Matteo Guidicelli on relationship with Sarah Geronimo: “I know there will be challenges, but Sarah is worth it.”

Nang tanungin kung bakit si Sarah Geronimo ang umamin tungkol sa relasyon nila, ipinaliwanag ni Matteo Guidicelli na iba kasi ang sitwasyon nila. Sabi ni Matteo, “You know, Sarah and I, we’re very, very happy dahil basically, lahat po ng comments, positive naman, ‘di ba? So, we’re very thankful that everybody’s happy. It’s a good feeling. It feels free. It feels very nice.”


Balik-trabaho si Matteo Guidicelli pagkatapos niyang mawala for three weeks dahil sa ilang shows para sa TFC (The Filipino Channel) sa Amerika.

Isang masiglang Matteo ang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Sabado ng hapon, July 12, sa Valencia compound ng Regal Films, pagkatapos ng story conference para sa “Flight 666” episode ng Shake, Rattle & Roll XV, entry ng Regal sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kuwento ni Matteo, bukod sa TFC shows na ginawa niya sa New Jersey at Virginia, sa US East Coast, lumipad din siya sa West Coast para makapiling ang kanyang younger sister na si Giorgia Guidicelli.

Kaka-graduate lang mula sa college ng kapatid ni Matt sa California. Nag-bonding silang magkapatid doon, na naging bakasyon na rin para sa Kapamilya actor-TV host.

Pagkatapos ay sabay na silang umuwi ng Pilipinas. Bale dito na ulit based si Giorgia dahil tapos na itong mag-aral abroad.



PAST AND PRESENT. In one of his US shows, sa New Jersey, ay nakasama ni Matteo ang ex-girlfriend niyang si Maja Salvador.

Kumusta silang dalawa ni Maja?

Sagot niya, “Okey naman.

“Nagulat lang lahat ng tao dahil sabi nila, ‘Matteo, ex mo ‘yan, e. Hindi ba awkward?’

“Sabi ko, ‘Hindi naman dahil, you know, we respect each other, we’re civil with each other, and we’re friends.’”

Alam naman ng lahat na masaya ngayon si Maja sa boyfriend niyang si Gerald Anderson, habang si Matteo naman ay nakatagpo ng bagong pag-ibig kay Sarah Geronimo.

Pareho silang masaya ngayon ni Maja sa kani-kanilang lovelife, kaya walang problema at wala ring intriga.

“Yeah, yeah. She’s doing great in her career, so everything’s good.

“There’s no reason to hate one another or anything…” sabi ni Matto.

Kahit sina Sarah and Maja ay okay kapag nagkakasama ang dalawa sa ASAP 19, kaya mukhang “everybody happy” na talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, yes. It’s important, dapat happy lahat. Happy!” nakangiting sabi ni Matteo.



PROUD BOYFRIEND. Tatlong linggong nawala sa bansa si Matteo. Pag-uwi niya ba ay nagkita na agad sila ng kanyang “Mahal”—term of endearment nila—na si Sarah?

“Siyempre naman!” tila may halong kilig na tawa ng binata.

Noong wala siya sa Pilipinas ay nagbunyi ang mga tagasuporta nila ni Sarah—lalo na ang avid supporters nila na kung tawagin ay AshMatt—dahil finally ay inamin na ni Sarah ang tungkol sa relasyon nilang dalawa.

Read: Sarah Geronimo finally admits Matteo Guidicelli is her boyfriend!

Sabi ni Matteo tungkol dito, “Yes, I’m happy also for her, ‘di ba?

“This is the first time she’s ever said something about herself, for herself.

“So, nakaka-proud lang, not for our relationship, but more for her.

“‘Di ba? So, yun!” pakli ni Matt, na matamis pa rin ang ngiti.

Napag-usapan ba nila ni Sarah ang tungkol doon? Sinabi ba sa kanya ni Sarah ang gagawin nitong pag-amin?

Sabi ni Matteo, “Hindi, e. Because, you know, in the beginning, I really didn’t want to say anything dahil pinag-usapan namin ‘yan.

“That’s my sign of respect for her family and her parents. Wala akong sinabi, so…”

Ano ang naging reaksiyon niya na kay Sarah mismo nanggaling ang kumpirmasyon?

Ang komento kasi ng iba, dapat daw ay kay Matteo ito nanggaling dahil siya yung lalaki.

“Our situation is a little different than others!” natatawang sagot ni Matteo.

Patuloy niya, “But everything’s okay.

“You know, Sarah and I, we’re very, very happy dahil basically, lahat po ng comments, positive naman, ‘di ba?

“So, we’re very thankful that everybody’s happy.

“It’s a good feeling.

“It feels free. It feels very nice.”



NORMAL SARAH. In one of her TV interviews, sinabi ni Sarah na dahil magtu-26 years old na siya, finally ay gusto na nitong maging normal na tao, normal na babae, at maging normal sa emosyon nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya nga’t proud niyang inaming boyfriend na niya si Matteo at mahal nito ang binata.

Read: Sarah Geronimo on admitting relationship with Matteo Guidicelli: "It’s time to decide na maging normal..."

Ano ang masasabi niya rito?

“Yeah, she deserves it, ‘di ba?” tila kumikislap ang mga matang sagot ni Matteo.

“Sarah’s very nice. Siyempre, she’s mature, she’s learning.

“You can’t blame her. She’s learning everything now.

“So, ayos naman lahat.”

Gaano kasaya ngayon si Matteo?

“Very happy. Very, very happy.

“I can’t say everything’s perfect but, you know, nothing is perfect naman.

“There’s always challenges along everything, ‘di ba?

“So, okey naman lahat.”

Speaking of challenges, hindi pa ba tapos ang “challenges” niya pagdating sa ina ni Sarah na si Mommy Divine?

“Basta, challenges na namin ‘yon!” tawa ng binata.

Nabanggit din ni Sarah sa isang interview na ang pinaka nagustuhan nito kay Matteo ay ang kanyang pagiging matiyaga, kaya kung tawagin siya ay “Matt-yaga.”

Ibig sabihin, nagbunga ang lahat ng pagtitiyaga niya kay Sarah?

“I guess so. It’s not over yet, it’s still a long process, ‘di ba?

“But I always believe, kung gusto mo talaga ang isang bagay, you really have to work hard for it,” seryosong sagot ni Matteo.

Ano ba’ng sabi ni Mommy Divine?

“Ha? Sa amin na lang ‘yon!” natatawang iwas niya.



SARAH’S BIRTHDAY. Malapit na ang 26th birthday ni Sarah on July 25. May plano ba silang dalawa on that day?

“Wala, wala pang plano, e. I think she’s working.

“Sana wala siyang work. We’ll see. Tingnan natin,” nakangiting sabi ng 25-year-old Kapamilya heartthrob.

May pinaplano ba siya kung sakaling libre si Sarah sa araw na iyon?

“Sana, sana makaplano ako kung wala siyang trabaho. Tingnan natin.”

Nakatuwaang usisain ng PEP si Matteo kung may pasalubong ba siya mula sa States para sa kanyang “Mahal” na na-miss din siya for three weeks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, may mga pasalubong ako. Mga damit pang-workout!” tawa na naman niya.

Sabay na ba silang nagwu-workout ni Sarah?

“Hindi pa, hindi pa. Pero sana, in the future. We’ll see.”

Yun lang ba ang pasalubong niya? Walang something sweet o something cute?

“Cute din naman yun, e! Ha-ha-ha!

“Hindi, meron naman. Meron pa akong ibang pasalubong.”

Bilang sobrang active ngayon si Matteo sa sports, ini-influence niya ba si Sarah na maging sporty rin gaya niya?

“Yeah, she wants naman.

“Hindi ko naman siya pinipilit, but she wants. It comes from her.

“She wants to do many, many things.

“Siyempre, may time para sa lahat. So, sana.”

Ano ang mensahe niya para kay Sarah?

“Message for her? Alam na niya ‘yon!” tawa ni Matteo.

Pero dagdag din niya, “Ako, I’m just so thankful to all the people who are very happy for us. Salamat po sa inyong lahat.

“You know, I only want Sarah to be happy.

“And I know it’s still a long way to go.

“I know there will be challenges, but Sarah is worth it.”

Bago namin tinapos ang interview ay pabirong hiniritan namin si Matt ng, “Uy, huwag mong paiiyakin si Sarah, ha?”

Sagot niya, “Oo naman po! Oo naman,” na may kasamang pagkatamis-tamis na ngiti.



“FLIGHT 666.” Matteo will play a young doctor in “Flight 666,” one of the three episodes in the 15th installment of the famous horror franchise Shake, Rattle & Roll.

Makakapareha niya rito for the first time ang Kapuso actress na si Lovi Poe, who will play a flight attendant of an airline, na ang isa sa mga pasahero ay isang tiyanak.

It will be directed by newbie director and former TV5 executive Perci Intalan.

Excited si Matteo dahil ito ang kanyang unang MMFF entry at unang horror movie.

Bale second project na niya ito with Regal Films. Nauna na niyang matapos ang rom-com na Somebody To Love, directed by Joey Reyes, to be shown on August 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN