Deniece Cornejo’s second rape complaint against Vhong Navarro junked

Ayon sa pahayag ng abugada ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga, ang pagkakabasura ng reklamong rape laban sa kanyang kliyente ay isang indikasyon na walang ginawang kasalanan ang aktor at pagpapatibay laban sa mga kasinungalingang ibinabato rito.


Ibinasura ng Taguig Prosecutor’s Office ang ikalawang reklamong panggagahasa na inihain ng modelong si Deniece Cornejo laban sa actor-TV host na si Vhong Navarro.

May kaugnayan ang second rape complaint ni Deniece laban kay Vhong noong January 17, 2014, ang unang araw na nagkasama sila sa condominium unit ng modelo sa Forbeswood Heights, Bonifacio Global City, Taguig.

Read: Deniece Cornejo files rape case against Vhong Navarro

Nauna nang sinabi ni Denice na ginahasa siya diumano ni Vhong noong gabi ng January 22, ang pangalawang araw ng kanilang pagkikita sa naturang condo unit.

Sa nasabi ring petsa naganap ang pambubugbog ng grupo ni Cedric Lee kay Vhong.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident



THE JULY 1 RESOLUTION. Sa inilabas na resolusyon ng Taguig Prosecutor’s Office noong July 1, Martes, kaduda-duda raw ang naging testimonya ni Deniece dahil kung napagsamantalahan na raw siya noong January 17, bakit pa niya muling inimbitahan si Vhong na pumunta sa condo unit niya noong January 22.

Nagbigay naman ng pahayag ang abugado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ngayong gabi, July 11, kaugnay ng pagkakabasura ng ikalawang rape complaint ni Deniece laban sa kanyang kliyente.

Saad ni Atty. Mallonga, "The complaint filed by Deniece Cornejo against Vhong Navarro alleging she was raped on January 17 has been dismissed by the Taguig Prosecutor’s Office in a resolution dated 1 July 2014.

"The complaint filed by Deniece alleging she was raped by Vhong on January 22 had already been earlier dismissed by the DOJ in April. The resolution reads in part: ‘If indeed complainant was raped January 17 or 18, 2014, why would she still invite (Mr. Navarro) on January 22, 2014 to her condominium?’

"The dismissal vindicates Vhong, gives lie to the baseless charges against him, and brings him one step closer to reaching the end of his quest for full justice."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpaabot na rin ng mensahe ang PEP sa abugado ni Deniece na si Atty. Ferdinand Topacio upang makuha ang kanilang panig tungkol sa bagong kaganapang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN