Vhong Navarro grateful for dismissal of two rape complaints of Deniece Cornejo

Patuloy pa rin daw na nagdarasal si Vhong Navarro na makayanan niya lahat ng pagsubok na dumarating sa kanyang buhay, kahit na nabasura na ng korte ang dalawang reklamong rape na inihain laban sa kanya ni Deniece Cornejo.


Tila nabunutan ng tinik sa lalamunan si Vhong Navarro dahil sa pagkabasura ng pangalawang reklamong panggagahasa na inihain laban sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo.

Sabi ng actor-dancer nang makapanayam ng The Buzz 15, “Siyempre, ako po’y nagpapasalamat sa lahat po ng mga taong nagdadasal at naniniwala po sa akin.

“Wala naman po talagang ibang makapangyarihan kundi ang Panginoon.

"So, lahat po ng mga pinagdadaanan ko ngayon sa buhay ay ipinagdadasal ko po.

“Basta ang sinasabi ko lang po sa Kanya na sana ang mga pagsubok na dumadating sa akin ay makayanan ko lahat.

"At maraming-maraming salamat sa lahat sa tulong niya at sa lahat ng mga taong nagdarasal para sa akin."

Pero ayon kay Vhong, kahit na-dismiss na ang dalawang rape complaints laban sa kanya ay hindi pa tapos ang laban niya.

Patuloy pa kasing dinidinig sa korte ang isinampa naman niyang kasong serious illegal detention laban kina Deniece, Cedric Lee, at iba pang kasabwat nila.

Ito ay may kaugnayan sa pambubugbog ng grupo nina Cedric at Deniece kay Vhong noong January 22, 2014 sa Forbeswood Heights Condominium, Bonifacio Global City, Taguig.

Kasalukuyan nang nakapiit sa National Bureau of Investigation (NBI) detention cell si naCedric at Zimmer Raz; samantalang si Deniece ay naka-detain sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) detention center, sa may Camp Crame.

DENIECE SLASHES HER WRIST. Kaugnay sa pagkakabasura ng reklamong panggagahasa laban kay Vhong, kumalat kahapon, July 13, ang balitang diumano’y naglaslas ng kanyang pulso sa pamamagitan ng blade si Deniece.

Ginawa raw ito ng modelo dahil sa pagkadismaya niya sa pagbasura muli ng Taguig Prosecutor’s Office ng kanyang rape complaint laban kay Vhong.

Biyernes, July 11, lumabas ang ulat na naibasura ng korte ang reklamong panggagahasa ni Deniece.

Read: Deniece Cornejo’s second rape complaint against Vhong Navarro junked



SIGN OF PROTEST. Nauna nang sinabi ng abugado ni Deniece na si Atty. Salvador Panelo na blade diumano ang ginamit ng kanyang kliyente sa paglaslas sa kanyang pulso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon sa ulat ng InterAksyon, sinabi ng lola nitong si Florencia Cornejo na hindi naman daw nagtangkang magpakamatay ang kanyang apo.

Gusto lang daw ipakita ni Deniece ang kanyang protesta sa pagkabasura ng kasong isinampa niya laban kay Vhong.

Sinabi rin ni Atty. Panelo na isinugod si Deniece sa Philippine General Hospital (PGH), ngunit ito ay itinanggi ng CIDG.

Ayon sa spokesperson ng CIDG na si Chief Inspector Elizabeth Jasmin, "Hindi siya inilabas ng detention facility."

Sinabi rin nitong hindi naman malubha ang tinamong sugat ni Deniece sa kanyang kamay kundi "parang kinurot lang."

Gusto raw ng 23-year-old model na umukit sa kanyang braso ng mga letrang "W" at "R", na ang ibig sabihin ay Women’s Rights.

Dagdag pa ng CIDG spokesperson, "Yes, it’s intentional daw and a sign of protest over the resolution dismissing her case of rape [laban kay Vhong]."

Nangyari raw ang insidente bandang alas-tres ng madaling-araw nitong Linggo, July 13, gamit ang takip ng softdrinks.

Pero ayon naman kay CIDG chief Benjamin Magalon, eyebrow trimmer ang ginamit ni Deniece na pangsugat sa kanyang pulso.

Read: Deniece Cornejo protests dismissal of rape complaint against Vhong Navarro by slashing her wrist

Ayon pa sa awtoridad, walang magbabago sa itinalaga nilang seguridad ni Deniece sa kabila ng insidenteng ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN