Judy Ann Santos says Mommy Divine approves of Sarah Geronimo’s relationship with Matteo Guidicelli

On Kris TV’s July 10 episode, Judy Ann Santos explains that Sarah Geronimo’s parents always accompany the Popstar Princess on group dates with her boyfriend Matteo Guidicelli.


“Wala naman akong reputasyon na manligaw ng ibang tao. Alam naman din ni Mommy Divine.”

Ito ang pahayag ni Judy Ann Santos nang usisain ni Kris Aquino, sa ABS-CBN morning program na Kris TV, kung paano nakuha ng aktres ang tiwala ng ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine.

Kahit noong single pa si Sarah ay parang kapamilya na ang turing ni Judy Ann, hindi lang sa Popstar Princess kundi pati na rin sa mga magulang nito.

“At saka nagpupunta sila Sarah sa bahay.

“Hindi lang nagpo-post [sa Instagram], pero every now and then, nagpupunta si Sarah.

"Nagluluto kami doon, naglaro sila ng mga anak namin.

"Kaya naman yung trust ni Mommy Divine ayoko rin namang sirain,” saad ni Judy Ann.

TRUSTED CHAPERONE? Matatandaang dalawang beses naibalita ang tungkol sa pakikipag-double date nina Sarah at Matteo Guidicelli sa mag-asawang Judy Ann at Ryan Agoncillo noong mga nakaraang buwan.

Read: Sarah Geronimo on viral photo with Matteo Guidicelli: "As long as wala tayong sinasaktan na tao, wala namang dapat ikatago."

Read: Matteo Guidicelli "enjoying every moment" with rumored girlfriend Sarah Geronimo

Ngunit nilinaw ni Judy Ann na sa mga pagkakataong iyon ay kasama rin nila si Mommy Divine.

Sabi ni Judy Ann, “She’s always with us naman…

“Actually, sinabi ko, clinear ko rin ‘yan sa isang nagtanong sa akin, bilang ako yung parang naging spokesperson nitong dalawang batang ‘to.”

Kung hindi man daw ang ina ni Sarah ay ang ama nitong si Daddy Delfin ang kasama niyang lumalabas.

Ayon kay Kris, naging palaisipan ito sa kanya, dahil hindi naman nakikita si Mommy Divine sa mga kumalat na larawan nina Judy Ann, Ryan, Sarah, at Matteo noon.

Paliwanag ni Judy Ann, “Hindi, kasi gusto ko rin i-clear, kasi baka isipin ng mga tao na ako yung nagyayakag kay Sarah o kung saan-saan ko dinadala si bagets.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Muling humirit si Kris na malinaw na aprubado ni Mommy Divine ang relasyon nina Sarah at Matteo kung kaya’t madalas itong sumama sa young couple.

“Yeah,” pagsang-ayon ni Judy Ann.

GOOD FRIENDS. Nagsimulang mapalapit ang loob ni Judy Ann kay Sarah nang magkatrabaho sila sa pelikulang Hating-Kapatid noong 2010.

Sa kabilang banda, matagal na rin umanong magkaibigan sina Ryan at Matteo dahil pareho nilang kinahiligan ang triathlon.

Sabi ni Judy Ann, “Matteo and Ryan are friends na because of training [for] triathlon.

“So, even before I met Matteo, nagkikita kami, pero hindi talaga kami yung nag-uusap. Kumbaga, hi-hello lang.

"Sila talaga ni Ryan yung [magkakilala].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN