Gerald Anderson proud of girlfriend Maja Salvador: "Naging inspirasyon siya sa maraming tao na dreams do come true."

Gerald Anderson on his relationship with Maja Salvador: “Everyday is a learning lesson para sa akin. Ang dami kong natutunan. Katulad ng kung paano mag-handle ng [difficult] situation, paano mag-alaga ng babae.”


Aminado si Gerald Anderson na ayaw ni Maja Salvador na manood siya ng MAJ: The Legal Performer concert, dahil baka mas lalong nerbyusin ang aktres.

Ngunit mismong mga fans ang humiling na umakyat si Gerald sa stage bago matapos ang concert ng kanyang girlfriend, na ginanap sa Music Museum kagabi, July 12.

Pinaunlakan naman ito ng Kapamilya aktor at buong-pagmamalaking niyakap si Maja habang kumakanta ang huli ng “Skyscraper.”

Pagkatapos ng kanta ay inihayag ni Maja kung gaano niya pinahahalagahan ang pag-aalaga sa kanya ni Gerald.

“Gusto ko lang i-share. Madamot man po kami sa mga interviews namin o kung saan man… Pero masaya po ako na grabe niya ako protektahan.

“Kung pwede ko lang po sabihin nang detalyado pero siyempre sa amin na lang po yun. Pero napakaswerte ko po,” emosyunal na saad ni Maja.

READ: Maja Salvador shares sweet moments with Gerald Anderson during The Legal Performer concert

PROUD BOYFRIEND. Bago nag-umpisa ang concert ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gerald.


Dito ay sinabi ng Kapamilya actor na masaya siyang makitang nagbunga ang lahat ng pagod at pag-eensayo ni Maja para sa concert.

“I’m here to support her. Siyempre proud ako na first concert niya at naging inspirasyon siya sa maraming tao na dreams do come true.

“Eto yung katunayan niya. Hard work pays off. Talagang pinaghirapan niya ito,” saad ni Gerald.

Bagamat abala rin si Gerald sa taping ng Kapamilya primetime teleserye na Dyesebel, siniguro raw niya na maipakita kay Maja na palagi lang siyang nakasuporta rito.

Sabi ni Gerald ukol dito, “Siyempre comfort lang. Siyempre pagod din siya. Everyday sila nagba-band rehearsals at voice lessons.

“So, nandun lang ako. Pampapawi ng pagod. Gan’on lang.”

Kuwento pa ni Gerald, naniniwala siyang mas nag-mature na siya pagdating sa pagkakaroon ng karelasyon.

“Everyday is a learning lesson para sa akin. Ang dami kong natutunan. Katulad ng kung paano mag-handle ng [difficult] situation, paano mag-alaga ng babae.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pinaka-challenge lang sa relasyon nila ni Maja ay kung paano magbigay ng oras sa isa’t isa, lalo na’t pareho silang abala sa trabaho.

“Yun ang mahirap kasi siyempre pareho kaming artista. Kailangan ng kaunting sacrifice na gumawa ng oras. Gano’n talaga,” dagdag pa ni Gerald.

Sa ngayon, mas masaya raw sina Gerald at Maja na panatilihing low-profile ang kanilang relasyon.

"Relaxed. Ok na ganito, tahimik lang," ani Gerald.

ALL IS WELL. Matatandaang January 2013 nang unang naiulat ang tungkol sa pagkakamabutihan nina Gerald at Maja.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na ito ang naging mitsa upang magkaroon ng alitan sina Maja at Kim, na dating girlfriend ni Gerald.

Ngunit base sa panayam ni Maja sa The Buzz noong nakaraang Linggo, July 6, tuluyan nang nawala ang bigat sa pakiramdam na dulot ng ‘di pagkakaunawaan nila noon ni Kim.

Maayos na nga ba ang lahat sa pagitan nilang tatlong sangkot sa isyu?

Sagot ni Gerald, “Oo naman. Time heals everything. Everybody’s happy. I’m happy. She’s happy.”

Sa katunayan, nagkatrabaho na sila ni Kim sa commercial shoot ng isang coffee brand noong Hunyo.

Kung saka-sakali, bukas umano si Gerald na muling makatambal si Kim para sa isang acting project.

Aniya, “Hindi ko alam [kung may plano ang management]. Kung may project, OK sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN