Louise delos Reyes denies causing Aljur Abrenica-Kylie Padilla breakup; speaks up about rumored pregnancy

Louise delos Reyes clarifies that Aljur Abrenica did not cause her breakup with Enzo Pineda, and speaks up about rumoured pregnancy.


“Never.”

Ito ang mariing sabi ni Louise delos Reyes tungkol sa balitang nagkamabutihan sila ni Aljur Abrenica kaya nagkahiwalay ang Kapuso hunk at ang ex-girlfriend nitong Kylie Padilla.

Ang pagkakaugnay nina Louise at Aljur ang sinasabi ring dahilan ng breakup naman ng young actress kay Enzo Pineda.

Read: Louise delos Reyes and Enzo Pineda split because of Aljur Abrenica?

Read: Kylie Padilla keeps her distance from Louise delos Reyes: “I forgive her but I don’t wanna talk to her. I don’t wanna see her. Bakit pa?”

Sa presscon ng pinagbibidahan niyang indie film na Island Dreams kaninang tanghali, July 10, binasag ni Louise ang kanyang pananahimik tungkol sa pag-uugnay sa kanila ni Aljur.



JUST FRIENDS. “Hindi po, hindi kami,” tugon ni Louise nang direktang tanungin kung sila ba ni Aljur.

Nagtambal sina Louise at Aljur sa GMA primetime series na Kambal Sirena, na nagtapos nito lamang June 2014.

Dagdag ng Kapuso young actress, “Co-actors lang kami na, eventually, naging close din dahil siya yung naging leading man ko sa show, palagi kaming magkasama.

“’Tsaka hindi lang kami ang naging close. Naging close din kami ni Mike Tan, up to the point na ’andiyan kami together...

"Yung body-double ko, si Joanne, si Direk Dondon [Santos], si Ate Mickey Ferriols."

Ang pagkakaibigan ng mga artista at production staff ng Kambal Sirena ay nanatili raw kahit sa likod ng camera.

Sabi pa ni Louise, nabigyang-kulay marahil ang closeness nila ni Aljur dahil nakikita silang very close sa taping ng kanilang teleserye.

Diin niya, “This is the right time for me to break my silence and to say my part na hindi po nangyari ’yon.

"Wala kaming relasyon, hindi ako ang naging cause, at hindi siya [Aljur] ang naging cause ng kahit anong breakup.

“Siguro, may mga relationships talagang hindi magla-last, kasi siyempre...

"Sa amin na lang po ‘yon, yung mga problems."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SINGLE. Ngayong tapos na ang Kambal Sirena, lumalabas pa ba sila ni Aljur?

Sagot ni Louise, “As a group po.

"Hindi maiiwasan, kasi yung Kambal Sirena talaga, siguro more than One True Love [2012], ito yung naging barkada ko talaga.

"Na first soap ko, naging close ko lahat ng cast, pati staff."

Kahit nang pumutok ang isyu tungkol sa kanila ni Aljur, hindi raw sila puwedeng mag-iwasan dahil magkapareha nga sila sa teleserye.

Dagdag pa ni Louise, “And hindi rin naman namin hinayaan yung mga issues makaapekto sa trabaho namin.

“We’re just very professional na humarap sa mga tao during mall shows and be sweet, dahil yun yung trabaho namin.

"Pero yung friendship, ’andun rin naman."

Nagkaroon din daw ng pagkakataong mapag-usapan nila ni Aljur ang pagkaka-link nila.

“May mga times na napapag-usapan, pero alam naman namin sa sarili namin na hindi totoo yung sinasabi nila.

"And alam ng mga tao sa paligid namin yung totoo kaya wala na rin."

Mas minabuti raw nilang pagtuunan ng pansin ang kanilang trabaho.

Pero bakit mas pinili nila ni Aljur na tumahimik noong kasagsagan ng isyu sa kanila?

Paliwanag ni Louise, “Kasi, yung stage na ‘yon, hurting pa yung mga tao na hindi rin sila makikinig just in case na magsalita kami.

“I guess, ’di rin nila matatanggap.

"So, hayaan muna natin na lahat mag-isip nang maayos, makapagnilay-nilay pa sa mga sasabihin, para hindi tayo makasakit ng mga tao.

"Kasi siyempre, fresh pa sa lahat ng tao ‘yon."

Hindi ba nagkaroon ng pagkakataong muntik nang may mabuong pagkakaunawaan sa pagitan nila ni Aljur?

Sagot ni Louise, “Wala po talaga.

"Siguro nami-misinterpret lang po ng tao ang closeness namin since leading man ko siya at leading lady niya ako.

"And most of the time, siya yung kaeksena ko at nakikita kaming sweet."

Hindi naman itinanggi ng Kapuso young actress na nasaktan siya sa isyung ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masakit din po. Tao din lang po ako.

"Pero I’m very happy also.

"God has given me wisdom to understand things na meron mang sitwasyong nangyayring ganito, He’s guiding me to the right path, kung ano yung puwede kong sabihin at puwede kong gawing actions.”

Ano ang status niya ngayon?

"I’m single and very happy… not dating.

"I’m single and not dating," sagot niya.

ON PREGNANCY RUMOR. Itinanggi rin ni Louise ang balitang buntis siya dahil napansin ng marami ang pagdagdag ng kanyang timbang.

Ani Louise, gumamit siya ng hashtag na "buntis" para sa episode ng Magpakailanman ngayong Sabado, July 12, dahil ang role niya rito ay isang buntis.

Saad niya, “Natawa ako!

"Napa-Instagram post ako na, ’Kapag payat, anorexic agad. Di ba puwedeng nagda-diet lang? Kapag mataba, buntis na agad. Di ba puwedeng malakas lang talagang kumain?’"

Ayon pa kay Louise, “Lumakas talaga akong kumain, as in nakakalimutan kong mag-gym.

"Pero ngayon, back to gym na uli ako at nagta-try ako ng ibang activities na magpapayat."

Aniya pa, ang bawi minsan ng mga artista sa pagod at puyat ay ang pagkain ng marami.

"Minsan hindi na ako nakakapag-dinner kasi mas pinipili kong matulog. ’Pag nagising ako, kakain ako, so midnight snack.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN