinyon ni Kuya Germs sa hindi pagkakasama sa mga hinirang na National Artists ngayong taon si Nora.

Pahayag ni Kuya Germs, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Niño sa Pagsanjan, Laguna, noong July 2, “Ako, tahasan kong sinasabi, and especially, he’s the leader and remaining… how many, more than one year, mas maganda sana na makapag-iwan na magandang masasabi ang tao sa kanya kesa yung ganyan.”

Ang tinutukoy ng Master Showman ay si Pangulong Noynoy Aquino na siyang nagdesisyong tanggalin si Nora sa listahan ng hihiranging National Artists.

Ayon sa PNoy, ang pagkaka-convict diumano ni Nora noon sa kasong may kinalaman sa droga ang dahilan kung bakit inalis niya sa listahan ang Superstar.

Read: PNoy: Nora Aunor excluded in National Artist award because of drug issue

Patuloy ni Kuya Germs, “Maybe, yung mga nakapaligid din sa kanya ay hindi tama ang pagbibigay ng advice.

“You know, it’s always like that, e.

“Siyempre, ano naman, yung magandang exit, mas maganda.

“Kesa yung ganyan naman na pagdating ng ano naman, siya naman ang bibigyan ng kaso, ‘di ba?

“Ganoon ang nangyayari sa ating lipunan, e.”

SUPPORT OF THE PEOPLE. Nagkausap na ba sila ni Nora tungkol sa isyung ito?

Saad ni Kuya Germs, “Nagkausap kami kahapon [July 1].

“Yung lumabas naman niyang statement, nagpapasalamat siya na yung tao na mismo ang umano sa kanya...

“Na na-feel niya na more than National Artist ang natanggap niya sa suporta ng mga tao.

“Kahit nga yung mga hindi niya ano dati, yung mga mayayaman, pati yun, e, nagbigay ng reaction.”

Inasahan ba ni Kuya Germs na matatanggal sa listahan si Nora?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “My god, nangyari naman na sa nakaraan, ‘di ba?

“May experience na tayo, kay Dolphy.

“Ang ano nito, yung mga judges mismo ang napahiya.

“Ipinakita lang nila sa Pangulo [ang listahan] para respect.

"Pero yung judgment talaga, yung mga judges na naka-assign, si Guy ang number one na highly-rated sa pagdya-judge nila.”

Sa tingin kaya niya ay magbabago pa ang isip ni PNoy tungkol sa isyung ito?

Sagot ni Kuya Germs, “I don’t think… paninindigan pa rin niya ‘yan na ano.

“Ang naging kapalit lang, kahihiyan nga na sumagot yung abogado na hindi siya convicted.

“So, ano ngayon ang mararamdaman niya?”

Ang tinutukoy rito ng veteran TV host ay ang paglilinaw ng abugado ni Nora, si Atty. Claire Espina, na hindi na-convict ang Superstar sa kasong drug possession.

Read: Nora Aunor lawyer contradicts PNoy’s claim that the Superstar was convicted of drug possession



BONG & JINGGOY. Tinanong din ng PEP si Kuya Germs kung ano naman ang reaksiyon niya sa pagkakapiit nina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada—na parehong bahagi ng movie industry—dahil sa kasong plunder.

Pahayag niya, “Ako naman, not for anything, hindi pa rin naman sila convicted.

“So, huwag naman na ang treatment na gawin ay katulad ng gusto nilang mangyari.

“Ngayon, kapag na-convict, doon sila magsalita.”

Nadalaw na raw niya ang dalawang actor-politicians sa Camp Crame.

“Okey naman sila.

“Masyado lang tayong… sino ba malinis? Sino ba ang perpektong tao sa atin?

“Wala namang perpekto, e. Lahat naman ‘yan merong pagkakamali.

“O, ngayon, aasahan mo bang may lalabas na ngayon, puwede siyang [PNoy] ma-impeach.

“Yung nangyari kay [former Chief Justice Renato] Corona na puwede siyang ma-impeach?

"Magkanong halaga yung pinagsusuhol niya? Hindi nila puwedeng pagtakpan ‘yan.

"At ako’y nagpapasalamat, si Bongbong Marcos, si Miriam [Defensor-Santiago], hindi tumanggap.”

Sino ang ikakampanya niya sa 2016 presidential elections?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, di si Bongbong Marcos pa rin,” walang kagatul-gatol na sabi ni Kuya Germs.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN